COMELEC: PANGALAN NI MARCY TEODORO NASA BALOTA PA RIN

KASAMA pa rin ang pangalan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa balota bilang kandidato sa pagka-kongresista sa Unang Distrito ng siyudad.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia, hindi inalis ng poll body ang pangalan ni Teodoro sa balota dahil wala pang desisyon ang Comelec en banc sa kanyang motion for reconsideration sa pasya ng Comelec 1st Division na i-disqualify siya bilang kandidato.

Binigyang-diin ni Garcia na tanging pinal na desisyon lang ng Comelec en banc ang mag-aalis sa pangalan ng isang kandidato sa balota. Sinimulan na ng Comelec noong Lunes ang pag-i-imprenta ng balota na gagamitin sa darating na halalan sa Mayo.

Una nang sinabi ni Garcia na maaaring baliktarin ng Comelec en banc ang desisyon ng dibisyon kung makakapagprisinta si Teodoro ng bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration.

“Marami rin namang pagkakataon na pagkatapos makapagprisinta ng mga argumento sa motion for reconsideration ay pwedeng magkaroon ng reversal ang division,” ani Garcia.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang mga residente ng Marikina City kay Teodoro sa gitna ng kinakaharap niyang isyu.

“Tuloy ang laban. Huwag nating hayaang ang mga dayo ang mamuno sa ating lungsod na walang ginawa kundi siraan at pabagsakin si Mayor Marcy,” wika ng isang residente.

32

Related posts

Leave a Comment