Kumpiskadong langis PAKINABANGAN KESA MASAYANG

WALA dapat masayang sa gitna ng kawalan. Ito mismo ang pahiwatig ng Bureau of Customs-Port of Surigao (BOC-POS) makaraang mapagpasyahang ibigay na lamang sa lokal na pamahalaan ang walong drum ng langis na nasabat ng nasabing kawanihan. Sa isang simpleng seremonya, pormal na rin isinalin sa City government ni BOC-POS District Collector Jonna Herber Dollano ang mga kumpiskadong langis sa Surigao City government na kinakatawan ni Mayor Ernesto Matugas Jr. Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Lungsod. Kabilang din sa mga dumalo si Auction and Cargo Disposal Division Chief Reynaldo…

Read More

HANDANG-HANDA NA SA ISO CERTIFICATION

PUSPUSAN ang paghahanda ng Bureau of Customs-Port of Cagayan De Oro sa napipintong paggagawad ng ISO Certification na patunay ng kanilang tugon sa direktibang modernisasyong susi sa pagbangon ng ekonomiyang isinadlak ng pandemya. Bukod sa BOC-Port of CDO, maging ang Subport of Iligan, pasok din sa pinakahuling talaan ng mga pasilidad na tatanggap ng ISO 9001: 2015 Quality Management System (ISO QMS) na patunay ng mahusay na sistema sa larangan ng kalakalan. Bahagi naman ng paghahanda ang pagsasanay na isinagawa ng Interim Training and Development Division (ITDD) sa Customs House,…

Read More

HATAW SA KOLEKSYON PUWERTO NG LA UNION

HUMIGIT pa sa target para sa buwan ng Oktubre ang naitala ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando, lalawigan ng La Union. Sa tala ng BOC-Port of San Fernando, pumalo sa P499.3 milyon ang pumasok na kita ng nasabing tanggapan — higit na mataas kesa sa itinakdang target para sa nasabing buwan. Lumalabas sa kwenta ng kawanihang mas mataas ng P20.55 milyon o katumbas na 4.29% increase ang actual collection, bagay na bunga umano ng sigasig at katapatan ng mga kawani ng naturang tanggapan. Ang Port of…

Read More

BININGWIT SA PINAS NG MGA TSINO, DITO RIN PALA BINEBENTA

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-POD) ang tinatayang P1.7 milyong halaga ng mga “frozen tuna” na pinaniniwalaang nabingwit ng mga nagkalat na Chinese fishing vessels sa karagatang sakop ng Philippine exclusive economic zone. Ayon kay BOC-POD District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, nakatanggap sila ng tip mula sa impormante kaugnay ng pagdaong ng nasabing kargamento, kaya naman agad aniya nilang inalerto ang kanilang mga operatiba. Tulad ng inaasahan, lumapag sa Davao International Container Terminal (DICT) sa  Panabo City, Davao del Norte ang kargamentong idineklarang “frozen…

Read More

ISO fully-certified na LALARGA, SASABAY!

WALA ng dahilan para hindi makasabay ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalang bibida sa pagbangon ng bansa sa kinasadlakang dusang dulot ng pandemya. Ito ang tiniyak ni Bureau of Customs-Port of Clark (BOC-POC) District Collector Alexandra Lumontad matapos pormal na matanggap ang pinakaaasam na ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certificate na patunay ng husay ng kanilang tanggapan. Inihayag ni Lumontad ang magandang balita sa lingguhang pulong, kasabay ng paggagawad ng pagkilala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga natatanging kawaning bahagi ng pagsisikap ng Port of Clark na maipasa…

Read More

BAGONG UNIPORME SA MGA OPERATIBA

HINDI biro ang tungkulin at peligrong sinasagupa ng mga operatiba. Ito ang pagtitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kaugnay ng pagpapamahagi ng mga bago at angkop na tactical field uniforms para sa mga mi­yembro ng Enforcement and Security Service (ESS). Sa lingguhang formation ng ESS, ibinida rin ang kanilang mga bagong unipormeng akma para sa mga kawaning klasipikadong front line workers ng nasabing ahensya. Paliwanag ni Guerrero, malaking bentahe sa kanilang mga operatiba ang wastong kasuotang may kakayahang magbigay ng dagdag proteksyon sa pagganap ng atas ng walang pinipiling…

Read More

GULAY MULA TSINA, HINDI PARA SA TAO

NAGPALABAS ng isang babala ang Department of Agriculture (DA) sa publiko kaugnay ng peligrong dala ng mga inangkat na gulay mula sa bansang Tsina. Sa isang panayam, hayagang sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste na hindi ligtas para sa mga tao ang mga produktong agrikultura, partikular ang mga naglipanang bagsak presyong gulay na ipinuslit sa bansa. “Other than price manipulation meron din siyang problema sa food safety, kasi for as long as walang importation permit, meron siyang health hazard, health threat talaga siya,” ayon kay Laciste, kasabay ng malawakang…

Read More

BOC AT KAPITOLYO SANIB PWERSA KONTRA PIRATA

BILANG na ang araw ng pamimirata ng mga smuggling syndicates sa karagatang sakop ng lalawigan ng Bataan, makaraang lagdaan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bataan Provincial Government ang isang kasunduan para sa mas mabilis na pagresponde at pagtugis sa mga piratang dagat. Sa isang Memorandum of Agreement (MOA), target nina Bataan Gov. Abet Garcia at Port of Limay District Collector Atty. William Balayo na palakasin ang kapasidad ng mga programa sa pagpapatibay at pagpapahusay ng border protection sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan. Sa paglagda ng MOA sa…

Read More

P4.7M AGRI PRODUCTS NASABAT SA MALABON

AABOT sa mahigit P4.72 milyong halaga ng iba’t ibang gulay at mga sangkap sa pagluluto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang inspeksyon sa isang malaking bodega sa Catmon, Malabon City kamakailan. Bitbit ang Letter of Authority at Mission Order na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kinumpiska ng mga operatiba mula sa Manila International Container Port (MICP), Department of Agriculture DA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of Trade and Industry (DTI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang iba’t ibang produktong…

Read More