BAGAMA’T bahagyang bumababa ang popularity rating, nangunguna pa rin si former President Rodrigo Duterte sa hanay ng mga pinagpipilian bilang kandidato sa darating na 2025 Senatorial race. Lumabas sa PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2), si Duterte ay nakakuha ng 51% rating kumpara sa dating 55% rating, subalit siya pa rin ang ‘top choice in mind’ para sa nasabing halalan kasunod sina Doc Willie Ong at Erwin Tulfo, na kapwa nakakuha ng 44% popularity rating. “Their consistent popularity demonstrates their strong appeal among the electorate.” Ang sabi pa ng PUBLiCUS…
Read MoreCategory: METRO
PAGLAPASTANGAN SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO NG ISANG DRAG QUEEN, KINONDENA
MARIING kinondena nina Senate President Juan Miguel Migz Zubiri at Senador JV Ejercito ang tinawag nitong paglapastangan at nakaiinsultong viral video ng mga tao sa isang bar na ginawang katatawanan ang pananampalataya ng mga Kristiyano. Bukod dito, hindi rin anya nirespeto ang Lord’s Prayer. Sinabi ni Zubiri na ito ay pinakamatinding pag-abuso at maling paggamit ng freedom of expression na maituturing na criminal activity. Idinagdag ng senador na matinding pambabastos ito sa mga Kristiyano at lubos ang paglapastangan sa pananampalataya ng milyon milyong Pilipino. Sa insidenteng ito, maaari anyang magsampa…
Read MoreJANITOR NAGSAULI NG PERA
NAIBALIK sa may-ari ang kanyang naiwang wallet sa waiting area ng Bacolod-Silay Airport, ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ayon sa nasabing ulat, natagpuan ang brown wallet ng isang Rick John Consul, janitorial staff ng airport, na nakapatong sa communal gang chair sa arrival area ng naturang paliparan. Ayon kay Roel Aranzado, acting manager ng Bacolod-Silay Airport, ang nasabing wallet ay naglalaman ng mga importanteng dokumento, kabilang ang driver’s license, 9,000 pesos Philippine currency at 300 US dollars. Nagpasalamat naman si…
Read More69 KASO ISINAMPA NG PNP KAUGNAY SA 990 KILO SHABU FIASCO
INIHAIN na sa korte ng Philippine National Police (PNP) ang 69 kaso laban sa mga police officer na dawit sa umano’y tangkang cover-up sa kontrobersyal na 990 Kilo drug haul noong nakalipas na taon. Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nasa 69 administrative at criminal complaints ang kanilang isinampa laban sa mga pulis at high ranking officials na idinawit sa nabunyag na mga katiwalian at tangkang takipan sa pinakamalaking bulto ng droga na nasamsam sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022. Inihain ang mga kaso sa Ombudsman of the…
Read MoreCONGRESSMEN GUSTONG MAGKASAL
ISANG panukala ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para payagan ang mga congressman na magkasal ng kanilang mga constituent lalo na’t laging iniimbitahan naman umano ang mga ito sa mga okasyon sa kanilang distrito. Sa House Bill (HB) 921 na inakda ni Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño, nais nitong paamyendahan ang Title 1, Chapter 1, Article 7 ng Executive Order No. 209 o Family Code of the Philippine para payagan ang mga incumbent congressman na magkasal. “This proposed measure also aims to provide our constituents with another option for…
Read MoreDALAGA KALABOSO SA CYBER LIBEL
KALABOSO ang isang 37-anyos na dalaga makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 (cyber libel) sa bahay nito sa Pasay City noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Rose”, jobless, ng Pasay City. Ayon sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Solomon Bataller kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa pangunguna ni Police…
Read MoreBINATA TIKLO SA PINUSLIT NA COSMETIC PRODUCTS
PINIGIL ng nakatalagang security guard sa department store ang isang 20-anyos na binata makaraang mabigong maipakita nito ang resibo sa bitbit niyang cosmetic products sa Barangay 860, Pandacan, Manila, noong Martes ng umaga. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang suspek na si alyas “Joshua”, jobless ng Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Lester Lozano, 40, security officer ng department store, bandang alas-9:30 umaga nang sitahin niya ang suspek habang bitbit ang iba’t ibang cosmetic products na P3,000 ang…
Read MoreCARTEL NAGPAPATAAS SA PRESYO NG ASUKAL
HINDI ang kakulangan ng supply ang nagpapataas sa presyo ng asukal sa bansa kundi ang pagiging gahaman ng cartel ng nasabing industriya. Ito ang tinuran ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), base sa pahayag ni National Federation of Sugar Workers (NFSW) Secretary General John Milto “Butch” Lazonde, dahil kumpara noong nakaraang taon, mas mas maraming supply ng asukal ngayong taon. Sinabi ni Lazonde, base sa pinakahuling datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), ang supply ng asukal mula Setyembre 1, 2022 hanggang Hunyo 25, 2023, ay umabot sa 437,734.15 metric…
Read MoreNEGOSYANTE ISINELDA SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL
ISINELDA ang isang 32-anyos na negosyante makaraang madakip sa isinagawang manhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District kaugnay sa pagpapaputok ng baril at pananakot sa Ermita, Manila noong Lunes. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz ang suspek na si Lyle Adams Fernandez, may asawa, ng Mangaldan, Pangasinan. Inaresto si Fernandez sa follow-up operation sa A. Mabini St. malapit sa Padre Faura St., Brgy. 669, Ermita, Manila noong Lunes ng gabi Ayon kay MPD Director P/Brig. General Andre Perez Dizon, noong Lunes ng umaga, nagkaroon ng pagtatalo…
Read More