SA hangaring tuluyan nang tuldukan ang agam-agam ng publiko sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra katiwalian, target ng Port of Limay sa lalawigan ng Bataan ang pagpapatupad ng alternatibong sistema sa pagbabayad ng buwis at taripa sa mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa isang diskurso kasama ang mga kawani mula sa Management Information System and Technology Group (MISTG), iginiit ni Port of Limay district collector Atty. William Balayo ang bentahe ng “no contact policy” para sa kanilang Puerto. Aniya, marapat din tupdin ang 10-Point Priority Program ni…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
PALITAN NG KAALAMAN PARA SA MAUNLAD NA KALAKALAN
BILANG tugon sa direktiba kaugnay ng polisiya sa pagpapaigting ng kalakalan, isang programa ang ipinatupad sa hanay ng mga 17 district collection offices at iba pang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC), bagay na nakikitang dahilan sa likod ng patuloy na pagsipa ng koleksyon ng pamahalaan. Kabilang naman sa mga district collection offices na nagbahagi ng kanilang kaalaman ang mga puertong nakapagtala ng higit pa sa kanilang mga target na kita at maging yaong matagumpay na nakasungkit ng ISO certification na patunay ng husay ng pinaiiral na sistema. Ayon kay…
Read MoreKumpiskadong kargamento, ‘di inilalako SCAM NA NAMAN!
KAILANMAN hindi inilalako ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kumpiskadong kargamento. Ito ang paglilinaw ng ahensya kaugnay ng isang grupong nagpapakilalang pinagkatiwalaan umano ng kawanihang magbenta ng mga high-tech gadgets na nasabat sa operasyon kontra smuggling. Babala ng BOC, walang probisyon sa ilalim ng kanilang umiiral na reglamento ang pagtatalaga ng organisasyon o pribadong kumpanya para sa pagbebenta ng mga kumpiskadong kargamento. Partikular na tinukoy ng kawanihan ang nagkalat na social media post ng grupong Olguopic-UK na nagsasabing sila mismo ang itinalagang tagabenta ng mga nasabat na high-tech gadgets…
Read MoreDROGA SA BONGGANG TRAJE DE BODA
TINATAYANG nasa P3.3-milyong halaga ng mga party drugs ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) makaraang inspeksyunin ang mamahaling traje de boda inangkat pa mula sa bansang Alemanya. Sa imbentaryo ng Port of NAIA, nasa halos 2,000 piraso ng hugis bulaklak na party drugs na kilala sa tawag na ecstasy ang ikinubli sa isang wedding dress na ipinasok sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, kamakailan. Arestado naman sa isang follow-up operations ang babaeng consignee na sinampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. Sa isang pahayag,…
Read MorePati mga bodega, meron na rin NAIA KARGADO NA NG X-RAY GADGETS
BILANG tugon sa patuloy na tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamento sa pangunahing paliparan ng bansa, mas pinaigting pa ng Bureau of Customs-Port of NAIA sa tulong ng People’s Air Cargo (PAIRCARGO), ang kanilang scanning capabilities gamit ang mga karagdagang x-ray machines na susuri sa mga kargamentong dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport. Sa isang seremonyang dinaluhan nina Customs Internal Administration deputy commissioner Donato San Juan, Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at XIP acting chief General Roberto Ancan, tiniyak ni PAIRCARGO President and CEO Joseph Madrigal ang…
Read MoreSIOPAO NAGING SIBUYAS
SA kabila ng dikit-dikit na operasyon kontra smuggling ng mga produktong agraryo, patuloy pa rin ang pagdagsa mula sa bansang Tsina ng mga gulay na una nang sinabi ng pamahalaang may dalang peligro sa kalusugan ng mga mamimiling Pilipino. Sa isang spot check ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro, ang limang kargamentong una nang idineklarang “steamed buns”(siopao) ng EMV Consumer Goods Trading, tinatayang P14-milyong halaga ng sibuyas mula sa bansang Tsina pala ang laman. Ayon sa BOC, Nobyembre 13 nang dumating ang limang container vans na idinaan sa…
Read More5 DAKIP SA P6.3M YOSI SMUGGLING
LIMA katao ang arestado makaraang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-POD) ang mahigit P6.3-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong ipinuslit sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato. Katuwang ang Philippine National Police (PNP), kinumpiska ng mga operatiba ng Subport of Dadiangas ang nasa 12,500 reams ng imported na sigarilyong lulan ng isang Isuzu Fuso Fighter truck, batay sa tip ng isang impormante. Sa bisa ng isang warrant of seizure and detention, agad namang inilipat sa kustodiya ng Enforcement and Security Service (ESS)…
Read MoreP2.5B signature items PALSIPIKADO, KUMPISKADO
SANDAMUKAL na pekeng signature items ang nahagip sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at iba pang intelligence agencies ng pamahalaan sa Pasay City kamakailan. Sa tala ng BOC, aabot sa mahigit P2.5 bilyong halaga ng mga counterfeit products na ipinuslit sa bansa ang nasamsam ng mga operatiba ng Customs Intelligence Group (IG), Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division (CIIS-IPRD) at ng Port of Manila (POM) sa One Logistic Center, Taft Avenue Extension sa Pasay City nito lamang nakaraang Sabado. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na…
Read MoreSa promotion ng BOC personnel PANGHIHIMASOK NI BONG GO, GIIT NG EX-EMPLOYEE
TODO tanggi ang Bureau of Customs (BOC) sa naglabasang social media posts kaugnay ng diumano’y hayagang panghihimasok ng isang presidential aspirant sa proseso ng pagtatalaga at promotion ng mga empleyado ng nasabing kawanihan. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na walang katotohanan ang mga pahayag ng isang empleyadong nagngangalang Reynaldo “Bepoy” Galeno hinggil sa umano’y pakikialam ni Senador Bong Go sa aspeto ng pagpili ng mga mauupo sa mga sensitibong pwesto sa nasabing ahensya. Sa social media post, hayagang sinabi ni Galeno ang umano’y pagdidikta ng senador kung sino ang…
Read More