OPISINA SA NAPC PINALULUSAW

IPINANUKALA ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagbuwag sa Senior Citizens Sectoral Council na nasa ilalim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ikinatwiran ni Ordanes sa inihain niyang House Bill 783 na ang mandato ng naturang konseho ay bahagi na ng responsibilidad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Paliwanag ng mambabatas, nilikha ang NCSC base sa Republic Act 11350 at isa sa mga mandato nito ay iangat ang uri pamumuhay ng mga edad 60 pataas na nasa laylayan ng lipunan. Naniniwala ito na mas magiging madali, mabilis…

Read More

NAGPAPAKILALANG ‘NBI BAGMAN’ SWAK SA ILLEGAL ONLINE SABONG

TULOY pa rin ang illegal na sabong online kahit na mahigpit ang tagubilin ng Executive Order No. 9 ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Ito’y dahil na rin sa proteksyon na ibinibigay ng isang alyas Paul Tangkad na diumano’y miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI). Si Paul Tangkad na nagpapakilalang ahente ng NBI-Special Task Group ay hayagang gumagamit sa pangalan ngayon ni NBI director Jimmy Santiago — bagay na dapat aksyunan para matigil ang kabuktutan ng suspect. Ipinagmamalaki ni Tangkad na barkada, kabarilan at ka-basketball niya si alyas Taba na…

Read More

CONG. LENLEN ORETA NANUMPA KAY SEN. BAM AQUINO BILANG KINATAWAN NG MALABON

PORMAL nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta bilang bahagi ng 20th Congress nitong Hulyo 5. Nanumpa si Oreta kay Senador Bam Aquino na kilalang nagsusulong ng mga programa sa edukasyon at kabataan. Bukod kay Aquino ay sinaksihan din ng mga kapamilya, kaibigan, tagasuporta at local officials ang panunumpa ni Oreta. Tiniyak ni Oreta na kanyang pag-iibayuhin ang pagbibigay ng serbisyo publiko at pagpapalago ng mga komunidad sa Malabon. Bukod kay Oreta, nanumpa rin sina Councilor Enzo Oreta at Councilor Sonia Lim na…

Read More

JEEPNEY DRIVER SA COMMONWEALTH AVE. ACCIDENT BINAWIAN NG LISENSYA

PARA maging bahagi ng road safety measures, binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng jeepney driver na sangkot sa malalang road crash sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Abril 13, ngayong taon. Nabatid na ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa kolehiyo at hindi bababa sa 16 na iba pang mga pasahero ang nasugatan. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, napatunayang guilty sa kasong reckless driving ang driver ng pampasaherong jeepney sa isinagawang imbestigasyon ng LTO. Kaugnay nito,…

Read More

2 LALAKI TIMBOG SA P3.9-M VAPES SA PARAÑAQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng illegal vapes sa ikinasang entrapment operation sa Parañaque City noong Miyerkoles. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Reginald”, 28-anyos, at alyas “Ace”, 23-anyos, iniharap sa media makaraang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act). Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, dahil sa impormasyon sa pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na vapes, kumuha ng certification sa Department…

Read More

MANILA LGU MAY ‘NOTICE OF DISCONNECTION’ NA MULA SA SERVICE PROVIDERS

NAKIUSAP ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga service provider na huwag munang putulin ang pangunahing serbisyo sa mga hospital, eskuwelahan at opisina na pinatatakbo ng Manila LGU lalo na ngayong dumaranas ng matinding krisis sa pananalapi ang lungsod. Sa pakikipagdiyalogo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilahad niya na nakatanggap ang Manila LGU ng disconnection notices dahil sa hindi nabayaraang bills na nagkakahalaga ng P113,596,710.54, na sumasaklaw sa kuryente, tubig at internet service sa mga eskuwelahan, ospital at iba pang pasilidad ng pamahalaan sa siyudad Kabilang sa pinakiusapan ng…

Read More

2 EX-POGO WORKERS KALABOSO SA ONLINE SELLING NG PEKENG PERA

KALABOSO ang dalawang lalaki na sangkot umano sa online selling ng mga pekeng pera sa Las Piñas City. Hindi nakapalag ang dalawang suspek nang damputim ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Unit. Kinilala ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ang mga suspek na sina alyas “Agila”, 30, at “Usa”, 18-anyos, mga dating empleyado ng POGO. Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa talamak na pagbebenta ng counterfeit currency sa social media. Sa isinagawang cyber patrolling ng ACG, nakumpirma na ibinibenta sa halagang P150.00…

Read More

KAWASAKI MOTORS NAGHAIN NG ILLEGAL STRIKE SA NLRC; UNION OFFICERS NANGUNA SA PROTESTA PINATATALSIK

PORMAL nang naghain ng reklamo ang Kawasaki Motors Philippines Corporation (KMPC) sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang ipadeklarang ilegal ang kasalukuyang welga at hiniling ang pagpapatalsik sa mga opisyal ng unyon na nanguna rito. Ang reklamo ay bunsod ng welgang sinimulan noong Mayo 21, 2025, ng mga kasapi ng Kawasaki United Labor Union (KULU) sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Richard Balberan. Iginiit ng KMPC na lumalabag ang welga sa “No Strike, No Lockout” na probisyon ng Collective Bargaining Agreement (CBA) na pirmado ng magkabilang panig noong Mayo…

Read More

KASO NG MISSING SABUNGEROS IPINAUBAYA NA SA DOJ

TRABAHO na ng Department of Justice (DOJ) at ng ibang law enforcement agencies na tutukan, himayin at imbestigahan ang kaso ng 34 nawawalang sabungero lalo pa’t may mga personalidad na iniuugnay sa usaping ito. “Sinoman, anomang katayuan sa buhay, kung sila man ay personalidad na kinikilala wala pong sisinuhin ang Pangulo at ang administrasyon. Kung may dapat na panagutan dapat lamang pong maimbestigahan nang mabuti para mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng sinasabi nating missing sabungeros,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro…

Read More