Sa marahas na dispersal sa mga raliyista BATASAN POLICE COMMANDER IPATATAWAG SA KAMARA

MAGHAHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang patuloy na paggamit ng puwersa ng Quezon City Police Station 6 para sikilin ang karapatan ng mga tao na mag-rally sa Batasan Complex. Ito ang kinumpirma ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas dahil muling gumamit umano ng puwersa ang mga tauhan ni Police Lt. Col Jerry Castillo laban sa mga raliyista na sumugod sa Batasan Pambansa Complex para igiit na ipasa ang dagdag na sahod sa lahat ng mga manggagawa sa bansa noong Miyerkoles. “Namumuro na…

Read More

Hamon kay Marcos Jr. ACROSS THE BOARD WAGE HIKE SERTIPIKAHANG URGENT

IGINIIT ng isang mambabatas na bigyan ng dignidad ang mga manggagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng nakabubuhay na sahod. Kasabay nito, hinamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagsisimula ng pagdinig ng House committee on labor na na sertipikahan bilang urgent bill ang mga panukalang across the board wage increase. “Laging sinasabi na nalulugi umano ang mga kumpanya at magbabawas ng manggagawa kapag itinaas ang sahod kahit di naman totoo. Pag-usapan naman natin kung paano mabubuhay nang may dignidad ang isang manggagawa,”…

Read More

Kapangyarihan lalawak sa Cha-cha PERA BABAHA SA KONGRESO

BABAHA ng pera sa Kongreso kapag nagtagumpay ang mga mambabatas na amyendahan ang 1987 Constitution. Ito ang babala ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares sa ikalawang araw ng pagdinig ng House committee of the whole sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o economic Cha-cha. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, aamyendahan ang ilang economic provision at dadagdan ng mga katagang “unless otherwise provided by law” na ayon kay Colmenares ay magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa Kongreso. “Congress will be buffeted by intense lobbying and lobby…

Read More

ABALOS IPOKRITO – NETIZENS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING lumutang sa social media ang lumang larawan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. kung saan makikitang may kayakap siyang babae na mas bata sa kanya. Base sa komento ng netizens, kuha ang larawan noong 2009 at inamin na rin umano ni Abalos na naging karelasyon ang babae noon at alam iyon ng kanyang pamilya. Mistulang tugon ito ng mga netizen sa pagkastigo ni Abalos sa maaanghang na pananalita ni Davao City Mayor Baste Duterte laban sa administrasyong…

Read More

BBM ADMIN NANGANGAMOTE SA PAGTUGON SA HOUSING BACKLOG

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na gawing mas accessible sa mga Pilipino ang kanilang home mortgage financing upang matugunan ang housing backlog sa bansa. Sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023 sa Pasay City, binati ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund para sa record-high performance nito noong nakaraang taon. Gayunman, tinuran ng Punong Ehekutibo na malayo pa para makamit ang kanilang target. “We are far from declaring ‘mission accomplished’… we have inherited a huge housing backlog that must be reduced,” aniya.…

Read More

ROMUALDEZ DAPAT ITIGIL PAG-EPAL SA AYUDA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINASTIGO ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si House Speaker Martin Romualdez dahil sa malinaw umanong paggamit nito sa ayuda para sa pansariling interes. Sa prayer rally sa Cebu City noong Linggo ng gabi, hinamon ng batang Duterte si Romualdez na tanggalin ang pangalan sa mga ipinamamahaging ayuda. “Sige, lokohin niyo pa kami! Lokohin niyo pa kami!” may himik ng paghahamon na pahayag ni Duterte patungkol kay Romualdez. Nakarating umano sa kaalaman ng alkalde na tadtad ng pangalan ng lider ng Kamara ang mga ayudang…

Read More

BAN KI-MOON SA SENADO

BUMISITA nitong Martes si dating United Nations Secretary General Ban Ki-Moon sa Senado. Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kinilala ng mga senador ang pandaigdigang kontribusyon ni Ban sa pangangalaga sa kalikasan, peacekeeping efforts at sustainable development. Bilang sponsor ng Senate Resolution 929, si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang nanguna sa pagkilala sa mga naitulong ni Ban sa iba’t ibang bansa sa loob ng sampung taon niyang panunungkulan bilang UN sec gen. Inalala rin ni Legarda ang pagbisita ni Ban sa Tacloban City noong 2013 matapos ang Typhoon Yolanda.…

Read More

PASSPORT NI TEVES KANSELADO NA – DOJ

KANSELADO na ang pasaporte ni dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. Kinumpirma ito ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano kahapon. Aniya, nag-lapse ng 15 araw ang desisyon ng hukuman na kinakansela ang pasaporte ni Teves. Dahil dito, hiniling ng DOJ sa Timor-Leste na ipa-deport ang dating kongresista sa Pilipinas para harapin ang mga kasong murder na inihain laban dito sa Regional Trial Court. Samantala, inihayag ni Clavano na handang makipagtulungan ang pamahalaan ng Timor-Leste sa deportasyon ni Teves lalo na kung may request na mula sa Pilipinas. Si Teves…

Read More

4.4-M MAKIKINABANG SA P106-B PONDO SA 4Ps

NAGLAAN ang pamahalaan ng P106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa. Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman na ang P106.335 bilyong inilaan sa 4Ps ay mas malaki kumpara sa inilaang budget para rito noong 2023 na P102.610 bilyon. Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng P750 bawat…

Read More