NFA OFFICIALS GIGISAHIN DIN SA KAMARA

MAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bigas na ibinenta ng National Food Authority (NFA) sa mga pribadong negosyante na naging dahilan para suspendihin ng Office of the Ombudsman si NFA Administrator Roderico Bioco at 138 opisyales at empleyado ng ahensya. Sa House Resolution (HR) 1611 na inakda nina Quezon Rep. Mark Enverga at ABONO party-list Rep. Robert Raymund Estrella, inaatasan ng mga ito ang House committee on agriculture and food na imbestigahan ang sinasabing anomalya. Isa sa tutumbukin ng imbestigasyon ay kung may sabwatan sa pagitan…

Read More

Wag nang iasa sa diplomatic protest ‘BALLS’ DAPAT NANG GAMITIN VS CHINA

KAILANGANG pakitaan na ng Pilipinas ng “balls” ang China at itigil na ang paghahain ng diplomatic protest dahil hindi na ito pinapansin ng nasabing bansa. Ginawa ni House deputy majority leader Erwin Tulfo ang pahayag sa press conference kahapon kasunod ng ilegal na pagpasok ng dalawang research vessel ng China sa Philippine Rise o Benham Rise. “Let’s just show some balls kahit papano siguro. Let’s stop this diplomatic protest, kung ako tatanungin nyo, it’s not working ladies and gentlemen, it’s not working,” pahayag ng mambabatas. Isa sa mungkahi ng mambabatas…

Read More

RISA MAGBITIW KA NA! – QUIBOLOY SUPPORTERS

IGINIIT ng mga tagasuporta ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na magbitiw si Senador Risa Hontiveros sa kanilang pagtitipon sa harapan ng Senado bilang protesta sa imbestigasyon ng kapulungan sa umano’y mga krimen ng self-proclaimed son of God. Si Hontiveros ang tumatayong chairperson ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality na siyang nangunguna sa imbestigasyon laban kay Quiboloy. Ayon kay Kingdom of Jesus Christ’s Political Affairs Coordinator Benjie Gantalao, hindi umano nagiging patas ang Senadora. Kahapon ay na-cite in contempt si Quiboloy dahil sa…

Read More

Laglagan ng Marcos-Romualdez IMEE: PATALSIKIN SI SPEAKER MARTIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TULOY ang paglaglag ni Senator Imee Marcos sa pinsang si House Speaker Martin Romualdez matapos nitong muling pagbintangan ang huli na nasa likod ng maugong na kudeta sa Senado. Kinumpirma ni Imee na may ugong na patalsikin si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ngunit hindi aniya nanggaling sa Senado kundi sa Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Romualdez. “Lahat ng ugong galing sa Kongreso, hindi sa mga senador,” ayon kay Marcos sa isang panayam. “Nakakatawa nga eh. Palitan na lang kaya nila yung Speaker, bakit nila…

Read More

JACLYN JOSE NAMATAY SA ATAKE SA PUSO

INANUNSYO kahapon ng anak ng batikang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Guck sa tunay na buhay na myocardial infarction o heart attack ang ikinamatay nito. Humarap si Andi Eigenmann sa mga mamamahayag upang tuldukan ang mga haka-haka hinggil sa biglaang pagkamatay ng ina. Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 nitong March 2. Hiling ng pamilya ng batikang aktres sa publiko na ipagdasal ang kaluluwa nito at hayaan ang pamilya Guck at Eigenmann na pribadong magdalamhati at irespeto ang kanilang kasalukuyang pinagdadaanan. Isa sa mga pinagbidahan ni…

Read More

HOUSE PROBE ITINULAK SA PROBLEMA SA NAIA

HINDI lang daga, surot at ipis ang ‘peste’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals kundi mahabang pila sa immigration counters at matinding trapiko sa palibot ng paliparan. Ito ang tinurang ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino kaya naghain ito ng resolusyon na nag-aatas sa mga kaukulang komite sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa tila lumalalang problema sa NAIA. Sa kanyang House Resolution (HR) 1651, nais nitong ipatawag ang mga opisyales ng Manila International Airport Authority (MIAA), Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Bureau of Immigration (BI)…

Read More

Laglagan na? ECO CHA-CHA NI BBM TATABLAHIN NG KAALYADO

MISTULANG nadismaya ang mga kongresista matapos makarating sa kanilang kaalaman na mismong mga administration senator ang ‘maglalaglag’ sa economic Charter change ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa press conference kahapon, hindi naitago ng ilang kongresista ang kanilang pagkadismaya nang aminin ni Senator Cynthia Villar na pitong senador, kabilang ang apat na kaalyado ng administrasyon, ang boboto kontra sa Cha-cha. “Four of which kamo ay mga allies of the President, if they were really allies, they would actually listen to the request of the President, to amend the economic provision…

Read More

75,000 sako ng bigas paluging binenta TRANSAKSYON NG NFA AT 2 TRADERS BUBUSISIIN

(DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Imee Marcos na nakaaalarma ang kontrobersiya sa National Food Authority (NFA) na tila tuluyan na itong nawala sa landas at hindi na nagagampanan ang tunay nilang tungkulin. Sinabi ni Marcos na ang Pilipinas na ngayon ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo at ang kawalan ng suplay ngayon ay lalo pang magiging matindi sa darating na mga buwan dahil sa epekto ng El Niño. Dahil dito, inihain ni Marcos ang Senate Resolution 940 para imbestigahan ang kahina-hinalang pagbebenta ng NFA ng 75,000 sako ng…

Read More

Marcos, Romualdez panay sawsaw sa ayuda ANTI-EPAL LAW KAILANGAN NA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING naging maugong ang pangangailangan na magkaroon ng Anti-Epal Law sa Pilipinas matapos banatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si House Speaker Martin Romualdez sa paglalagay ng kanyang pangalan sa ipinamamahaging ayuda. Maging si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ay nakiisa na rin sa panawagan na ipagbawal sa mga politiko ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan lalo na kung ito ay pera. “Pag actual distribution na ang cash assistance dapat umalis na ang politiko,” tugon ni Pimentel sa isang panayam. Sunod-sunod ang pamamahagi…

Read More