ABANDONADONG EPEKTOS ISINUBASTA

TUMATAGINTING na P134.6 milyon ang pumasok na kita ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsusubasta ng 336 containers na tuluyan ng inabandona ng mga importers at consignees dahil sa kakulangan ng mga kaukulang dokumento at kabiguan nitong bayaran ang katumbas na buwis. Donasyon naman sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang kinauwian ng 35 abandonadong containers na naglalaman ng mga aklat, medical supplies, broadcasting equipment at iba pa. Dinispatsa naman ng ka­wa­nihan ang kumpiskadong kargamentong laman ng 443 containers. Kabilang sa mga winasak at ibinaon batay na rin sa probisyon…

Read More

SMUGGLED YOSI HAGIP, 2 TSINO ARESTADO

KUMPISKADO sa isinagawang pinagsanib na operasyon kontra smuggling ang P32-milyong halaga ng mga pekeng sigarilyong nagkalat ngayon sa merkado. Bukod sa mga palsipikadong yosi, arestado rin ang apat katao, kabilang ang dalawang Tsinong pinaniniwalaang may-ari ng mga nasabing epektos. Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC), sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang warehouse sa Barangay Borol sa bayan ng Balagtas na sakop ng lalawigan ng Bulacan kung saan tumambad ang target ng operasyon mga smuggled yosi at ang mga Chinese nationals na nasa…

Read More

Hindi lang epektos PATI BARKO PINUPUSLIT

Ni JOEL O. AMONGO HINDI nakaiwas ang isang ipinuslit na sasakyang dagat matapos tikarin ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) gamit ang bagong patrol boats na sadyang inilaan para tugisin ang mga pirata sa karagatang sakop ng bansang Pilipinas. Kumpiskado sa operas­yong ikinasa ng Enforcement and Security Service (ESS), BOC Quick Response Action Team at Water Patrol Division ang MV Long Xiang 8 na unang naispatan sa Port of Iloilo kamakailan. Ayon sa tanggapan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing sasakyang dagat ay karay-karay ng mas…

Read More

PORTABLE X-RAY KONTRA DROGA, BARIL AT IBA PA

BILANG paghahanda sa pagbugso ng mga kargamento sa mga nalalabing buwan bago ang kapaskuhan, mas pina­igting ng Manila International Container Port (MICP) ang pagbabantay laban sa posibleng tangkang pagpupuslit ng mga droga, armas at iba pang ilegal na epektos sa bansa. Gamit ang mga makabagong portable x-ray machines, tututukan ng MICP, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang lahat ng kargamentong inaasahang da- dagsa sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Partikular na tinukoy ng BOC ang paggamit ng mga bagong biling Viken Detection HBI-120 ng mga kawani…

Read More

‘GAMOT KONTRA-COVID’ KUMPISKADO SA NAIA

ANIM na magkakahiwalay na kargamentong naglalaman ng mga ibinibidang gamot kontra COVID-19 ang nasabat ng operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Sa pagtatala ng BOC, aabot sa halagang P29.33-mil­yong halaga ng kargamentong naglalaman ng 146,600 kahong Lianhua Qingwen Jiaonang ang nasabat ng kawanihan. Ayon sa BOC, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng impormasyon hinggil sa paglapag ng mga kargamentong naglalaman ng mga tinaguriang Chinese traditional medicines na walang ka­ukulang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga kargamentong pinadaan sa Paircargo. Pagdating…

Read More

KUMPISKADONG SIBUYAS SINIRA NA LANG

TINATAYANG aabot sa P13.5 milyong halaga ng mga kum­piskadong sibuyas mula sa bansang Tsina ang tuluyan nang sinira ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro, kamakailan. Sa isinagawang pagsira ng mga kumpiskadong sibuyas sa pasilidad ng Terra Cycliq Corp­oration sa bayan ng Manolo Fortich sa lalawigan ng Bukidnon, nagbabala rin ang BOC sa iba pang magtatangkang magpuslit ng mga kargamento sa hangaring makaiwas sa buwis na katumbas ng inangkat na produkto. Makaraan ang pagsira, agad naman itong ibinaon ng kawanihan sa isang lugar sa loob mismo…

Read More

BOC APRUB SA PNB CHAIR

NAGPAHAYAG ng paghanga ang isa sa mga kinikilalang haligi ng banking industry sa umano’y nagawa ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna ng pandemya. Ayon kay Atty. Philippine National Bank (PNB) Chairman Federico C. Pascual, wala mang direktang mandato kaugnay ng kalusugan, nagawa pa rin nitong makapag-ambag ng malaki sa pagtugon sa mga programa ng gobyerno kontra COVID-19. “BOC’s achievements led by the Commissioner’s efforts would have been more appreciated were it not for the COVID-19 and Pharmally distractions. Nonetheless, BOC appears to be the primary shining light among the…

Read More

P11.7-B KOLEKSYON SA IMPORTED RICE

HUMIGIT kumulang P11.7 bilyon ang ipinasok na koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa nalikom na taripang katumbas ng 1.74 metriko tonelada ng bigas na inaangkat pa mula sa ibang bansa mula Enero ng kasalukuyang taon. Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing halaga ay 17% na higit pa sa pamantayang itinakda sa kanilang ahensyang naatasang maglikom ng sapat na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa susunod na taon. Sa ilalim ng Republic Act 11203 (Rice Tariffication Law), ang lahat ng taripang malilikom ng BOC…

Read More

30-ARAW LANG PARA MAKUHA ANG CARGO

MAYROON lamang 30 araw na itinakda ang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagkuha ng mga padalang air cargo, ani BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan kasabay ng panawagang tupdin ang proseso para maiwasan ang abala. Sa kanyang panawagan, partikular na tinukoy ni Talusan ang ayon kay Talusan mga air express operators na basahin at unawain ang Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) kung saan aniya nakatala ang probisyong kaugnay ng pag-abandona ng mga kargamento. Aniya, ang mga nagnanais umangkat o…

Read More