FLEXI WORK SCHEMES SA NCR KONTRA TRAPIK

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng gobyerno sa Kalakhang Maynila na i-adopt ang Policies on Flexible Working Arrangements (FWAs) sa gobyerno bilang suporta sa kasalukuyang inisyatiba para i-improve ang sitwasyon sa trapiko. “The National Capital Region (NCR) has the largest number of government workers in the country, with 440,009 or 22.30 percent of career and non-career personnel. The prevailing traffic conditions in the metro not only hinder their mobility but also impact their productivity, particularly for those who commute daily. By adopting the FWA, we can…

Read More

P1.2-B cash aid, programa inihatid sa 150,000 benepisyaryo PINAKAMALAKING SERBISYO FAIR NI PBBM GINANAP SA SULTAN KUDARAT

GINANAP sa Sultan Kudarat ang pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang pagpapakita ng dedikasyon nito na mailapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno. Dala ng iba’t ibang ahensya sa BPSF ang may P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa na para sa may 150,000 benepisyaryo. Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nanguna sa pagbubukas ng BPSF na sinimulan ngayong Linggo at magtatagal hanggang Lunes. Ginaganap ito sa Provincial Capitol Compound sa Isulan, Sultan Kudarat.…

Read More

MARATHON HEARING NG KAMARA SA CHA-CHA LALARGA SA LUNES

SISIMULAN sa Lunes ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang marathon hearing sa kanilang economic Charter change o Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na kahalintulad umano ng RBH No. 6 ng Senado. Sa press conference sa Kamara, sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na sisimulan ang pagdinig sa RBH No. 7 sa Lunes kung saan target nila magkaroon ng tatlong beses kada linggo na hearing. “We’re going to hear it for a couple of weeks until all questions have been satisfied… With three hearings a week I’m…

Read More

1 pang Bugatti Chiron nabawi na LTO TIKOM PA RIN BIBIG SA NAREHISTRONG LUXURY CARS

NA-RECOVER na ng mga operatiba ng Bureau of Customs katuwang ang National Bureau of Investigation ang asul na smuggled Bugatti Chiron sa isang posh subdivision sa Muntinlupa. Ito ang ikalawang luxury car na parehong nagkakahalaga ng Php165 million na narehistro sa Land Transportation Office (LTO) nang walang kaukulang dokumento. Matapos ang ilang buwang paghahanap sa tulong ng ilang informants ay natunton ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang asul na Bugatti Chiron. Unang isinuko ang pulang Bugatti Chiron ng may-ari nito na taga-Muntinlupa. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng BOC-CIIS…

Read More

BALANCED APPROACH NG GOBYERNO NG INDUSTRIYA NG TABAKO, KINASTIGO

SINITA ni Senador Alan Peter Cayetano ang ipinatutupad na balanced approach ng gobyerno pagdating sa industriya ng tabako. Tinukoy ng senador ang balanseng pagturing ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga magsasakang nagtatanim ng tabako at mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Cayetano na napakaliit ang kinikita ng mga magsasaka kumpara sa mga kapitalista. Tinukoy ng senador na sa P160 billion na kinikita sa Tobacco Industry sa isang taon, nasa P1 bilyon lamang ang napupunta sa mga magsasaka. Binatikos…

Read More

‘EVIL ADMINISTRATION’ WAKASAN NA – QUIBOLOY

(JESSE KABEL RUIZ) MISTULANG nanawagan kahapon ng pag-aalsa si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy nang sabihing buksan ng mamamayan ang mga mata at magkaisang alisin ang ‘evil administration’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bukod dito, inakusahan ni Quiboloy ang gobyerno ng Amerika at Pilipinas na nagsasabwatan para siya ay dukutin o likidahin kung may pagkakataon kaugnay sa mga akusasyong kinahaharap niya sa United States. “Ang kanila daw pong gagawin, ng CIA, ng FBI, ng US Embassy, at State Department, kasabwat ng ating gobyerno, ng Pangulong Marcos,…

Read More

Big labor groups tutol din PAGKONTRA SA CHA-CHA PATULOY NA LUMALAKAS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NADAGDAGAN pa ang mga naghahayag ng pagtutol sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pagkakaisa ng mga grupo ng manggagawa. Katunayan, magdaraos ng labor forum ang mahigit isang daang labor leaders na kumakatawan sa labor unions at mga organisasyon, ngayong araw, Pebrero 22, sa UP Solair Air (UP Diliman, School of Labor and Industrial Relations) Auditorium. Pakay ng talakayan ang panukalang pagbabago sa 1987 Constitution (Cha-cha). Sa kasalukuyan, iba’t ibang kampo ang naglabas ng mga argumento hinggil sa Cha-cha, partikular ang pag-aalis sa ‘protectionist provisions’ ng…

Read More

MANIFESTO KONTRA MINDANAO SECESSION INILABAS NG KAMARA

TINABLA ng Mindanao congressmen ang Mindanao secession nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa pamamagitan ng manifesto. Kahapon ay pormal na inilabas ang manifesto na nagre-reject sa panawagan nina Duterte at Alvarez na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, na pinirmahan ng 57 congressmen na kinabibilangan ng 53 mula sa nasabing rehiyon, 3 party-list representatives at isang Visayan solon. “We signed the manifesto as one voice, one nation, rejecting all calls for the secession of Mindanao. We will not be a party to an unconstitutional proposal…

Read More

PH NAKUHA ANG ASHTRAY AWARD

IPINAHAYAG ni Sen. Pia Cayetano ang kanyang pagkabigo sa delegasyon ng Pilipinas na lumahok sa COP10 o ang ika-10 sesyon ng Conference of Parties to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) para sa pagsuporta sa industriya ng tabako. “Bakit natin gustong iugnay ang ating delegasyon ng Pilipinas sa isang ‘dirty ashtray award’? Bakit gusto nating kilalanin bilang sumuko sa lobby ng industriya ng tabako?” Tanong ni Cayetano sa pagdinig noong Miyerkules, Pebrero 21, 2024 ng Blue Ribbon Committee. Ayon kay Cayetano, ang Global Alliance for…

Read More