UMUGONG kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iniwan ni Atty. Lorna Kapunan ang kliyenteng si Atong Ang para maituon nito ang kanyang konsentrasyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Sa press conference kahapon, nilinaw naman ni Manila Rep. Joel Chua na hindi pa parte ng private prosecutors si Kapunan subalit kasama ito sa maraming law experts na kinokonsulta ng Prosecution Team. “Sa amin naman kasi, siya (Kapunan) ay pro bono. Hindi pa po parte ng private prosecutor,” ani Chua subalit madalas umano nila itong konsultahin kasama…
Read MoreCategory: METRO
100 BODY CAMS NA DONASYON SA MAYNILA GAGAMITIN NG TRAFFIC ENFORCERS
MALUGOD na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 100 body cameras na ipinagkaloob ng Canton Chamber of Commerce Philippines sa lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito ay partikular na gagamitin ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kanilang araw-araw na trabaho. Ayon kay Domagoso, makatutulong ang body cameras upang maiwasan ang mga pagtatalo tungkol sa mga traffic violation. Makikita o mare-record din ang mga kamote driver, mga pasaway na motorista at mga kotongerong enforcer. Kasabay nito, ipinaalala ni Mayor Isko Moreno sa mga…
Read MoreSa 1 week national anti-drug campaign P50-M SHABU NASAMSAM NG PDEA
UMABOT sa halos P50 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo, at 76 drug personalities naman ang nadakip sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa ng ahensya mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 11. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, nasa 54 anti-illegal drug operations ang kanilang inilunsad katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa lahat ng rehiyon. Dito ay nasamsam ang 7,192.80 gramo ng shabu; 5,100 tanim na marijuana; 1,000.50 gramo…
Read MorePalengke, sari-sari store man o tricycle 180 LGUs LARGA NA CASHLESS PAYMENTS
IPATUTUPAD na ang cashless payments sa tinatayang 180 Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng Paleng-QR PH sa mga pampublikong pamilihan at pagsakay sa pampublikong transportasyon. Kasama sa cashless payment ang sari-sari store, market stalls, at maging ang mga tricycle. Sa katunayan ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na sa 180 LGUs, may 127 ang nasa Luzon, 33 sa Visayas, 15 sa Mindanao at 5 sa National Capital Region. Inilunsad ng LGUs ang programa sa lokal lamang o nagpalabas ng patakaran sa pagpapagana para suportahan…
Read MoreERWIN TULFO INURIRAT SA DOH PONDO PARA SA INDIGENT PATIENTS
NAIS ni Senador Erwin Tulfo na magpaliwanag ang Department of Health (DOH) kaugnay ng hindi nito pagbibigay ng guarantee letter o GL sa mahihirap na pasyente kahit sa pampublikong ospital. Sa isang panayam, binahagi ng Senador na ilang mahihirap na indibidwal na humingi ng tulong sa kanyang opisina ang pinapunta nila sa DOH para kumuha ng GL ang pinabalik na lang daw sa ibang araw. Aniya, “May isang pasyente na nais magpagamot sa Philippine Heart Center tapos sinabihan na bumalik na lang sa ibang araw.’” Dagdag pa ni Sen. Tulfo,…
Read MoreMANHUNT TULOY KAY DUMLAO
IBINASURA ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang mga legal na hakbang na isinampa ng dating opisyal ng pulisya na si Rafael Dumlao III, ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay noong 2016 sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo sa loob ng Camp Crame. Sa kanilang resolusyon noong Hunyo 30, 2025, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ni Dumlao para sa injunction at Temporary Restraining Order (TRO) sa G.R. No. 275729, dahil sa hindi pagpapakita ng grave abuse of discretion. Tinanggihan din ng Korte ang petisyon para sa review…
Read MoreSEND-OFF EVENT NG PINOY TALENTS PARA SA WCOPA
NAKIISA si Senadora Cynthia Villar sa Feel It Pilipinas: Blue Jacket Ceremony 2025, isang send-off event para sa 56 na mahuhusay na indibidwal na kakatawan sa Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA)—na kilala bilang Olympics ng performing arts—na gaganapin sa Long Beach, California, USA mula Hulyo 17 hanggang 25. Suportado ni Villar ang talento ng mga Pilipino kaya itinatag niya ang Villar School of Performing Arts sa Las Piñas City bilang tahanan ng WCOPA Philippines. Hindi lamang ito training ground para sa mga world-class na performers, kundi isang…
Read MoreNatagpuan ng PCG sa ilalim ng Taal Lake SAKO-SAKONG MGA BUTO NG TAO ISASALANG SA FORENSIC ANALYSIS
MAY natagpuang ilang sako ng mga buto sa ilalim ng Taal Lake ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng search and retrieval operation sa nasabing lawa na sinasabing pinagtapunan ng bangkay ng 34 na nawawalang sabungero, ayon sa lumantad na whistleblowers na si Julie Patidongan alyas “Totoy”. Sa inisyal na ulat kahapon, sa pagpapatuloy ng isinasagawang search and retrieval operation ng coast guard sa Taal Lake sa bahagi ng Batangas, ay ilan pang mga sako ang nadiskubre ng technical divers ng PCG sa nasabing lawa. Hindi kaagad…
Read MoreSUSPEK SA ONLINE SALE NG FAKE CAAP LICENSE LAGLAG SA NBI
ARESTADO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (CAVIDO North), ang isang indibidwal na sangkot sa distribusyon ng pekeng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) licenses, noong Hulyo 8. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ang NBI ng sulat mula sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) na humihingi ng tulong para sa imbestigasyon sa online sale ng fake CAAP licenses, na umano’y talamak na at nagsi-circulate sa social media. Sa pamamagitan ng nasabing modus, ang mga indibidwal o grupo ay…
Read More