Ni JOEL O. AMONGO WALANG katiyakang ligtas ang mga imported carrots na bumabaha ngayon sa merkado. Ito ang babala ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng panawagan sa publiko na huwag tangkilikin ang mga nasabing produktong pinaniniwalaang ipinuslit lamangsa bansa mula sa bansang Tsina. Sa isang online press briefing, tahasang sinabi ng Kalihim na hindi dumaan sa tamang prosesong sumusuri sa kalidad at kaligtasan ang mga nasabing produkto. Bukod sa mga naglipanang imported carrots, nagbabala rin si Dar laban sa mga dagsang repolyong pinaniniwalaang kasabay na ipinuslit papasok sa bansa.…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
ISO Certification target sungkitin KOLEKTIBONG KILOS, HINDI KOMPETENSYA
TARGET ng walong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) sa Luzon ang nagpulong kamakailan sa paglalayong masungkit ang target na ISO Certification na patunay at pamantayan ng mahusay na pagganap sa mandato ng nasabing kawanihan. Sa pangunguna ng BOC-Port of Legazpi, inorganisa ang virtual governance sharing conference sa hangad na makapagpalitan ng kaalamang napatunayang epektibo sa pagpapatupad ng sistema kaugnay ng kalakalan sa mga pasilidad na sakop ng kawanihan. Bukod sa Port of Legazpi, kabilang din sa mga aktibong nakibahagi sa palitan ng “best practices” nitong nakaraang Huwebes…
Read MoreBOC guidelines kasado na BODY CAMS PARA IWAS AREGLUHAN
HANDANG-handa na ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatupad ng polisiyang magbibigay katiyakang walang magaganap na aregluhan sa mga inspeksyon at operasyong inilulunsad ng kawanihan. Sa ipinalabas na Customs Memorandum Order 33-2021, inilatag na ng BOC ang mga panuntunan sa paggamit ng body cameras para sa mga miyembro ng kanilang Customs Police Authority at mga operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng nasabing kawanihan. Ani Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, obligado nang gumamit ang lahat ng kanilang operatiba sa tuwing may inspeksyon ng mga kargamento at operasyon laban sa mga tulisang…
Read MorePINAS HANDA NANG MAKIPAGSABAYAN
SA hangaring makasabay sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan, muling binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang linya ng komunikasyon para sa palitan ng kaalaman, puna at suhestiyon sa mga kinatawan ng import-export sector. Sa isinagawang virtual conference kasama ang Export Development Council-Networking Committee on Trade Policies and Procedures Simplification (EDC-NCTPPS) kamakailan, nilinaw ng BOC ang mga pinaiiral ng polisiya, kasabay ng panawagan ng pakikiisa ng mga importer, exporter, customs brokers, mga tanggapan ng pamahalaan at iba pang stakeholders na pasok sa kalakalan. Sa nasabing virtual forum, binuksan…
Read MoreBOC patrol boats vs. smugglers GARANTISADO BILIS AT TATAG
Ni JOEL O. AMONGO BAGO pa man isabak sa aktuwal na tikaran sa karagatan, isinalang sa matinding pagsubok sa bilis at tatag ang 20 bagong biling patrol boats na pakay gamitin para tugisin ang mga tulisan sa karagatan. Lulan sina Finance Secretary Carlos Dominguez at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pumalaot ang mga nasabing fast boats sa Manila Bay at sukdulang isagad ang kapasidad nito lamang nakaraang Setyembre 22. Sa pagbili ng mga naturang sasakyang pandagat, kumpiyansa naman si Guerrero na tuluyan na nilang matutuldukan at madarakip…
Read MoreZERO-TAX PARA SA BALIKBAYAN BOXES
HANDANG-handa na ang Bureau of Customs (BOC) sa inaasahang pagdagsa ng mga balikbayan boxes na padala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang mga pamilya kaugnay ng papalapit na Kapaskuhan. Maging ang magandang balita para sa OFWs, handa na rin ayon sa BOC. Kasabay nito, nagpalabas din ng paalala ang BOC sa mga OFWs kaugnay ng mga Balikbayan Boxes na karaniwan nilang ipinapadala sa mga kani-kanilang mahal sa buhay. Para iwas abala at masiguro ang isang masayang pasko, hiling ng kawanihan sa mga nagnanais magpadala na alamin muna ang…
Read MoreIWAS KORAP SA ZERO-CONTACT
KUMPIYANSA ang Bureau of Customs (BOC) na mababawasan, kung hindi man tuluyang matutuldukan, ang katiwalian sa ilalim ng isang sistemang zero-contact sa proseso ng kawanihan. Agresibo na rin isinusulong ng Port of Limay ang pagpapalawak ng zero-contact policy bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na siyang nagsulong sa limitadong “face-to-face transactions” sa pagitan ng kanilang kawani at mga stakeholders ng import-export industry. Sa ilalim ng CCC service center, maipo-proseso ang centralized document receiving at releasing, pagbabayad ng kaukulang buwis, pagkuha ng mga pass control at iba…
Read MoreTUKO, GAGAMBA NASILAT SA NAIA
MAS pinahigpit na inspeksyong pinaiiral ng Bureau of Customs (BOC) ang naging susi sa pagkakasabat ng mga tuko at gagamba na kapwa tinangkang ipuslit sa bansa sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon. Unang nahagip ng mga tauhan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pambihirang uri ng tukong kilala bilang Leopard Gecko na inangkat pa mula sa bansang Thailand. Sa pagrerebisa ng mga dokumentong kalakip ng nasabing bagaheng dumating sa Paircargo warehouse, lumabas na wala itong import permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya…
Read MoreRICE SMUGGLING BULILYASO
HINDI na nagawang makadaong pa ng isang barkong may lulang 20,000 sako ng bigas na plano sanang dalhin sa Zamboanga, kamakailan. Sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs- Port of Zamboanga (BOC-POZ) at Philippine Coast Guard (PCG), nasabat sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi ang isang sasakyang dagat na una nang itinimbreng may lulang libo-libong sako ng bigas na tinatayang nagkakahalaga ng P15 milyon. Ayon pa sa BOC, Setyembre 12 pa nang makatanggap ang kanilang tanggapan ng impormasyon hinggil sa paparating na kargamentong ipupuslit sa bansa sa hangaring makaiwas sa…
Read More