NATURE-BASED FLOOD SOLUTION SA MALOLOS GAGAYAHIN NG ASEAN COUNTRIES

GAGAYAHIN ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nature-based flood solution project na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Bulacan.

Ito ang ipinahayag ni Malolos City Mayor Christian Natividad matapos ang isinagawang 3-day Environmental Summit ASEAN-Netherlands Cross Learning Workshop noong Setyembre 28-30, 2026 sa city hall ng Lungsod ng Malolos bilang host country sa ginanap na pagtitipon.

Ang nasabing pagtitipon ay follow-up sa Singapore International Water Week kung saan tampok at naging highlight ang nature-based solution ng City Government ng Malolos na agad na-recognize kaya naman isinagawa ang environmental summit sa Asia sa Pilipinas sa mismong lugar kung saan naroon ang pilot project.

Ayon kay Natividad, ang kanilang proyekto na makikita sa 14-hectare coastal area na pinondohan ng city government ng halagang P70-million, ang biggest nature-based solutions flood mitigation management project sa buong mundo at mas kumplikado kaysa ibang nature-based solutions na nailatag na sa ibang panig ng mundo.

Ang naturang summit ay dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa sa pangunguna ni Kingdom of the Netherlands Ambassador to the Philippines Roderick Wols kung saan kasama sa aktibidad ang personal na pagbisita at paglibot ng mga ito sa North Manila Bay Nature-based Flood Solution sa Isla ng Pamarawan na isang latiang barangay sa Malolos na nasa bungad ng Manila Bay.

Ayon kay Natividad, ito ang nagsisilbing flagship project bilang kasapi ng Alyansa ng mga Baybaying Bayan sa Bulacan at Pampanga na naisakatuparan sa pamamagitan ng tulong-teknikal mula sa Kingdom of the Netherlands.

May temang “Beyond the Risk: Strategic Choices for Climate Resilient Countries in ASEAN,” layunin ng pagtitipon na pagsama-samahin ang mga kinatawan at stakeholder mula sa ASEAN kung saan tinalakay ang mga problemang dulot ng climate change kaya naman malaking hamon sa delegasyon na tuklasin ang mga makabago at napapanahong mga hakbang upang higit pang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng mga komunidad.

(ELOISA SILVERIO)

71

Related posts

Leave a Comment