IMBES tumaas ang foreign direct investment (FDI) dahil sa kaliwa’t kanang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa, bumagsak pa ito noong nakaraang taon. Sa press conference ng administration congressmen para idepensa ang economic Charter change (Eco Cha-cha), isinisi ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pagbagsak ng P15.9 percent sa FDI sa unang tatlong bahagi ng 2023 sa mahigpit na probisyon sa Saligang Batas sa pagnenegosyo sa bansa. “The first three quarters of 2023 alone saw a worrisome 15.9% drop in net FDI inflows, as reported…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Tagtuyot ramdam na ng magsasaka BILYONG PONDO NG NIA NASAAN?
PINALALANTAD ng grupo ng mga magsasaka kung saan at kanino napupunta ang pondo ng National Irrigation Administration (NIA). Kasabay nito, binatikos din nila ang tila kawalan ng pakialam ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa epekto ng El Niño kaya lalong nanganganib ang food security ng bansa. “Amid huge budget alloted to NIA and climate change resiliency, this government failed it’s mandate and remained neglecting poor farmers in the country amid the worsening effect of El Niño,” ani Amihan secretary general Cathy Estavillo. Taon-taon aniya multi-billion ang irrigation…
Read More‘PERFORMANCE REVIEW’ NG PALASYO KINUWESTYON NG OMBUDSMAN
KINUWESTIYON ng Office of the Ombudsman ang memorandum ng Presidential Management Staff (PMS) na nag-uutos sa lahat ng presidential appointees na magsumite ng iba’t ibang clearance na kailangan para sa performance review. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ngayon lang siya nakakita ng memorandum ng Palasyo na naka-address sa lahat ng pinuno ng gobyerno pero walang lagda ng Executive Secretary. Dapat aniyang kalihim ng ehekutibo ang pumirma sa memorandum. Nabigo rin aniya ang PMS na malinaw na tukuyin ang mga sakop ng memo at isaalang-alang ang maikling deadline na 30-araw. Magugunitang…
Read MoreHinamong maging tapat sa taumbayan NAGDIKTA NG CHA-CHA DAPAT TUKUYIN NI MARCOS
(BERNARD TAGUINOD) PINASISIWALAT ng isang mambabatas sa Kamara kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung anong bansa at grupo ng foreign investors ang nais amyendahan muna ang 1987 Constitution bago sila maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang hamon kay Marcos dahil sa dami ng biyahe ng Pangulo mula noong 2022 ay bigla nitong ikinasa ang Charter change (Cha-cha) sa economic provisions. Kamakalawa ay tuluyan nang inilantad ni Marcos ang kanyang posisyon sa Cha-cha sa gitna ng bangayan ng mga senador at congressmen na…
Read MoreDU30, ALVAREZ DINIKDIK SA ‘MINDANAO REPUBLIC’
MISTULANG pinagtutulungan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez dahil wala silang planong iatras ang kanilang isinusulong na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. Sa magkakahiwalay na panayam, hindi lamang Mindanaoan congressmen ang kumastigo kina Duterte at Alvarez kundi ang mga mambabatas mula sa Luzon at party-list organizations. “The call for Mindanao’s separation at this critical juncture will only exacerbate the divisions and challenges our country is facing. Instead, we should be focusing on fostering unity and rebuilding…
Read MorePOLITICAL DYNASTIES GIGIBAIN NG POLPHIL
NAGKAKAISA ang mga pinuno, miyembro, at kaalyado ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL) sa kanilang pagnanais para sa isang makabuluhan at modernong lipunan sa anyo ng paglalahad ng slogan na tumutugon sa mga batayang isyu ng mamamayan matapos na maitatag ang naturang partido pulitikal noong Sabado sa UP Bahay ng Alumni sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. GIGIBAIN ng partidong People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL) ang mga kuta at pugad ng mga buwitre sa pulitika na ang dahilan ng pag-iral ay ipagpatuloy ang kanilang pansariling…
Read MoreDSWD UMAPELA SA PUBLIKO NA HUWAG MAGBIGAY NG LIMOS
HINILING ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Romel Lopez sa publiko na tumangging magbigay ng limos sa mga pulubi sa lansangan, alinsunod sa Anti-Mendicancy Law. Sa katunayan, umapela si Lopez sa mamamayan na huwag kunsintihin ang mga pulubi sa ginagawa ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng limos. Sinabi ni Lopez, isa ring DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications, na ang paglabag sa Anti-Mendicancy Law ay nagpapahina sa implementasyon ng Oplan Pag-Abot program, naglalayong tugunan ang lumalalang problema kaugnay sa indibidwal o pamilya na nasa sitwasyon…
Read MoreAminadong tumaas bilang ng smuggling CUSTOMS NGANGA SA 2 BUGATTI
AMINADO ang Bureau of Customs na tumaas ang bilang ng kaso ng outright smuggling. Sa gitna na rin ito ng isyu ng dalawang Bugatti luxury cars na naipuslit sa bansa kamakailan. Idinahilan ni BOC spokesman Vincent Philip Maronilla ang pagiging archipelago ng Pilipinas. Na-monitor aniya ng ahensya ang mga kaso ng smuggling sa pamamagitan ng “backdoor channels.” Paliwanag niya, ang mga smuggler sa maliliit na barko ay nakikipagkita sa mga nasa malalaking barko sa karagatan. Nag-trending sa social media ang dalawang Bugatti matapos makuhanan ng video noong nakaraang Nobyembre ng…
Read MoreNEXT PNP CHIEF PALAISIPAN PA
PALAISIPAN pa kung sino ang susunod na hihiranging hepe ng Philippine National Police (PNP). Kasunod na rin ito ng pag-amin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘shortlist’ ng posibleng maging susunod na PNP chief. Si PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda ay magreretiro sa darating na March 31. Sa press briefing sa Malakanyang, todo puri si Abalos kay Acorda na aniya’y maraming nagawa sa PNP dahil sa malawak na karanasan nito. Sa katunayan, “excellent job” ang paglalarawan ni…
Read More