SENATOR RICE PINASALAMATAN SA PAGTINDIG LABAN KAY MARCOS

PINASALAMATAN ng isang militanteng mambabatas sa Kamara si Australian Senator Janet Rice sa pagtindig nito laban sa Human Rights Violations ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Magugunita na habang nagtatalumpati si Marcos sa Australian Parliament ay naglabas ng placard si Sen. Rice na may nakasulat na “Stop the Human Rights Abuses”. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, dapat pasalamatan si Rice dahil hanggang ngayon ay ayaw aminin ni Marcos ang kalupitan ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Now, under his very own administration, state forces…

Read More

4Ps BENEFICIARIES PINALILIBRE SA VAT

4ps12

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na ilibre ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa value added tax (VAT). “For me ang laking tulong kung matatanggalan ng 12% (VAT) lahat ng binibili ng mga miyembro ng 4Ps. Pag sila ang bumibili dapat minus VAT na sila,” paliwanag ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara. Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay mga pamilyang may pinag-aaral na anak mula kindergarten hanggang senior high school subalit kapag natapos na sa basic education ang kanilang mga supling ay inaalis na ang mga ito sa…

Read More

DEPED PINUNA SA VOUCHER PROGRAM

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang kawalan ng linaw kung epektibo nga bang natutugunan ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) ang mga isyung may kinalaman sa sobrang siksikan sa mga pampublikong paaralan. Ito ay makaraang lumitaw sa Performance Audit Report ng Commission on Audit (COA) noong 2018 na limitado ang datos ng Department of Education (DepEd) sa mga epekto ng GASTPE sa pag-decongest ng mga pampublikong paaralan. Pinuna rin ng komisyon na walang malinaw na performance indicators ang programa. Iginiit ni Gatchalian na dapat tutukan…

Read More

ECO CHA-CHA MALABONG LUMUSOT SA SENADO

MALABONG maaprubahan ang isinusulong na economic Charter change sa Senado. Ito ang paniniwala nina Senador Cynthia Villar at Senate Minority Leader Aquilino Koko PImentel III sa gitna ng patuloy na pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No 6. Sinabi ni Villar na ngayon pa lamang ay buo na ang kanyang pasya na boboto siya laban sa RBH 6 dahil hindi naman ito ang tunay na kagustuhan ng mga dayuhang mamumuhunan. “Oo decided na ako alam ko na boto ko,” pahayag ni Villar sa panayam ng DWIZ. Kinatigan din…

Read More

SUPORTA NG AUSTRALIA SA PILIPINAS SA USAPIN NG SCS PINASALAMATAN NI MARCOS

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australian government sa patuloy na suporta sa maritime claims ng Pilipinas sa South China Sea. Sa kaniyang pahayag sa Parliament of Australia sa Canberra, iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na protektahan ang South China Sea. Humanga din ang pangulo sa Australia sa pagsusulong at pagdepensa sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). “We draw strength from the consistent and unequivocal support of Australia and the international community for the lawful exercise of our rights, which have been settled…

Read More

Sa ikaanim na taon PINOY NGANGA SA NAT’L ID

MISTULANG ubos na pasensya ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil anim na taon mula nang maging batas ang National ID system ay wala pang hawak na ID ang halos lahat ng Pilipino. “It’s been almost six years since the National ID was enacted into law and I was one of those lawmakers who first filled in the PSA forms to have one. I’ve all but given up on waiting for my national ID. Parang nagkalimutan na ata,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ginawa ng…

Read More

KALAHATI NG PINOY DUDANG LALAGO EKONOMIYA NGAYONG 2024

UMAASA ang 44% ng mga Pilipino na mananatiling pareho sa susunod na 12 buwan ang ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang lumabas sa resulta ng December 2023 Social Weather Stations (SWS) survey. Sa resulta ng survey na ipinalabas ng SWS, nitong Miyerkoles, Pebrero 28, 40% ang naniniwala na may positibong mangyayari sa ekonomiya, 10% ang nagsabi na lalala pa ito at may 5% ang hindi nagbigay ng sagot. Gumamit naman ang SWS ng termino na “optimists” para sa mga naniniwala ng magi-improve ang ekonomiya ng bansa, “pessimists” para naman sa nag-iisip…

Read More

TENSYON SA WPS MAS NAKAAALARMA

SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan. Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas nakaaalarma kaysa sa posibilidad na Asian power sa pagsalakay sa Taiwan. “The real problem and the real flashpoint, which is why I’m telling you how critical it is for us. The real…

Read More

PAGDINIG NG KAMARA SA ECO CHA-CHA ILEGAL

ITINUTURING ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na ilegal ang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Resolution of Both Houses (RBH) No.7 para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution dahil hindi ito kasama sa tatlong paraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas. Sa press conference kahapon sa Kamara, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na maaaring kuwestiyonin sa Korte Suprema ang pamamaraan ng Kamara. Ipinaliwanag ng mambabatas na base sa Saligang Batas, maaaring amyendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss), Constitutional Convention (ConCon) at People’s Initiative…

Read More