Ni JOEL O. AMONGO BUKOD sa nagbabadyang patong-patong na asunto kaugnay ng pandaraya sa buwis, panibagong problema ang kinakaharap ngayon ng dalawa sa mga opisyales ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na nasa likod ng kontrobersyal na transaksyon kaugnay ng mga overpriced na medical supplies na binili ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya. Partikular na nadidiin sina Pharmally corporate secretary Mohit Dargani at corporate board director Linconn Ong na kapwa kinukwestyon kaugnay ng dalawang luxury vehicles – isang 2021 Porsche Turbo S at 2021 model ng Lexus RCF na bagama’t nakarehistro sa…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
P1B DAGDAG KITA NAITALA
TUMATAGINTING na isang bilyong piso ang naitalang dagdag kita ng Bureau of Customs (BOC) makaraang magsagawa ng pagsusuri sa mga binayarang buwis at taripang katumbas ng mga pumapasok na produkto sa bansa. Sa ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Department of Finance (DOF), may kabuuang P1.04 bilyon ang kanilang nasingil na dagdag kita para sa mga unang siyam na buwan ng kasalukuyang taon. Ayon pa kay Guerrero, malaking bentahe sa kanilang ahensya ang pagsasagawa ng regular na post-clearance audit sa mga pinagbayarang taripa at buwis katumbas ng mga…
Read MoreUKAY-UKAY SILAT SA MATNOG
TULAD ng inaasahan sa nalalapit na kapaskuhan, naging masigasig ang tangkang pagpupuslit ng mga pinaglumaang kasuotan, bagay na napaghandaan ng Bureau of Customs (BOC) na minsan pang nakasabat ng iligal na kargamento sa bayan ng Matnog sa lalawigan ng Sorsogon. Sa isang joint operation ng Port of Legazpi kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), nasabat ang isang trak na naglululan ng P5.1-milyong halaga ng mga iba’t ibang klase ng mga pinaglumaang kasuotan na nakatakda na sanang ibiyahe sa patungo sa Davao City. Sa imbestigasyon ng nasabing Puerto, galing umano sa…
Read MoreBODY CAMS BUENA-MANO SA DAVAO
SA hangaring tuldukan ang aregluhan sa mga transaksyon at operasyon kontra smuggling, sinimulan nang ipamahagi at ipagamit ng Bureao of Customs (BOC) sa mga kawani ng Port of Davao ang bahagi ng 200 bagong biling body-worn cameras sa pagpapaigting ng kampanya laban sa tiwali. Bukod sa katiwalian, target din ng BOC ang aktuwal na kaganapan sa sa loob at labas ng ahensya bilang tugon sa Customs Memorandum Order 33-2021. Sa ilalim ng nasabing memorandum order, obligadong isuot ng mga kawani ng nasabing ahensya para sa official customs activities, subalit hindi…
Read MoreWALANG TAKOT KAY GUERRERO
Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO MUKHANG hindi sapat ang angas ng retiradong heneral na si Rey Leonardo Guerrero para pangilagan ng mga sindikato sa likod ng patuloy na smuggling operations sa iba’t ibang pwertong saklaw ng Bureau of Customs (BOC). Maging ang mga kasapakat na tiwaling kawani ng BOC, tila deadma lang sa bantang pagsibak at pagsasampa ng asunto laban sa mga tiwali sa nasabing ahensya. Ang totoo, sadyang mahirap supilin ang korapsyon sa BOC lalo pa’t naging kultura na sa nasabing kawanihan at katiwalian. Ito rin ang dahilan…
Read MoreKampanya kontra agri-smuggling OH MY GULAY KUMPISKADO!
Ni JOEL O. AMONGO MULA Enero hanggang Setyembre, tumataginting na P545-milyong halaga ng mga smuggled farm products mula sa bansang Tsina ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatuloy ng masigasig na kampanya laban sa mga tangkang pagpupuslit ng iba’t ibang produktong pang-agrikultura papasok sa bansa. Sa ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinakamarami ang bigas na kanilang nasabat, kasunod naman ang sibuyas at bawang. Sa kanilang pagtatala, pumalo na sa P206.8 milyon ang halaga ng mga bigas ang nakumpiska sa iba’t ibang pasilidad ng nasabing kawanihan. Pumangalawa…
Read MoreSMUGGLED YOSI KUMPISKADO
HUMIGIT kumulang P2-milyong halaga ng mga imported na sigarilyo mula sa bansang Indonesia ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Sarangani Bay kamakailan. Ayon sa BOC-Port of Davao, nasabat ng kanilang mga kawani ang isang bangkang de motor kung saan lulan ang kahon-kahong sigarilyong tinangkang ipuslit sa bansa sa kabila pa ng paghihigpit sa mga karagatan kung saan karaniwang idinadaan ang mga iligal na kargamento. Sa tala ng BOC, 40 kahon ng mga sigarilyong tatak Gudang Baru mula sa bansang Indonesia ang kumpiskado sa operasyon ng…
Read MoreMOTMOT NA, NAUDLOT PA
SILAT sa mas pinahigpit na pagbabantay ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunahing Puerto ang hindi bababa sa 45 units ng mga segunda-manong motorsiklo at jetski na tinangkang ipuslit sa South Harbor sa lungsod ng Maynila kamakailan. Sa tala ng BOC-Port of Manila, Oktubre 3 pa nang lumapag sa South Harbor sa Maynila ang isang 40-foot container na naglalaman ng mga nasabing segunda-manong sasakyan mula sa Japan. Batay sa mga dokumentong nakalap mula sa nasabing kawanihan, idineklarang e-bikes ang laman ng kargamentong nakapangalan sa isang Fastside Consumer…
Read MoreTROPANG KOTONG TIMBOG
HINDI na nagawa pang makapiglas ang dalawang kawani ng Bureau of Customs (BOC) nang dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng salaping katumbas ng hinihinging areglo mula sa isang negosyanteng kinikikilan kapalit ng mabilis na proseso sa releasing ng mga kargamentong inangkat mula sa ibang bansa. Sa pinagsanib na entrapment operation na ikinasa ng BOC at National Bureau of Investigation (NBI) sa Harbor View Restaurant sa lungsod ng Maynila, arestado sina BOC appraiser Zosimo Bello at examiner na si Bong Seletaria na kapwa inireklamo ng isang importer ng mga…
Read More