NBI PROBE SA UMANO’Y ANOMALYA SA ELEKSYON, WELCOME SA COMELEC

HANDANG humarap ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa anomang imbestigasyon kaugnay ng nakaraang halalan. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, matagal na nilang sinagot at pinabulaanan ang mga paratang na ibinabato laban sa kanila. Aniya, ang halalan ay naging maayos, matapat at tahimik at pinatotohanan ng mga grupong tumutok nito tulad ng PPCRV, European Union, ilang embahada, simbahan, paaralan, at iba pang mga organisasyon. Ayon kay Garcia, ang mga salungat na opinyon ay bahagi ng isang bansang may demokrasya. Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng…

Read More

‘REGISTER ANYTIME, ANYWHERE’ PILOT TESTING ISASAGAWA

ISASAGAWA na ng Commission on Elections (Comelec) ang pilot testing ng ‘Register Anytime, Anywhere’ program nito sa National Capital Region (NCR) kapag natuloy ang voters registration sa susunod na buwan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, asahan ang pagsasagawa ng voters registration sa piling hospitals, call centers, transport terminals, airports at iba pang public places. Mayroon din aniyang registration kahit sa gabi. Aniya, kapag mayroon nang mas mahabang panahon ng voters registration, maaari nang gamitin ang programang ito sa buong bansa. Kahit na ang nationwide voter registration period ay mula…

Read More

P4.7-M HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES NAKUMPISKA NG CIDG SA NEGROS ISLAND

KALABOSO ang limang indibidwal makaraang ikasa ng Criminal Investigation and Detection Group-Negros Island Region (CIDG-NIR) ang buy-bust operation sa Negros Occidental. Sa ulat ni PLt. Col. Richard Gumboc, Regional Chief ng CIDG-NIR kay CIDG chief PBGen Romeo J. Macapaz, Huwebes ng madaling araw nang magkasunod na isagawa ang buy-bust operation sa Lungsod ng Himamaylan sa naturang lalawigan. Naunang isinailalim sa operasyon ng CIDG-NIR Regional Field Unit dakong alas-2:30 ng umaga sa Purok Ozmenia Barangay 2 ang mga nasakoteng sina alyas Omar; alyas Bebot at alyas Totong. Nakuha sa kanilang pag-iingat…

Read More

CESSNA PLANE BUMAGSAK SA ZAMBALES

SUGATAN ang apat na sakay ng isang Cessna 172 training aircraft na may tail number RP-C2211 matapos mag-crash sa Iba, Zambales habang nagsasagawa ng training flight mula Subic, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ligtas na ang apat na sakay ng eroplano na kinilala ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) na sina Capt. Jacques Robert Papio (Flight Instructor); Quinsayas Angelo Josh (Student-pilot); Althea Kisses Nunez (Student-pilot); at Jericho Bernardo Palma (Student-pilot), pawang Filipino citizens. Conscious umano o may malay ang mga ito nang abutan…

Read More

MISSING PERSON NATAGPUANG PATAY NA CAVITE

CAVITE – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na unang ini-report na nawawala, sa isang compound malapit sa tabi ng isang kilalang unibersidad sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Ayon sa live-in partner ng biktima, noong Hunyo 27 pa nawawala ang biktimang si alyas “Jay”, 31, kaya ini-report nitong missing sa Naic Municipal Police Station (MPS). At base sa backtracking sa pamamagitan ng Global Positioning System mula sa motorsiklong ginamit ng biktima, natunton ang lokasyon nito sa…

Read More

SENIOR CITIZEN PATAY SA TAGA NG ANAK

QUEZON – Patay ang isang 60-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng sariling anak sa Sitio Libirin, Brgy. Tala, sa bayan ng San Andres sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Roger Burga, residente ng naturang lugar. Ayon sa ulat ng San Andres Police at sa salaysay ng saksing si Noel Iduyan, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi matapos ang inuman ng biktima at 37-anyos na anak nitong si Allan. Pagdating sa kanilang bahay, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama na nauwi sa pananaga ng suspek sa…

Read More

PASAHERO NG MOTOR TAXI BINARIL, PATAY

RIZAL – Patay ang isang lalaki makaraang barilin habang nakaangkas sa motor taxi sa Col. Guido Extension, Brgy. San Roque, sa bayan ng Angono sa lalawigan noong Huwebes ng gabi, Hulyo 10. Kinilala ang biktimang sa pangalang “Reymund”, 46-anyos. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Angono Municipal Police Station, sumakay ang biktima sa Joyride pauwi sa kanilang bahay. Ngunit habang bumibiyahe ay narinig ng driver na dumadaing ang biktima na sumasakit ang kanyang katawan. Agad huminto ang driver upang tingnan ang pasahero at napansin na may umaagos nang dugo mula…

Read More

50% NG SUKI SA ONLINE GAMBLING, MAHIHIRAP

KALAHATI sa mga nagsusugal at natatalo sa mga online gambling ay ordinaryong Pilipinas na hindi sapat ang sinasahod para magkaroon ng disenteng pamumuhay ang kanilang pamilya. Ito ang isiniwalat ni 1Tahanan party-list Rep. Nathaniel Oducado na isa sa mga nagpatawag ng imbestigasyon sa malaganap na online gambling na nais ng karamihan na tuluyan nang ipagbawal. “Over 50% of surveyed online gamblers come from lower-income households earning between P9,000 and P18,200 per month,” pahayag ni Oducado. Bukod sa mga nabanggit, marami ring walang trabaho, magulang at mga estudyante ang nagugumon sa…

Read More

MGA PULIS NA SANGKOT SA MISSING SABUNGEROS PWEDENG STATE WITNESS

WELCOME sa Philippine National Police (PNP) na gawing state witness ang mga pulis na isinangkot ng whistleblower na si alyas Totoy sa pagkawala ng mga sabungero. Nasa 15 miyembro ng PNP mula sa iba’t ibang unit ang isinailalim sa restrictive custody, na ang pinakamataas na ranggo ay Police Colonel. Ayon kay PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III, bagaman malaki ang maitutulong nito sa itinatakbo ng kanilang imbestigasyon, pwede pa rin resolbahin ang kaso sa ibang paraan. Matatandaan na inihayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na may mga lumalapit na sa…

Read More