LANSANGAN, GUSALI NG PAGASA SA CARAGA PINAKUKUMPUNI NI PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na iprayoridad ang pagkukumpuni sa mga nasirang lansangan at ang gusali ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Caraga. Nagbigay ng direktiba ang Pangulo matapos ang pag-uulat hinggil sa mga napinsala kasunod ng kamakailan lamang na pagbaha at paglindol sa rehiyon. Sa situation briefing ukol sa epekto ng tuloy-tuloy na low pressure area (LPA) sa Caraga region, malungkot na ibinahagi ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na hanggang ngayon ay hindi…

Read More

12K EMPLEYADO DELIKADO SA PAGPASOK NI ANG SA NAIA

NANGANGANIB ang trabaho ng may 12,000 empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ibigay ng gobyerno sa tycoon na si Ramon S. Ang ang rehabilitasyon nito. Nangangamba si dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil tulad ng ibang public utilities na isinapribado, tinanggal ang mga empleyado at pinalitan ng sariling tauhan ng pribadong kumpanya. “It may also result into job losses of around 12,000 NAIA employees and thousands of other concessionaire employees at the airport,” ani Gaite. Kasunod ito ng anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakuha…

Read More

KAMARA NILALARO NG SENADO?

HINDI naitago ng isang administration congressman ang pagkapikon sa Senado partikular kay Senate President Juan Miguel Zubiri dahil sa patuloy na pag-atake, hindi lamang sa kanilang mga lider kundi maging sa kanilang institusyon. “Nilalaro ba tayo ni Senate President Zubiri? We are puzzled with the recent actions of the Senate with regard to their treatment of the House leadership and our institution,” ani Zambales Rep. Jefferson Khonghun. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil noong Miyerkoles ay inanunsyo umano ni Zubiri sa buong mundo na nagkasundo silang dalawa ni House Speaker…

Read More

Hanggang P100 lang P350 UMENTO SA SAHOD MALABO

MISTULANG inalisan na ng pag-asa ng isang mambabatas sa Kamara ang mga manggagawa sa P350 dagdag na sahod matapos bigyang katwiran na maliliit na negosyante na maaapektuhan. Bagaman naliliitan ang Kamara sa P100 na umento na ipinasa ng Senado sa ikalawang pagbasa, may agam-agam ang mga ito dahil ang mga negosyante lalo ang maliliit ang magdurusa. Sa press conference kahapon sa Kamara, pinuri ni House deputy majority leader Janette Garin ang ipinasang panukala ng Senado na nakatakdang pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. “We congratulate Senate…

Read More

Papalit sa Smartmatic sablay rin 2025 POLLS MALABONG MAGING ‘ABERYA-FREE’

HINDI naitago ng ilang mambabatas ang pagkabahala na walang mangyayaring pagbabago sa 2025 election kahit mawala ang Smartmatic dahil sa hindi umano magandang record ng lone bidder sa 2025 election automation. Sa pagdinig ng House committee on Suffrage and Electoral Reforms, iginiit ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa Commission on Elections (Comelec) na kailangang mag-ingat ang mga ito sa pag-award ng kontrata sa Miru Systems, isang South Korean company at tanging bidder sa nasabing proyekto upang hindi pagdududahan ang resulta ng eleksyon sa 2025. “There really is a reason…

Read More

P2.5-B PARA SA LIBRENG WIFI SA LAHAT, APRUB

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P2.5 billion at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa first quarter na nagkakahalaga ng P356.2M para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Department of Information and Communications Technology—Office of the Secretary (DICT-OSEC). Saklaw ng disbursement ang implementasyon ng locally-funded projects kabilang na ang Free Public Internet Access Program (FPIAP). “This funding is crucial because the internet is central to our emerging new age— the…

Read More

PANIWALA ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maranasan ng Metro Manila ang init factor sa darating na buwan ng Abril dahil sa matinding impact ng El Niño sa naturang mga buwan. Bunsod nito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko lalo na ang mga may high blood pressure, na huwag lalabas ng bahay kung walang mahalagang gagawin simula sa buwan ng Abril. Sa ginanap na QC Journalist Forum, sinabi ni Director Ana Liza Solis ng Climatology and Agrometeorology Division ng PAGASA, hindi dapat maglalabas ng bahay ang…

Read More

PAGTAAS NG MALAMPAYA PRICES KAILANGAN SILIPIN

KAILANGAN silipin ang pagtaas ng presyo ng Malampaya sa paggalaw ng bayarin na ipapataw ng Meralco. Ayon ito sa isang observer matapos kwestyunin ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung nagkaroon ba ng kumpirmasyon kung tama ang singil ng suppliers ng Meralco kasunod ng anunsyo nito ng dagdag-singil ngayong buwan. Ayon sa ulat, dahil sa mataas na generation charge ang pagsipa ng singil, partikular ang presyo ng Malampaya gas prices na hindi pa pala nagkakaroon ng tamang validation. Pumasok kasi sa bagong kasunduan na tinatawag na Gas Sale and Purchase Agreement…

Read More

MAGSASAKA 5-TAON NANG DUSA SA RTL

LIMANG taon nang nagdurusa ang mga magsasaka sa Rice Liberalization Law o Republic Act (RA) 11203 subalit mistulang walang balak na putulin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kahapon, Pebrero 14, ang ika-5 taong anibersaryo ng nasabing batas na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ipinasa ng Kongreso noong panahon nina dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Vicente Sotto III. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, dahil sa nasabing batas, bumagsak ang presyo ng palay kung saan sa unang taon ay umabot ito sa…

Read More