KASONG perjury at falsification of public documents ang isinampa ng National Bureau of Investigation laban sa isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na umano’y gumamit ng mga palsipikadong dokumento sa pagpasok sa gobyerno. Ayon sa reklamo, isang Carlos Joey Reyes mula sa Port of Davao ang nagsumite ng mga pekeng credentials para palabasing kwalipikado sa bakanteng pwesto sa nasabing kawanihan. Batay sa dokumento, taong 2020 nang isumite umano ni Reyes ang mga pekeng credentials sa Civil Service Commission (CSC) na siyang nangangasiwa sa mga posisyon sa gobyerno, subalit nadiskubre…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Droga napurnada ASO LANG SAPAT NA
SA gitna ng mga makabagong teknolohiyang gamit kontra smuggling, nananatiling maaasahan pa rin ang mga asong sinanay sa paniniktik ng droga. Sa isang operasyong magkatuwang na inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan, arestado ang isang babaeng consignee ng halos 10,000 tableta ng mga party drugs na ikinubli sa sa mga nakatuping kobre kamang ibiniyahe pa mula sa Brussels, Belgium. Sa tala ng PDEA, aabot sa P16.9 milyon ang halagang katumbas ng 9,917 ecstacy, isang uri ng drogang nagbibigay ng kakaibang sigla. Ayon sa…
Read MoreWalang kadala-dala SIBUYAS NA NAMAN!
HINDI pa man ganap na natutugunan ang hinaing ng mga magsasakang apektado sa pagbaha ng mga smuggled na gulay sa mga pamilihan, isang tangkang pagpupuslit na naman ng mga sibuyas mula sa bansang Tsina ang nabulilyaso ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro nito lamang nakaraang linggo. Sa tala ng kawanihan, hindi bababa sa P6 milyong halaga ng mga pulang sibuyas na inangkat ng Hao International Trading ang nasabat sa tatlong 40-footer container na unang idineklarang naglalaman umano ng “frozen malt” at “wanton skin”. Batay…
Read More7 tanggapan ng BOC ISO CERTIFIED NA
SA layuning mapagbuti ang pagtugon sa mandato, naipasa ng pitong tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na panuntunan para masungkit ang inaasam na ISO 9001:2015 Quality Management System (ISO QMS) Certification bilang patunay ng mas pinahusay na serbisyo. Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na patuloy pa nilang pag-iibayuhin ang serbisyo, kasabay ng modernisasyon ng mga pasilidad sa iba’t ibang panig ng bansa sa hangaring makasabay sa larangan ng kalakalan sa iba pang panig ng daigdig. Kabilang sa mga tanggapan ng kawanihang nakasungkit ng ISO Certification ang Port…
Read MoreP8.62-M DROGA ‘DI NAKALUSOT
TIMBOG sa mahigpit na pagbabantay ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P8.62-milyong halaga ng party drugs na inangkat pa mula sa mga bansang Netherlands, Germany at Malaysia. Sa ulat ng kawanihan, ikinubli ang mga nakumpiskang ecstasy and ketamine (droga para sa mga kabayong pangkarera) sa mga bagaheng idineklara bilang laruang pambata, bag na pang-eskwela, mga termos, sapatos pambata, sombrero, mga pangkulay sa eskwela. Batay sa mga dokumentong kalakip ng mga nasabing bagahe, magkakahiwalay na nasabat ng mga operatiba ang…
Read MoreIMBESTIGAHAN NATIN ALAGANG SOBRE SA BOC
AMININ man o hindi ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC), mananatili ang katiwalian sa kanilang kawanihan – hindi dahil yan ang nais nila, kundi dahil ang kultura ng lagayan nakasanayan na. Sa isang huntahan, hayagang sinabi ng isang customs broker na naging bahagi na ng kanilang trabaho ang mag-abot ng sobre sa mga kawani ng BOC sa hangarin mapabilis ang release ng kanilang kargamentong nakalagak sa Aduana. Hindi man na direktang tinatarahan, malinaw naman kasi sa mga broker ang pahiwatig sa likod ng mga pagka-antala sa paglabas ng kargamento.…
Read MoreOil smugglers binalaan WALANG MARKA, MATIK KUMPISKA
SA gitna ng kabi-kabilang protesta kaugnay ng lingguhang pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, binalaan naman ng bureau of customs (BOC) ang mga negosyante laban sa pagsasamantala at pagpupuslit ng langis papasok sa bansa. Babala pa ni Port of Limay district collector Atty. William Balayo, hindi sila magdadalawang-isip na embarguhin lahat ng mga kargamentong langis na walang kaukulang dokumento at permiso. Bukod sa langis, kukumpiskahin din ani Balayo maging ang sasakyang ginagamit sa pagbibiyahe ng mga klasipikadong iligal na kargamento. “Confiscation po ng fuel product at vehicle kung hindi…
Read More‘Di dapat paabutin sa merkado MGA GULAY MULA TSINA, DINISPATSA
WALANG garantiyang ligtas para sa “human consumption” ang mga ipinuslit na gulay mula sa bansang Tsina kaya naman ang hatol ng Bureau of Customs (BOC) – huwag nang paabutin pa sa merkado. Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, 60 kargamentong naglalaman ng mga iba’t ibang smuggled vegetables na nasabat sa Port of Subic nitong mga nakaraang linggo ang napagpasyahang idispatsa ng kawanihan. Bukod aniya sa pampasikip lamang sa kanilang pasilidad, dapat din umano tiyaking walang makakarating sa mga nasabing mga gulay sa mga pamilihan lalo pa aniya’y hindi dumaan…
Read MoreBOC AT AMLC NAGSANIB VS MONEY LAUNDERING
MAS pinaigting na ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang sasagupa sa patuloy na banta ng money-laundering sa ekonomiya ng bansa. Pagtitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mas palalawigin pa ng kanilang kawanihan sa tulong ng AMLC ang pagbabantay sa pagpupuslit ng salapi papasok at palabas ng bansa, gamit ang mga makabagong teknolohiyang dala ng mga kagamitan binili ng kanilang ahensya bilang tugon sa hamon ng mandatong nakaatang sa BOC. Kasama si AMLC executive director Mel George Racela, idinaos ang tatlong-araw na…
Read More