CHA-CHA MAGAGAMIT SA 2025 ELECTIONS

(BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang mambabatas na magamit sa pamumulitika ang economic Charter change (Cha-cha) kapag isinabay ang plebisito sa 2025 midterm election. Pahayag ito ni Lanao del Norte Rep. Zia Adiong matapos kumpirmahin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isabay ang plebisito ng aamyendahang probisyon sa 1987 Constitution. Dahil dito, wala aniyang dahilan para madaliin ang pagpapatibay sa Resolution of Both Houses (RBH) No.6 ng Senado. “If we want to pass that and then simultaneously duon sa holding of the…

Read More

PAGBAGSAK NG MARCOS POSIBLENG MAULIT – PANELO

Spokesperson Salvador Panelo-3

MISTULANG binalaan ni Atty. Salvador Panelo ang administrasyong Marcos Jr. na posibleng maulit ang pagpapatalsik dito sa Malakanyang tulad ng sinapit ng kanyang ama. Sa isang panayam sa SMNI, sinabi ng nagsilbing Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng administrasyong Duterte, halos may pagkakatulad sa sitwasyon noon ang nangyayari sa kasalukuyan kaya hindi malayong gawin din ng taumbayan ang pag-aalsa laban sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Yung nangyari sa nasirang Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay maaaring mangyari uli. Magkaroon ng upheaval because at that time there was…

Read More

KAMPANYA KONTRA TERORISMO PALALAKASIN

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos masawi ang anim na sundalo sa isang engkuwentro laban sa Islamic State-linked Dawlah Islamiyah (DI) group sa isang remote village sa Munai, Lanao del Norte noong nakaraang linggo. “Hindi natin makakalimutan ang kanilang kadakilaan at kabayanihan. Ipagpapatuloy natin ang kanilang ipinaglaban, at uusigin natin ang mga kalaban ng kapayapaan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang vlog sa YouTube. “Ipinapangako natin sa kanilang mga…

Read More

ECO CHA-CHA WALANG ATRASAN SA KAMARA

IKINATUWA ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpihit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng economic Charter change na wala nang atrasan dahil sinimulan na ang pagdinig sa Resolution of Both Houses (RBH) No.7. Sa press conference ng majority bloc ng Kamara kahapon, sinabi ni Deputy Speaker David Suarez na welcome development ang pahayag ni Duterte sa kanyang inorganisang rally sa Cebu noong Linggo na sinusuportahan niya ang Cha-cha sa kondisyong tanging ang economic provisions ang aamyendahan at hindi makikinabang ang incumbent officials. Gayunpaman, sinabi ng…

Read More

PAG-IISYU NG NAT’L ID PINABIBILISAN

NGAYONG nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11982 na magbibigay ng cash benefit sa octogenarians at nonagenarians, kailangang bilisan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-isyu ng national IDs, ayon sa isang mambabatas. Sa ilalim ng nasabing batas, makatatanggap ng P10,000 ang mga Pilipinong sasapit sa kanilang ika-80, 85, 90 at 95 kaarawan at panibagong P100,000 sa kanilang ika-100 taon bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan. Ayon kay House deputy minority leader Bernadette Herrera, upang masiguro na hindi mahihirapan ang beneficiaries ng nasabing…

Read More

PAGTALAKAY SA ECO CHA-CHA, ‘WAG MADALIIN – JV

NANINDIGAN ang mga senador na hindi dapat madaliin ang pagtalakay ng anumang pagbabago sa konstitusyon. Ayon kay Senador JV Ejercito, kapag minadali ang pagtalakay ay posibleng magkaroon ng problema sa mga babaguhing probisyon. “There are no room for mistake, we have to do it correctly and right…The best solution to problems are born out of discussion and debate. Hayaan po nila kami na tapusin ang hearing,” saad ni Ejercito. Iginiit naman ni Senador Francis Tolentino na dahil saligang batas ang inaamyendahan ay hindi ito dapat madaliin. “Ang magiging produkto nito…

Read More

TAUMBAYAN ‘DI POLITIKO BAYANI NG 1986 EDSA

TRENDING topic kahapon ang paggunita sa ika-38 EDSA People Power revolution. Hindi man idineklarang holiday ng Malacanang, nagdaos ng kanilang programa ang iba’t ibang grupo upang ipaalala ang diwa ng EDSA sa bawat isa. Kasabay nito, ipinaalala rin ng netizens na taumbayan at hindi mga politiko ang totoong bayani ng naturang bloodless revolution. Dapat anilang tandaan na ang katapangan ng mga Pilipino ang nagsilbing susi para mapatalsik ang diktadurang Marcos Sr. Ilan sa mga komento sa X, ay: “Today, let us commit to honor the real heroes of EDSA, the…

Read More

SIBUYAS ONLINE POSIBLENG SMUGGLED

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang kongresista ang umano’y smuggled na sibuyas na ibinebenta online sa murang halaga dahil hindi lang pinapatay nito ang lokal na pagsasaka kundi nilalagay rin sa panganib ang kalusugan ng publiko. Sa House Resolution (HR) 1600, na inakda ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee, inatasan nito ang House committee on agriculture and food na magsagawa ng imbestigasyon dahil sa paglaganap muli ng smuggled onion sa bansa. “May mga nagreklamo na po sa atin na local onion farmers na nalulugi na sila dahil sa mababang farmgate price ng kanilang…

Read More

SINDIKATO KUMIKILOS NA PARA SA 2025 POLLS

NAGBABALA si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa mga aspirante sa 2025 national and local polls na maging mapagbantay laban sa mga sindikato na nangingikil ng pera kapalit ng “madaling panalo” sa darating na halalan. Sinabi ni Garcia, naka-monitor sila ng ilang lugar sa Luzon at Mindanao kung saan may mga indibidwal na nagsabing may kakilala mula sa Information Technology Department ng komisyon na humihingi ng hanggang P100 milyon para sa scheme. “Sa mga kakandidato, whether incumbent o hindi, may kumakalat po ngayon na mga sindikato na umiikot…

Read More