NAKASAMA ng Caloocan City ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa paglilinis sa Lapu-lapu Creek, Barangay 12. Isinagawa nila ang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas Program kasama ang mga kawani mula sa City Environmental Management Department (CEMD) at mga barangay. Nagpapasalamat si Mayor Along Malapitan sa lahat ng nakilahok at umaasang patuloy silang tutulong sa Pamahalaang Lungsod sa paglilinis…
Read MoreCategory: METRO
FOOD SECURITY TATALAKAYIN NI MARCOS JR. SA VIETNAM
BITBIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Vietnam sa susunod na linggo ang mga usapin ukol sa food security, agricultural cooperation, trade, at mahalagang regional at international issues. Nais ng Pangulo na talakayin ang mga nasabing isyu sa mga lider ng Vietnam. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ng kanilang state visit si Pangulong Marcos kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Vietnam sa Enero 29 hanggang 30, 2024, bilang tugon na rin sa imbitasyon ni…
Read MoreTRANSPORT GROUPS, JEEPNEY MANUFACTURERS NAGPASALAMAT KAY ROMUALDEZ
NAGPASALAMAT ang malalaking samahan ng mga tsuper at local manufacturers ng modernong jeepney sa malasakit at pakikinig ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanilang hinaing laban sa hindi makatao umanong Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na programa ng dating administrasyong Duterte. Ikinatuwa nina Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) President Mody Floranda at Manibela President Mar Valbuena ang pagpapasok sa kanila ni Speaker Romualdez sa loob ng Kamara de Representantes nitong Miyerkoles habang nasa rally sa labas ng Batasan. “Nagpapasalamat po kami sa inyong pakikinig sa…
Read MoreP500-M AYUDA NI MARCOS INIHATID NI ROMUALDEZ SA ZAMBALES
NAGING matagumpay ang paghahatid ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mga serbisyo at tulong pinansyal ng administrasyong Marcos, kabilang ang libreng bigas, ayuda sa mga magsasaka, at scholarship sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa 80,000 residente ng Zambales nitong Sabado at Linggo. Nagkakahalaga ng mahigit P500 milyon ang tulong pinansyal, pangkabuhayan, scholarship, at iba pang serbisyo publiko ang naiparating ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa dalawang araw na event. Nasa 3,000 ang benepisyaryo ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program. Nakatanggap ang…
Read MoreACT-AGRI KAAGAPAY KAISA SA PANAWAGANG PAGKAKAISA
NAKIISA ang ACT-Agri Kaagapay organization sa panawagang pagkakaisa ng pamahalaan, sa isinagawang “kick-off rally” ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon ng hapon. Pinangunahan ni Ms.Virginia Rodriguez, Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay, ang kanyang grupo para ipakita ang kanilang mainit na suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nagtungo ang grupo ni Ms. Rodriguez sa Luneta dakong alas-3:00 ng hapon para saksihan ang mga programang inilatag para sa mahalagang okasyon hinggil sa panawagan ng pagkakaisa. “We support Bagong Pilipinas, we support President BBM, nais naming maging parte…
Read MoreBAGONG FUNERAL CHAPELS PINASINAYAAN NG LAS PINAS LGU
Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang bagong 11 na funeral chapels sa loob ng Public Crematorium and Columbarium sa Barangay Ilaya nitong Huwebes, January 25. Sinabi ni Mayor Aguilar na ang inagurasyon sa mga bagong funeral chapel ay pagpapalawak ng mahahalagang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga residente lalo na sa mga nangangailangan at kapus sa buhay. Inihayag pa ng alkalde na ang columbarium ng Las Pinas ay may kabuuang 3,500 na niches o nitso…
Read More10 OUTSTANDING MANGINGISDA KINILALA SA NAVOTAS
BILANG parte ng ika-118 Navotas Day celebration, binigyan ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang top 10 most Outstanding Fisherfolk ng parangal sa taunang Araw ng mga Mangingisda. Pinuri naman si Orlando Dela Cruz ng Barangay Tangos South bilang Most Outstanding Fisherfolk at ang ibang awardees ay tumanggap ng plaque of recognition, cash prizes at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa kanilang mga family members. Upang maging kuwalipikado at pumasok sa top 10 Fisherfolk, kailangan na registered Navoteño fisherfolk nominated nang kani-kanilang barangay at ng barangay fisheries and…
Read MoreAMOK NA JOBLESS TIMBOG SA SUMPAK
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang isang 40-anyos na jobless makaraang maghamon ng away sa kalsada habang armado ng sumpak sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong madaling araw ng Huwebes. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Napi”, binata, nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang biglang maghamon ng away ang suspek sa nasabing lugar…
Read MoreConcon hindi ConAss ipinanawagan ‘PI’ PAKANA NG KAMARA – SOCIALISTA
CONSTITUTIONAL Convention hindi Constituent Assembly ang ipinanawagan ng militanteng grupo na Kilusan ng mga Manggagawang Socialista nang magsagawa sila ng piket protesta sa harapan ng Kamara de Representantes sa Batasan Road, Quezon City kahapon. Tinuligsa rin ng Socialista ang mababang kapulungan na may ‘pakana’ umano ng nagaganap na People’s Initiative sa paglalayong baguhin ang ilang probisyon sa Saligang Batas ng bansa. Hindi tunay na diwang inisyatiba ng mamamayan ang malaganap na pangangalap ng pirma ng tao mula sa mga pamayanan maging sa pamilihang bayan. Ayon kay Eding Villasin, tagapagsalita ng…
Read More