NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa panawagan na pairalin ang batas at katarungan sa mga ibinabatong akusasyon laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa SMNI. Kamakalawa, nagbigay ng video message si VP Duterte sa ikaanim na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally at iginiit na dapat bigyan ng patas na laban si Quiboloy. Aniya, sa ginagawang pag-uusig ng Kongreso ay mistulang pinatawan na ng guilty verdict si Quiboloy kahit nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo. “Marami sa atin ang naniniwala na…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PAG-AMYENDA SA GOVERNMENT PROCUREMENT ACT, MAGBABAWAS NG KATIWALIAN SA GOBYERNO
KUMPIYANSA si Senador Sonny Angara na mas magiging epektibo ang implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno at mababawasan kung hindi man tuluyang masasawata ang katiwalian sa procurement ng mga suplay sa isinusulong na pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act. Sa gitna ito ng tiwala ng senador na nabusisi nilang mabuti ang mga ipatutupad na pag-amyenda sa isinagawa nilang tatlong pagdinig, 10 technical working group meetings at ilang buwang konsultasyon para sa 13 panukala. Sinabi ni Angara na inaasahan nilang mapapaikli ang proseso ng government procurement sa isinusulong nilang pag-amyenda sa…
Read MoreCOMELEC NAKAABANG SA DESISYON NG SC SA PETISYON NG SMARTMATIC
HANDANG sumunod ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines. Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anoman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa susunod na taon. Noong Disyembre ng nakalipas na taon, tinutulan ng Smartmatic ang legalidad ng diskwalipikasyon nito sa proseso ng pag-bid ng poll body para sa 2025 automated election system, sa Korte Suprema. Gayunman, isinantabi ni Garcia ang…
Read MoreACTING NFA CHIEF SINUSPINDE RIN SA RICE SCAM
NAGSIMULA nang gumulong ang hustisya sa maanomalyang rice deal. Ito ay makaraang suspendihin ng Office of the Ombudsman ang acting chief ng National Food Authority (NFA) dahil sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stocks ng ahensya. Pinatawan ng preventive suspension sina Piolito Santos na itinalagang acting NFA administrator noong nakaraan linggo at Jonathan Yazon, acting department manager para sa operasyon at koordinasyon ng NFA. Kaugnay nito, nauna nang ipinag-utos ng Ombudsman ang pagpapataw ng preventive suspension laban kay NFA administrator Roderic Bioco at mahigit 100 empleyado ng ahensya dahil…
Read MoreHUWAG MANAHIMIK LABAN SA MGA ABUSADO SA GOBYERNO – EX-ES VIC
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN sa publiko si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na huwag manahimik sa pag-abuso ng mga nasa gobyerno. Sa kanyang pagsasalita sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Biyernes ng hapon, sinabi ng nagsilbing unang ES ng administrasyong Marcos na dapat magsalita ang publiko laban sa mga gahaman at abusadong politiko. Aniya, ang pananahimik ay mistulang pagkampi sa mga nang-aapi. Dumalo si Rodriguez noong Biyernes upang makiisa sa mga lumalaban sa mga abusado, korap, at gahaman sa gobyerno. “Bagama’t hindi ako miyembro,…
Read MoreELEKSYON ‘DI RIN LIGTAS SA KORUPSYON, DAYAAN SA PAGPASOK NG MIRU
NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na hindi maililigtas sa dayaan at katiwalian ang 2025 election at mga susunod pang halalan kung itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata sa Miru System. Dahil dito, nagpatawag si House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro ng imbestigasyon kasabay ng panawan sa Comelec na ikonsidera ang pagbibigay ng kontrata sa nasabing kumpanya na nakabase sa South Korea. “The past failures of Miru voting machines in other countries highlight the significant risks associated with their use in the Philippine electoral…
Read More3 KUMPANYA LANG PWEDE MAG-OPERATE NG MC TAXI -LTFRB
WALANG karapatang legal ang kumpanyang Grab na mag-operate bilang isang motorcycle taxi dahil isa lang sila ng Move It. Magiging monopolya ito sa sandaling payagan. Ganito ipinaliwanag ni Atty. Roberto Peig, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posisyon ng ahensya sa nasabing usapin. Ito ay kaugnay ng ulat na nag-ooperate na ang Grab bilang isang MC taxi gayong hindi ito authorized ng MC Taxi Technical Working Group na nagsasagawa ng pilot study sa MC Taxi operation sa bansa. Ang mga kumpanyang Angkas, JoyRide at Move…
Read MoreIKA-161 MALASAKIT CENTER PINASINAYAAN
PINANGUNAHAN nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Bong Go ang inagurasyon ng ika-161 Malasakit Center sa bansa – ang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan ngayong Lunes, ika-11 ng Marso. Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop office ng Department of Health (DOH), PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong padaliin ang pagbibigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga nangangailangan. Dumalo rin sa okasyon sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, DOH Undersecretary Rosario Vergeire,…
Read More22M TONELADANG BASURA NAKOKOLEKTA SA PINAS KADA TAON
NAKAPAGPO-PRODUCE ang Pilipinas ng 22 milyong tonelada ng basura kada taon. Ang Kalakhang Maynila ang nangunguna sa listahan ng waste producers na may 3.65 milyong tonelada. Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang data mula sa National Solid Waste Management Commission, nanawagan sa publiko na suportahan ang “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas” program ng administrasyon. Kamakailan lamang, pinangunahan nina Abalos at Navotas City Mayor John Reynald M. Tiangco ang 500 Navoteños na nakiisa sa…
Read More