VILLAR NAKIKINABANG SA PRIVATIZATION SCHEME PERO PALPAK SERBISYO

KABILANG ang pamilya Villar sa mga nakikinabang sa pagsasapribado sa mga serbisyo publiko subalit hindi nila sinusuklian ng maayos na serbisyo. Pahayag ito ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na nagkasa ng imbestigasyon at panukalang batas na itigil na ang pagsasapribado sa mga serbisyo publiko tulad ng tubig. “Kung may nakikinabang (sa privatization) ay mga dambuhalang kumpanya. Nakita natin ito sa kaso ng tubig sa buong Pilipinas. Talagang yung PrimeWater ng mga Villar ang pangunahing nakinabang dito,” ani Tinio. Ayon sa mambabatas, mula nang simulang isapribado ang serbisyo sa…

Read More

LOLONG NABIKTIMA NG MISTAKEN IDENTITY, SINAKLOLOHAN

PINATITIYAK ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga awtoridad na hindi na mauulit ang maling pag-aresto at pagkulong sa 81-anyos na si Prudencio Calubid Jr. Ayon kay Ordanes, dapat nang magkaroon ng reporma sa proseso ng pag-aresto ng mga awtoridad at binanggit niya ang pagkakaroon ng “identity verification.” Umaasa rin ang mambabatas na nagbigay ng matinding leksyon sa mga awtoridad ang maling pag-aresto kay Calubid Jr. “Ang pagbibigay ng hustisya ay hindi lamang ukol sa pagpaparusa, ito ay pagbibigay proteksyon sa mga inosente,” diin ni Ordanes. Duda…

Read More

Daanan ng fire trucks ginawang parking ILANG OPISYAL NG MAKATI BFP SINIBAK

MALINAW na sumasalamin sa matibay na commitment ng administrasyong Marcos sa public safety ang nangyaring pagsibak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla sa ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Makati. Sa press briefing sa Malakanyang. sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na winelcome nito ang naging hakbang ni Remulla na sibakin ang ilang opisyal ng fire station matapos masaksihan sa kanyang sorpresang pagbisita ang mga nakaparadang sasakyan ng mga opisyal na humaharang…

Read More

Inireklamo sa kahalayan KAGAWAD SA TAGUIG SINUSPINDE

SINUSPINDE sa pwesto ang opisyal ng barangay na umano’y tauhan ng natalong kandidato sa Taguig dahil sa pagkakasangkot sa kahalayan. Si Barangay Kagawad Apolonio Kibral Fulo Jr. ng Barangay Pinagsama, kilalang malapit na tauhan at bodyguard umano ni Pammy Zamora, natalong kandidato sa pagka-Kongresista ng District 2, ay sinuspinde ng anim (6) na buwan ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig dahil sa reklamong grave misconduct, immoral acts, at gawaing labag sa tiwala ng publiko. Batay sa Resolution No. 828, Series of 2025, na inaprubahan nitong Hunyo 30, 2025, epektibo agad ang…

Read More

CHINESE OFFICIALS NA NAGKAKALAT NG FAKE NEWS PINAPA-BAN SA PINAS

HINDI dapat hayaan ipagkibit-balikat lamang ng Pilipinas ang ‘parusa’ na ipinataw ng China laban kay dating Sen. Francis Tolentino dahil sa pagtatanggol sa West Philippine Sea (WPS) bagkus ay gawin din ito sa Chinese officials na nagkakalat ng maling impormasyon laban a bansa. Ginawa ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang pahayag matapos i-ban ng China si Tolentino hindi lang sa China kundi maging sa Hong Kong at Macao. “The Philippine government should undertake a commensurate and proportional response to the travel sanction against former Senator Francis Tolentino. It…

Read More

HYBRID DIGITAL FILING INILUNSAD NG SC

INILUNSAD ng Supreme Court (SC) nitong Hulyo 1 ang hybrid digital filing system na nag-uutos sa mga abogado na magsumite ng ilang petisyon sa elektronikong paraan gamit ang eCourt PH app, bukod sa tradisyunal na papel na pagsusumite. Kailangang magparehistro ang mga abogado sa Philippine Judiciary Platform bago magsumite ng pleadings. Saklaw nito ang mga petisyon sa review on certiorari, mga kaso mula sa Comelec at COA, mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, contempt, prerogative writs tulad ng habeas corpus at amparo, at quo warranto actions. Mula Hulyo 1,…

Read More

300 TRUCK NG BASURA NAHAKOT SA MAYNILA

BASURA-8

UMABOT sa 300 truck ng basura ang nahakot sa mula Lunes ng hapon hanggang hatinggabi sa kautusan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso. Katumbas ito ng 2,000 tons ng basura na kabuuang nahakot sa loob ng isang araw. Sa pahayag ni Manila City Department of Public Services (DPS) chief Kenneth Amurao, tuloy-tuloy ang paghahakot ng basura hanggang sa bumalik sa normal ang sitwasyon. Sinimulan ang paghahakot dakong alas-2 ng hapon noong Lunes hanggang alas-12 ng hatinggabi. Ayon kay Domagoso, kung kinakailangan ay 24/7 ang clean-up operations upang agad na…

Read More

KAPALARAN NI DIGONG BILANG DAVAO MAYOR NASA DILG NA – COMELEC

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na wala na sa hurisdiksyon ng komisyon kundi nasa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang kapalaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Davao City mayor. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hangga’t walang nakabinbing kaso sa Comelec ang mga nanalong kandidato, ang hurisdiksyon ay ililipat sa DILG. Sa ilalim ng succession, sinabi ni Garcia na ang naproklamang vice mayor ang magsisilbi bilang acting mayor. Sinabi ni Garcia na ang nanalong kandidato na nasa labas ng bansa ay maaaring manumpa sa…

Read More

P34-M MISDECLARED AGRICULTURAL GOODS KINUMPISKA

Sa kautusan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s na paigtingin ang pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, tinatayang P34 milyong halaga ng misdeclared agricultural products ang kinumpiska ng Bureau of Customs Port of Manila (BOC-POM). Nasabat ng BOC – Port of Manila ang mahigit P34 milyong halaga ng smuggled na mga produktong agrikultura mula sa China. Ayon sa BOC, idineklarang assorted food items gaya ng mantou, noodles, at kimchi ang nasabat na mga kargamento ngunit nang inspeksyunin noong Hunyo 10, tumambad na red onions, white onions, at frozen mackerel na…

Read More