ROMUALDEZ HUGAS-KAMAY SA CIFs NI VP INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA naghugas-kamay si House Speaker Martin Romualdez matapos magdesisyon ang Kamara na i-realign ang confidential at intelligence funds ng ilang ahensya kabilang ang Office of the Vice President at Department of Education na parehong nasa ilalim ni VP Sara Duterte. Una nang itinanggi ng liderato ng Kamara na may halong pamumulitika ang nasabing aksyon laban sa secret funds ni Duterte. Paliwanag ni Romualdez dumaan sa regular congressional deliberations ang pag-alis ng CIFs sa budget. Aniya, may “small committee” sa mababang kapulungan ang naatasang mag-realign ng CIFs…

Read More

DAGDAG NA TAUHAN, ‘DI CONFI FUNDS KAILANGAN NG DICT

HINDI confidential funds ang kailangan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kundi karagdagang tauhan upang mapigil ang cyber attacks sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ito ang iginiit ni House Deputy Minority Leader, Rep. France Castro, dahil sa kabila ng P1.2 billion na confidential funds na ibinigay sa ahensya noong 2019 at 2020 ay patuloy pa rin ang pag-atake ng scammers at hackers. “The DICT itself said that about 3,000 cyberattacks were monitored in the country from 2020 to 2022 alone. Almost…

Read More

Kung walang pulitika sa atake kay VP Sara CIF NI MARCOS BUSISIIN DIN – EX – PALACE SPOX

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG walang halong pulitika ang mga pagpuna sa confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte, bakit hindi rin punahin ang katulad na pondo sa Office of the President. Ito ang tila hamon ng dating tagapagsalita ni former president Rodrigo Duterte sa mga umaatake sa hirit ng CIF ng bise presidente. Ayon kay Harry Roque sa kanyang programa sa SMNI, higit na malaki ang halaga ng CIF ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngunit wala aniyang nagsasalita para busisiin din kung saan ito gagamitin. Kasabay nito…

Read More

Kaya bagsak approval rating – Roque TAUMBAYAN NAUMAY SA PAMUMULITIKA NI ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAWALA ang suporta ng mayorya ng Pilipino kay House Speaker Martin Romualdez dahil puro pamumulitika ang inaatupag nito. Ayon kay dating Presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang programa sa SMNI, ayaw ng taumbayan ng pulitika. Mas gusto aniyang makita ng mga ito ang solusyon sa mga kasalukuyang problema sa bansa partikular ang mga usapin na malapit sa sikmura. Inihalimbawa ni Roque na dapat bigyan ng solusyon ang pagtaas ng presyo ng bilihin, pagtaas ng sahod ng manggagawa, at magkaroon ng mas maraming trabaho. Matatandaang sa resulta…

Read More

Bulto-bultong shabu magkakasunod nasakote ISYU SA SBMA DIVERSIONARY TACTICS SA NARCO-POLITICS?

Manila International Container Port

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG ‘diversionary tactics’ ng sindikato sa droga ang ipinapasabog nilang isyu ng umano’y kotongan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ito ang hinala ng impormante ng SAKSI Ngayon na humiling huwag nang pangalanan matapos ang magkakasunod na operasyon ng pulisya kung saan bulto-bultong shabu ang nasamsam. Sa ulat, panibagong 323.18 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P2.10 billion ang nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port (MICP). Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, bahagi ang P210 billion worth na shabu mula naman sa…

Read More

OFWs SA ISRAEL KABILANG SA HOSTAGE NG HAMAS

KABILANG ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga dinukot at ginawang hostage ng Hamas nang lusubin at maghasik ng kaguluhan ang mga ito sa Israel noong Sabado (Manila time). Ito ang nakarating na impormasyon kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairman, Rep. Ron Salo, subalit walang impormasyon kung ilang OFWs ang dinukot at hawak ngayon ng Hamas na itinuturing na terrorist group na suportado ng Palestine at Iran. “I am deeply concerned on the safety of our Overseas Filipino Workers (OFWs) captured by the Hamas. Our thoughts and…

Read More

DISQUALIFICATION NG SMARTMATIC UUSAD NA SA COMELEC

DIRINGGIN na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang petisyon para idiskwalipika ang Smartmatic sa procurement ng mga vote counting machine sa 2025 elections. Inihain ang petition for disqualification laban sa Smartmatic ng grupo nina dating Comelec Commissioner Augusto Lagman. Ayon sa petitioner, hindi na dapat payagan makilahok sa bidding ang Smartmatic dahil sa pagdududa sa integridad nito sa mga nagdaang halalan. Inihain ang petisyon noong Hunyo 15, taong ito. Bilang bahagi ng due process ay hihingan ng Comelec en banc ng komento ang Smartmatic para isumite…

Read More

ISYU SA WPS TATALAKAYIN NG PINAS AT SOUTH KOREA

MAGDARAOS ang Pilipinas at South Korea ng isang maritime dialogue sa Maynila sa susunod na linggo para talakayin ang maritime issues kabilang na ang developments at insidente sa West Philippine Sea. Sa talumpati ni South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa sa idinaos na South Korea’s National at Armed Forces Day celebration, muli nitong pinagtibay ang posisyon ng kanyang bansa na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Kinilala rin nito ang Pilipinas bilang ‘important partner’. “We are happy to have the Philippines as our key partner whom we…

Read More

FILIPINO CAREGIVERS KAILANGAN SA SOKOR

INTERESADO at masigasig ang gobyerno ng South Korea na mag-hire ng mas maraming Filipino caregivers. “I’ve been meeting with the DMW (Department of Migrant Workers) and DFA (Department of Foreign Affairs) because we are interested in sending Filipino caregivers to Korea,” ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa sa sidelines ng National Armed Forces Day ng South Korea sa Taguig City. “Filipino caregivers have a high reputation worldwide and it will be, in our view, a great partnership between our countries,” dagdag na wika nito. Ang South…

Read More