BULILYASO ang dapat sana’y puno ng siglang party-party makaraang masabay ng mga operatiba ang hindi bababa sa P8.5 milyong halaga ng ecstasy sa Port of Clark sa Pampanga kamakailan. Arestado rin sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine DrugEnforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang babaeng suspek na kinilalang isang Ana Fe Morilla alyas Jonah Ileve na dinakip sa kanyang tahanan sa Las Piñas City. Sa tala ng kawanihan, lumalabas na idineklarang mga ilaw ang bagaheng lumapag sa Port of…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
DONASYON MULA SA POLUSYON
HINDI sapat ang maunlad na kalakalan kung nakokompromiso ang kalikasan. Ito ang buod ng mensaheng inilahad ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC-POS) sa ginawang pakikibahagi para sa 10th Recyclable Collection Event kamakailan. Katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), inilunsad ang ikalawang bahagi ng taunang kampanyang naglalayong makapagbahagi ng tulong sa mga nangangailangan mula sa mga single-use plastic bottles na nakokolekta ng mga nasabing tanggapan ng pamahalaan. Sa pinag-isang pahayag, hinimok ang iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, pribadong…
Read MorePINAS BUMIDA SA 35TH ASEAN CCC
PINANGUNAHAN ng bansang Pilipinas ang pagbubukas ng 35th Meeting ng ASEAN Coordinating Committee on Customs (CCC), kasabay ng panawagan para sa isang mas malalim na ugnayan at palitan ng kaalaman, teknolohiya at impormasyon sa hanay ng mga kasaping bansa sa rehiyon. Giit ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na tumatayong chairman ng ASEAN Director General, higit na kailangan ngayon sa timog silangang Asya ang pagtutulong-tulong para sa mas mabilis na pagbangon ng kalakalang sukdulang ilugmok bunsod ng pandemya. Sa kanyang mensahe, binigyan din niya ng pagkilala ang pagtugon ng mga…
Read MoreDAGDAG-SUMBUNGAN LABAN SA MGA TIWALI
SA hangaring tuluyan nang tuldukan ang bulilyaso, mas pinalawak pa ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang mekanismong didinig at agad na tutugon sa mga inihaing reklamo at sumbong kaugnay ng mga iregularidad sa nasabing kawanihan. Katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, nagtalaga na rin ng mas maraming tanggapan – bukod pa sa BOC Customer Assistance and Response Services (CARES) – ang maaari na ngayong pagsumbungan ng mga nagnanais magreklamo bunsod ng red tape, pangongotong at maging sa mga naantalang pagre-release ng mga kargamento. Sa isang virtual conference,…
Read MorePORT OF DAVAO HATAW SA KITA
MULING nagpamalas ng sigasig ang pamunuan at mga kawani ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-POD) makaraang makapagtala ng higit pa sa inaasahang koleksyon para sa buwan ng Nobyembre. Sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF), higit pa sa target nitong P3.08 bilyon ang pumasok na kita ng Port of Davao na nakakuha ng kabuuang koleksyong P3.184 bilyon – o labis na P100.777 milyong kinakatawan ng 3.27% na pasobrang ganansya. Gayunpaman, hindi naging kasing husay ng ng Port of Davao ang mga karatig tanggapan ng Port…
Read MoreSibuyas, hindi mantikilya WOW MALI!
MULING nabulilyaso ang pinakabagong tangkang pagpupuslit sa paboritong bagsakan ng mga smuggled red onion – saan pa nga ba kundi sa Mindanao na itinuturing na paraiso ng mga sindikato sa likod ng smuggling ng kalakal mula sa bansang Tsina. Sa taya ng Bureau of Customs (BOC), hindi bababa sa P6 milyong halaga ng mga red onions na unang idineklara ng Humility Trading bilang mantikilya mula sa bansang Tsina ang nakumpiska sa Mindanao Container Terminal (MCT) Sub-port sa Tagoloan, Misamis Oriental, bunsod ng isang timbreng pinarating ng impormante sa pagdaong ng…
Read MoreFUEL SMUGGLING DUROG NA – DOF
IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang pagsirit ng koleksyon ng pamahalaan mula sa produktong petrolyo bunsod ng pinaiiral na programang tumutukoy sa mga lehitimo at smuggled oil products sa merkado. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, tumataginting na P324.5 bilyon ang nakolektang taripa at buwis ng pamahalaan mula nang ipatupad and fuel marking program ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pasilidad ng iba’t ibang kumpanya ng langis. Sa tala ng DOF, may kabuuang P294.6 bilyong koleksyon ang BOC mula sa taripa ng mga imported petroleum products, habang pumalo…
Read More5 BOC PORTS SABLAY SA TARGET REVENUE
MULING nakapagtala ng labis pa sa target collection ang 12 sa 17 district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) para sa buwan ng Nobyembre. Sa tala ng BOC, tanging ang mga Puerto sa Maynila, Cebu, Surigao, Cagayan de Oro at Aparri ang bigong makalikom ng sapat sa itinakdang target sa mga nasabing district collection offices. Gayunpaman, napagtakpan naman ng mga palabis na koleksyon ng iba pang BOC district collection offices ang kapos na ganansyang pumasok sa mga nabanggit na puerto. Kabilang sa mga nagtala ng labis sa kanilang target…
Read More2 DAKIP SA YOSI SMUGGLING
ZAMBOANGA CITY – Arestado sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang dalawa kataong nagtangkang magpuslit ng hindi bababa sa P7.5 milyong halaga ng mga sigarilyong ibinagsak sa Sulu mula sa bansang Malaysia. Ayon sa mga operatiba, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa paparating na bangkang de motor na kargado ng mga iligal na kargamento. Agad na ikinasa ang operasyon sa karagatang sakop ng Barangay Sinunuc kung saan nadakip sina Nadzpin Benjamin at Benhar Mundih na kapwa mula sa lalawigan ng Sulu. Ayon…
Read More