IKINATUWA ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang malakas na suporta ng publiko sa imbestigasyon nito upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa kalakalan ng ilegal na droga, ilegal na operasyon ng POGO, at libu-libong extrajudicial killings noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61 porsiyento ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm. “This is a clear mandate from the people to pursue justice and…
Read MoreCategory: METRO
8M deboto dumalo TRASLACION 2025 GENERALLY PEACEFUL
ITO ang assessment ng Philippine National Police (PNP) sa idinaos na Traslacion 2025 para sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na sinalihan ng tinatayang 8 milyong deboto at tumagal ng halos 21-oras bago tuluyang nakabalik sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazarene o Quiapo Church. Ayon kay PNP chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, maituturing na matagumpay at masasabing payapa sa pangkalahatan ang kabuuan ng prusisyon ng Poong Hesus Nazareno bagama’t nagkaroon ng bahagyang tensyon sa prusisyon nang magtangka ang mga deboto na buwagin ang barikada. Subalit agad namang…
Read MoreTRASLACION 2025 INABOT NG 21-ORAS
EKSAKTO ala-1:25 ng madaling araw nitong Biyernes nang tuluyan nang makapasok sa Simbahan ng Quiapo ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Kumpara sa nagdaang selebrasyon, tumagal ngayong taon nang hanggang mahigit 21-oras ang Traslacion na dinuhan ng milyong deboto. Huwebes ng umaga, pagsapit ng andas sa Katigbak Drive at Roxas Blvd. ay dalawang grupo ng mga deboto ang nag-agawan sa lubid na nauwi sa sakitan. Sa unang pagkakataon, nag-deploy ang MPD ng sasakyan ng SWAT na umikot ay nagpapaalala sa mga mga deboto ng mga protocol. Ilang indibidwal din…
Read MoreHindi pa campaign period COMELEC SA CANDIDATES: BILLBOARD, CAMPAIGN MATERIALS BAKLASIN
HINIMOK ng Commission on Elections ang mga aspirant para sa May 2025 election na alisin ang kanilang billboards at iba pang campaign materials na maagang nakabalandra dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period. Nagbabala si Garcia na maaaring maharap sa diskwalipikasyon ang mga hindi papansin sa panawagan. Sa darating na halalan, ang 90-day period para sa mga senador at party-list representatives ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10 habang ang local candidates ay papayagang mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10. Sinabi ni Garcia, inaasahan na ang mga kandidatong…
Read More4 KILO NG COCAINE NASABAT SA PINAY COURIER
MAHIGIT apat na kilo ng cocaine ang nasabat sa isinagawang joint anti-illegal drug interdiction noong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa ulat, nakuha ng pinagsanib na mga elemento ng PDEA, NAIA- Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Immigration Anti-Terrorist Group at Bureau of Customs sa bagahe ng nadakip na 29-anyos na Filipina ang 4,574 gramo ng cocaine na may street value na aabot sa P242,200. Kinilala ni BI-ATG Head Bienvenido Castillo III ang Pinay drug courier na si Joy Dagonano Gulmatico,…
Read More41% PINOY GUSTONG MA-IMPEACH SI VP SARA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na 41% sa mga Pilipino ay nais mapatalsik si Vice President Sara Duterte. Ayon kina House assistant majority leader Jay Khonghun at Deputy Majority Leader District Rep. Paolo Ortega V,” hindi sila nasopresa dahil matibay umano ang ebidensya na ginamit sa maling paraan ang confidential funds ni Duterte. “The numbers don’t lie. The public is demanding accountability, and this survey reflects their growing frustration over the glaring irregularities surrounding the Vice…
Read MoreHIGIT 134K MOTORISTA HULI SA SEATBELT LAW
INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na mahigit 134,000 motorista ang nahuli sa buong bansa noong 2024 dahil sa paglabag sa Republic Act 8750 o Seat Belts Use Act of 1999. Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang agresibong pagpapatupad ng batas sa paggamit ng seatbelt ay nagresulta sa koleksyon ng P179.9 milyon bilang multa mula sa mga lumabag. “Ito ay patunay na kami ay seryoso sa pagpapatupad ng batas na ito. Kung noon ay kaya pang lusutan, ngayon ay hindi na especially that…
Read MoreTRABAHO Partylist, nanawagan ng agarang aksyon ukol sa P89.1-B na hindi nakolektang kontribusyon ng SSS
NAGPAHAYAG ng pag-aalala ang TRABAHO Partylist kaugnay ng mga ulat na hindi nakolekta ng Social Security System (SSS) ang mahigit P89.1 bilyon mula sa 420,767 delinquent na negosyante at household employer hanggang sa pagtatapos ng taong 2023. Ang impormasyong ito ay inilabas sa isang ulat mula sa Commission on Audit (COA), na nagbigay-diin sa mga isyu ukol sa kahusayan at bisa ng pangunahing ahensya ng social security ng bansa. Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang mga hindi nakolektang pondo ay maaaring sana’y nakatulong sa pagbibigay…
Read MoreCOMELEC: PANGALAN NI MARCY TEODORO NASA BALOTA PA RIN
KASAMA pa rin ang pangalan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa balota bilang kandidato sa pagka-kongresista sa Unang Distrito ng siyudad. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia, hindi inalis ng poll body ang pangalan ni Teodoro sa balota dahil wala pang desisyon ang Comelec en banc sa kanyang motion for reconsideration sa pasya ng Comelec 1st Division na i-disqualify siya bilang kandidato. Binigyang-diin ni Garcia na tanging pinal na desisyon lang ng Comelec en banc ang mag-aalis sa pangalan ng isang kandidato sa balota. Sinimulan na ng…
Read More