BULACAN NAGTALA NA RIN NG PERTUSSIS CASES

LUNGSOD NG MALOLOS – Kumilos na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando makaraang makumpirma ang dalawang kaso ng Pertussis na kilala rin bilang ‘whooping cough’ sa Bulacan. Naitala ang kaso sa Lungsod ng San Jose Del Monte at isa sa Lungsod Meycauayan. Ang Pertussis ay isang nakahahawang respiratory tract infection na madaling kumalat sa pamamagitan ng bacteria mula sa paghinga, pag-ubo, at pagbahing. Kadalasan, ang sintomas ay nagsisimula sa sipon, ubo, at lagnat ngunit ang ubo ay maaaring lumala sa loob ng 1-2 linggo…

Read More

Umarangkada sa Kamara MARCOS JR. BIBIGYAN NG EMERGENCY POWER

UMARANGKADA na ang panukalang batas na bigyan ng emergency power ang Pangulo ng Pilipinas para tugunan ang traffic crisis sa Metro Manila. Matapos ang mahigit isang taong pagkabinbin, sinimulan nang isalang sa pagdinig ng House committee on Metro Manila development ang House Bill (HB) 4363 o The Traffic Crisis Act of Metro Manila 2022, magbibigay ng emergency power sa Pangulo, na inakda ni Parañaque Rep. Gus Tambunting. “Drastic solutions are needed if we are to fight this crisis and immediate measures are needed to be undertaken,” ani Tambunting dahil habang…

Read More

PAGKAMATAY NI ZULUETA IPASISILIP SA FORENSIC EXPERT

NAGPASAKLOLO na ang Department of Justice (DOJ) sa kilalang forensic pathologist para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng co-accused sa Lapid slay case na si dating BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta. Nabatid, nagkaroon ng pagdududa sa panig ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla kaya inatasan nito ang National Bureau of Investigation na humingi ng tulong kay Dr. Raquel Fortun na isang forensic expert. Ipinag-utos din ng kalihim na gawin ang lahat ng posibleng paraan, ibunyag ang katotohanan at huwag hayaan ang sinoman na pigilan sila sa pagpursige…

Read More

REVOCATION NG PRANGKISA NG SMNI ‘DI AAPURAHIN SA SENADO

NANGAKO si Senate committee on public services chairperson Grace Poe na pag-aaralang mabuti at susuriin ang panukala para sa revocation ng prangkisa ng Swara Sug Media Corp. na nag-ooperate Sonshine Media Network International (SMNI). Ginawa ni Poe ang pahayag makaraang aprubahan ng Kamara ang House Bill 9719 na nagsusulong ng revocation ng prangkisa ng kumpanya dahil sa umano’y pagkakalat ng maling impormasyon, paglilipat ng ownership nang walang congressional approval at iba pang alegasyon. Alinsunod sa konstitusyon, ang mga panukala na may kinalaman sa prangkisa, pagbubuwis at public debt ay kinakailangang…

Read More

PINASPASANG ECO CHA-CHA NG KAMARA LABAG SA KONSTITUSYON

(BERNARD TAGUINOD) PARA kay ACT party-list Rep. France Castro, labag sa Konstitusyon ang proseso ng minadaling economic Charter change ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Unconstitutional ang ginagawa ng Kongreso ngayon na proseso na pag-aamyenda ng Konstitusyon. Walang fourth mode ang pagbabago ng Konstitusyon. Maaari lamang itong gawin sa pamamagitan ng Constitutional Assembly, Constitutional Convention at People’s Initiative. Wala nang iba,” aniya. Ayon sa mambabatas, kung buhay lang ang mga bayani tulad ni Gen. Antonio Luna ay muli itong sisigaw ng “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!” habang ang…

Read More

KAMARA SINUGOD NG MGA ANTI-CHA-CHA

DAAN-DAANG rallyista ang sumugod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon para tutulan ang economic Charter change. Habang sinusulat ito, naghahanda pa lamang ang liderato ng Kamara para isalang sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No.7 na sigurado nang aaprubahan. Mag-aalas tres ng hapon nang dumating sa harapan ng Batasan Pambansa ang mga rallyista mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng sektor ng paggawa, estudyante at mga magsasaka. Ngunit mistulang pinaghandaan ito ng Philippine National Police (PNP) matapos mag-deploy ang mga ito ng sangkaterbang…

Read More

KAMARA MALAMIG SA ANTI-DYNASTY LAW

MALAMIG ang ilang administration congressmen sa usapin ng anti-political dynasty na nais ng isang grupo ng mga abogado sa University of the Philippines (UP) na maisabatas kaya nagpasaklolo na ang mga ito sa Korte Supreme. Sa press conference kahapon ng majority bloc sa Kamara, sinabi ni Quezon Rep. David Suarez na tuwing ikatlong taon ay humaharap ang mga politiko sa eleksyon at ibinoboto sila ng kanilang mga constituent. “The Filipino people can properly decide who and who are not capable of doing that job. And let us not forget we’re…

Read More

MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAGBABANTA SA IYO ANG ASO – PAWS

PARA makaiwas sa panganib, pinayuhan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) nitong Miyerkoles ang publiko kung ano ang gagawin sakaling magdulot ng takot sa kanila ang isang aso kasunod ng mga ulat ng isang labrador retriever na binugbog hanggang mamatay sa Camarines Sur. Ayon kay PAWS executive director Anna Cabrera, dapat tumawag ang mga concerned citizen sa city veterinary office o city pound para mahuli ang nagbabantang aso. “Ang animal control iyan ay naka-incorporate sa ating mga [local government units],” sabi ni Cabrera. “So, kapag mga asong gala or posing…

Read More

PI handang buhayin kapag binasura eco Cha-cha KAMARA AYAW TANTANAN PAGKALIKOT SA KONSTITUSYON

(BERNARD TAGUINOD) TULOY sa planong pag-amyenda sa Konstitusyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya handa itong buhayin ang isinantabing People’s Initiative sakaling hindi ipasa ng Senado ang bersyon nila ng economic Charter change. Ayon sa isang lider ng Kamara, ibalik na lang ang People’s Initiative kung ayaw ng mga senador sa economic Cha-cha. Ngayong araw ay nakatakdang ipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na sasabayan ng malakihang kilos protesta ng anti-Cha-cha group sa Batasan Pambansa. Gayunpaman, hindi pa tapos ang…

Read More