AFP HANDA SA EVAC OPS SA ISRAEL

israel

BAGAMAN hindi pa nakikita ng pamahalaan ang pangangailangan na ilikas ang mga Pilipino na naiipit ngayon sa girian sa Israel, nagpahayag ng kahandaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng evacuation operation para sa mga apektadong kababayan. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar na nakapaghanda na sila ng plano sakali’t tawagin sila para tumulong sa humanitarian mission na may military aircrafts, C-130 at C-295, bilang air transport. “I am here to assure everybody that with the guidance of our President, his…

Read More

IBA’T IBANG AHENSYA NAGKAISA SA KAMPANYA KONTRA DROGA

LUMAGDA ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Council (NICC) at Bureau of Corrections (BuCor) ng memorandum of agreement (MOA) para lumikha ng synchronized Anti-Illegal Drug Campaign partikular sa mga piitan sa bansa. Kasama rito ang pagpapanatili ng kooperasyon at pakikipagtulungan para masawata ang ilegal na droga sa loob at labas ng penal farm sa buong bansa. Lumagda sa MOA sina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Assistant Director General for Counter Intelligence Rolando E. Asuncion na…

Read More

2 PINOY NAPATAY SA GIYERA SA ISRAEL

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pinoy ang namatay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Palestinian Militant na Hamas at Israel. Kasabay ng anunsyo sa social media, kinondena ni DFA Secretary Enrique Manalo ang pagkakapatay sa dalawang Pilipino at lahat ng mga gawaing terorismo at karahasan na bunga ng aksyon ng Hamas sa Israel. Ikinalungkot naman ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Nagpahayag din ang Pangulo na patuloy niyang susuportahan ang mga apektadong Pilipino sa nasabing bansa. “My heart is heavy upon hearing confirmation of the…

Read More

SECRET FUNDS NI VP SARA TINULUYAN NG KAMARA

TINULUYANG burahin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang confidential fund ni Vice President Sara Duterte na nagkakahalaga ng P650 million kasama na ang kahalintulad na pondo sa Department of Education (DepEd) na P150 million. Ito ang inanunsyo ni House committee on appropriations chairman Rep. Elizaldy Co kahapon subalit hindi ginalaw ang P2.2 billion na kahalintulad na pondo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The Office of the Vice President and the Departments of Education (DepEd), Department of Information and Communications Technology (DICT), Agriculture (DA) and Foreign Affairs (DFA)…

Read More

Guadiz ‘napag-utusan’ lang – whistleblower KORUPSYON SA LTFRB ABOT SA MALAKANYANG

MAY matataas na opisyal na nakikinabang sa korupsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ang ibinunyag ng dating executive assistant ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na si Jeff Tumbado nang humarap sa media kamakalawa. Ayon kay Tumbado, nagsimula noong Marso ngayong taon ang talamak na korupsyon sa ahensya para makakuha ng permit, prangkisa at iba pa. Inamin ni Tumbado na siya ang nag-aasikaso ng mga permit sa halagang P5 milyon pero hindi lang taga-LTFRB ang nakikinabang kundi hanggang sa Malakanyang. Binanggit ni Tumbado na may mga hawak siyang ebidensya ng korupsyon sa LTFRB at ihaharap niya ito oras na…

Read More

Hamon sa Kongreso matapos siraan si VP Inday P1.6-B INTEL FUND NI SPEAKER, NASAAN?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINUWESTYON ng International Relations scholar at social media influencer na si Sass Rogando Sasot kung saan napunta ang P1.6 bilyon confidential funds ng House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez. Ito’y sa gitna ng realignment ng Kamara sa confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte. Sa kanyang post sa Facebook, inihayag ni Sasot na base sa isang retired Commission on Audit (COA) Division chief, ngayong 2023 ay may P2.2 bilyon confidential funds ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., P1,6B…

Read More

EPEKTO NG CLIMATE CHANGE RAMDAM NG MAYORYANG PINOY

TINATAYANG mayorya o 65 porsiyento ng mga Pilipino ang apektado o naramdaman ang pagbabago sa kani-kanilang mga lugar dahil sa klima ngayong taon. Ito ang lumabas sa resulta ng Pulse Asia Research survey. Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adult respondents mula Setyembre 10 hanggang 14 sa pamamagitan ng in-person interviews, na may ± 2.8% error margin sa 95% confidence level. Ayon sa Pulse Asia, 65% ng respondents ang nagpahayag na nakaranas sila ng malaking pagbabago sa klima sa kani-kanilang lugar sa nakalipas na tatlong taon, habang 24% naman ang…

Read More

SHABU SA PAMPANGA KAYANG IPANALO DRUG LORDS SA ELEKSYON

SAPAT na ang halaga ng shabu na nakumpiska sa Pampanga at Manila International Container Port (MICP) para pondohan at maipanalo ang kandidatura ng mga drug lord. Ito ang tinuran ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers sa pagsisimula ng pagdinig ukol sa 1.3 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P30 billion na nakumpiska sa Pampanga at MICT. “This amount can most definitely finance the elections and victory of drug lords in our political arena. Such war chest is even enough to fund a presidential campaign,” ayon…

Read More

P4.5-B intel fund pero walang mahuli BBM NGANGA SA SMUGGLERS

NAGHIHINTAY ang isang grupo ng mga magsasaka na may maipakulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na smuggler, cartel at price manipulators ng bigas. Ito’y sa gitna ng hirit ng Office of the President na P4.5 bilyon intelligence funds. Matatandaang nasa P10.134 bilyon ang kabuuang confidential and intelligence funds (CIF) sa panukalang 2024 budget, kung saan halos kalahati (P4.56 bilyon) ang mapupunta sa tanggapan ni Marcos Jr. Kasabay nito, tinawag din ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas na ang BBM ay hindi na Bongbong Marcos o inisyal ng Pangulo…

Read More