PAGNINILAY SA ASH WEDNESDAY APELA NI PBBM SA MGA KATOLIKO

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Katolikong mananampalataya na magnilay at sumalamin sa pagdiriwang ng Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo. ”In observing Ash Wednesday, let us all reflect and renew our faith,” ayon kay Pangulong Marcos sa caption sa kanyang larawan na nagpapakita na mayroon siyang ‘abo’ sa kanyang noo. May ilang Katolikong Pilipino ang maagang pumunta sa mga simbahan kahapon at nagpalagay ng abo sa kanilang noo bilang tanda ng pagsisimula ng 40-day Lenten season. Araw ng Martes, ang palaspas o palm fronds na ginamit sa…

Read More

SENADO AT KAMARA TULOY SA BAKBAKAN

IMBES humupa, lalong nadagdagan ang isyung pinagtatalunan ng mga senador at congressmen matapos tila mapikon ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkwestiyon nina Sens. Imee Marcos at JV Ejercito sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program na pinondohan ng P26.7 billion. “Stop from questioning it,” mensahe ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., matapos sitahin nina Marcos at Ejercito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ukol sa nasabing programa. Ayon sa mambabatas, bahagi ng 2024 national budget ang AKAP na naglalayong bigyan ng…

Read More

‘ARESTO NOW, EXPLAIN LATER’ NG PNP BUBUSISIIN SA SENADO

INIHAIN ni Senador Risa Hontiveros ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang tinawag niyang illegal arrest laban kay Director Jade Castro at tatlong kasamahan nito sa Catanauan, Quezon. Binigyang-diin ni Hontiveros sa kanyang Senate Resolution 928 na kahit kailan sa anomang panahon, mali ang “aresto now, paliwanag later,” na ginawa ng pulisya sa kaso ni Castro. Ipinaalala ng senador na mismong mga lokal na opisyal na ng Mulanay, Quezon ang nagsabi na nasa kabilang bayan ang grupo nina Direk Jade nang mangyari ang panununog ng isang modern vehicle na pinatunayan…

Read More

PANELO HINAMONG TUMIRA SA MINDANAO

Spokesperson Salvador Panelo-3

HINAMON ng isang Mindanao Congressman si dating Presidential Spokesman Salvador Panelo na tumira sa Mindanao para malaman ang pulso ng mga naroon kaugnay sa ninanais na Mindanao secession. Sinupalpal din si Panelo sa kanyang pahayag na OA o overacting ang reaksyon ng mga tao sa nais na Mindanao secession ng kanyang among si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press conference kahapon sa Kamara, hindi nagustuhan ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong ang pahayag ni Panelo na nagsasalita gayung hindi nito pinagdaanan ang naranasan ng mga taga-Mindanao dahil sa giyera.…

Read More

P50K NA SAHOD NG GURO ITINULAK SA KAMARA

DAHIL hindi libre sa inflation ang mahigit walong daang libong public school teachers, isang panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para gawing P50,000 ang entry salary ng mga ito. Sa House Bill (HB) 9920 na inakda ni ACT party-list Rep. France Castro, panahon na aniya para bigyan ng disenteng sahod ang mga pampublikong guro na isa sa mga propesyonal sa gobyerno na napag-iiwanan sa sahod. Ayon sa mambabatas, ang kasalukuyang entry salary ng Teacher 1 ay mahigit P22,000 lamang habang ang Teacher III ay P33.570 kada buwan…

Read More

PNP PINAKALMA PUBLIKO SA SERYE NG BOMB THREATS

(CHRISTIAN DALE/JULIET PACOT) PINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng publiko sa mga napaulat na bomb threat sa ilang lugar sa bansa. Nauna nang sinabi ng PNP na batay sa kanilang monitoring ay hindi lamang dito sa Pilipinas nagpapadala ng bomb threat via email kundi maging sa iba ring mga bansa. Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government para magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensya ng pamahalaan at paaralan sa Pilipinas.…

Read More

CAYETANO HININGI ANG PANANAGUTAN NG DFA AT DMW

HININGI ni Senador Alan Peter Cayetano ang pananagutan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa mga akusasyon laban sa Philippine Consul General sa Milan na si Elmer Cato. “If this was a demolition job, bakit kayo sa DFA at Migrant Workers, ‘di kayo nagsasalita para sa empleyado niyo,” giit ni Cayetano. Binigyang-diin din ng senador, na nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary noong 2017-2018, ang kahalagahan ng agarang pagtugon sa isyu upang itaguyod ang integridad ng mga nasabing ahensya at higit sa lahat, ang…

Read More

MISIS NI ROQUE UNANG BIKTIMA NG ‘PURGE’ SA MALAKANYANG?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BAGAMA’T hindi pa batid kung ano ang dahilan ng pagsibak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Mylah R. Roque bilang executive ng Home Development Fund /Pag-IBIG Fund, agad umugong ang bulung-bulungan na ito ay simula na ng paglilinis sa mga itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Si Mylah ay asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque. Maging sa loob ng Malakanyang ay usap-usapan na ang pagsipa kay Roque ay bunga ng batuhan ng akusasyon ukol sa paggamit ng droga nina Pangulong Marcos Jr. at Duterte.…

Read More

Ekonomiya pasakalye ng target na pulitika LEGAL LUMINARIES AYAW RIN SA CHA-CHA

NAGKAKAISA ang ilang legal luminaries na hindi kailangan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Sa ikalawang pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, nagbabala si Constitutional Commissioner Rene Sarmiento na ang pagbubukas sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas ay magiging signal din ng pagbubukas ng iba pang probisyon katulad ng political, judicial at human rights. Sa panig ni Constitutional Commissioner Dr. Bernardo Villegas, hindi pa panahon para amyendahan ang konstitusyon lalo pa’t sa pag-iikot ni Pangulong Ferdinand Marcos…

Read More