DFPC SHOPS PINALAWIG

SA hangaring palakasin ang operasyon ng mga establisimyento sa ilalim ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC), nagpalabas ang Bureau of Customs (BOC) ng mga bagong panuntunang inaasahang kakikitaan ng mas malawak na abot at karag­dagang benepisyo sa gobyerno at sa mga kwalipikadong indibidwal na nakikinabang dito. Sa inilabas na Administrative Order 05-2021, pasok na sa mga benepisyo maging ang mga tindahang nagbebenta ng mga imported goods na mula sa DFPC para sa mga kwalipikadong indibidwal, kabilang na ang mga balikbayan. Sa ilalim ng Amended Rules, Regulations and Procedures kaugnay ng…

Read More

P7.48-M DROGA HULI SA CLARK

TIMBOG sa pinaigting na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark International Airport ang P7.48 milyong halaga ng shabu na ikinubli sa loob ng isang bagaheng idineklara bilang termos. Sa isang pahayag, muling nagbabala si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga sindikatong nagpipilit magpuslit ng iligal na droga sa bansa. Binigyang pagkilala rin ni Guerrero ang sigasig na ipinamalas ng mga kawani at operatiba mula sa PDEA, Enforcement and Security Service (ESS), at Customs Anti- Illegal Drug Task Force (CAIDTF), sa…

Read More

MAS EPEKTIBONG TRADENET ISINULONG NG 67 AHENSIYA

NAGTIPON-TIPON ang 67 Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) para pagtibayin ang National Single Window sa  isinagawang 3rd NSW – Technical Working Group (NSW-TWG) Virtual Meeting kamakailan. Sa pangunguna ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero bilang Chairperson ng NSW-TWG, binigyang diin nito ang importansya ng ugnayan ng bawat kasaping ahensya ng pamahalaan sa programang pangkabuhayan, kontra katiwalian at maging sa aspeto ng hanapbuhay, kalusugan ang maayos na pagpapatupad ng mga umiiral na batas. Kabilang din sa dumalo sa nasabing forum sina Anti-Red Tape Authority director general Jeremiah Belgica at Customs…

Read More

KALUWAGAN PARA SA MSMEs

BILANG tugon sa panawagang palakasin ang kalakalan, kinilala ng Bureau of Customs (BOC) ang programang isinusulong ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC) kabilang ang mga inisyatibong magbibigay kaluwagan sa mga maliliit na negosyanteng nabibilang sa micro, small and medium enterprises (MSME). Ayon sa BOC, malaking bentahe ang iba’t ibang aktibidad ng PTFC, na nilikha sa bisa ng Executive Order 136 ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang ibalik ang sigla ng kalakalang tumamlay bunsod ng paghinto ng negosyo sa gitna ng pandemya. Bahagi ng mandato ng PTFC ang pagsusulong ng mga programang…

Read More

Ikinubli sa biskwit at laruan P2.2-M ‘DAMO’ SILAT SA NAIA

Ni JOEL O. AMONGO AGRESIBONG tinutugis na ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang sindikatong pinaniniwalaang sa likod ng tangkang pagpupuslit ng hindi bababa sa P2.2-milyong halaga ng high-grade marijuana na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan. Bulilyaso agad sa isinagawang controlled delivery operation ng BOC-NAIA, PDEA at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang nagngangalang Arthur Antonio na consignee ng 1.8 kilo ng high-grade mari­juana na ikinubli pa sa biskwit at laruang bahagi ng lumapag na kargamento.…

Read More

WALANG UMAY KONTRA ‘UKAY’

SA tulong ng mga impormante, nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu ang P2-milyong halaga ng mga pinaglumaang damit na inangkat pa mula sa bansang Korea. Sa impormasyong mula sa BOC, Setyembre 7 nang masabat ng mga kawani ng Port of Cebu ang 288 balyenang naglalaman ng mga ukay-ukay na karaniwang ibinebenta sa merkado sa kabila pa ng batas na nagbabawal sa pag-angkat, pagbebenta at pagbili nito bunsod na rin sa panganib sa kalusugang dala ng mga nasabing lumang kasuotan. Sa isang pahayag, lumalabas…

Read More

PAGSIRA NG YOSI PARA IWAS SA TB

SANDAMAKMAK na sigaril­yong bigong ipuslit sa merkado ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa hangaring tuldukan ang paulit-ulit na tangkang pagpupuslit ng mga iligal na kargamento sa bansa. Sa pangunguna ng BOC-Port of Cagayan de Oro, winasak sa loob mismo ng Digama Warehouse and Destruction Facility ang P30-milyong halaga ng mga kumpis­kadong sigarilyong nasabat sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong nakaraang Mayo. Sa pagtataya ng Port of CDO, aabot ng 48,850 reams na sigaril­yong nakapaloob sa 977 master cases ang sinira gamit ang isang shredder equipment,…

Read More

SOLAR MODULES MULA CHINA, SABAT SA CEBU

SA halip na makatipid, bulil­yaso ang negosyo ng isang importer makaraang masabat ng mga kawani ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) ang 470 panels ng mga bagong solar modules na inangkat pa mula sa bansang Tsina. Sa pagtataya ng BOC-POC, aabot sa P2.6 milyon ang halaga ng mga nasabat na brand new solar modules na nasilat ng kawanihan sa Port of Cebu nito lamang nakaraang Martes. Sa pahayag ng BOC, deklarado bilang Used Solar Modules ang nasabing karga­mentong agad nilang inindorso sa BOC Environmental Protection and Compliance…

Read More

Yosi, oto at ukay inembargo SMUGGLERS KINASUHAN

KASONG kriminal ang inihain ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kumpanya, importers at customs brokers na nagtangkang magpuslit ng P89-milyong halaga ng mga kontrabandong naglalaman ng mga sigarilyo, sasakyan, ukay-ukay at iba pang kalakal sa Port of Subic at sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan. Kasong paglabag sa Customs Modernization Act ang isinampa laban sa Shemala International Commercial Equipment Whole­saling at sa kanilang customs broker sa maling deklarasyon ng P69.74-milyong halaga ng sigarilyong nasabat sa Port of Subic nito lamang nakaraang Agosto. Kabilang…

Read More