Sindikato sa NAIA matutumbok na sana kung ‘di umepal si Romualdez OTS CHIEF PINULITIKA NI SPEAKER MARTIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKI ang panghihinayang ng nagbitiw na si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Ma.O Aplasca dahil malapit na umano nilang masupil ang korupsyon sa airport kung hindi lang siya ‘pinag-initan’ ni House Speaker Martin Romualdez. Palaisipan umano kay Aplasca ang hirit ni Romualdez na magbitiw siya sa pwesto kasunod ng mga insidente ng nakawan at anomalya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mistulang napulitika umano ang usapin ng nakawan sa airport kaya ang napagbalingan ay si Aplasca. Sa magkakasunod na radio/TV interview kahapon, sinabi ni…

Read More

BUDGET KINAPOS SA ‘REVENGE TRAVEL’ NI MARCOS

DAHIL mahilig bumiyahe, kinapos ang pondong inaprubahan ng Kongreso para sa travel expenses ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong nakaraang taon. Ito ang natuklasan sa budget deliberation ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon matapos uriratin ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang ginastos ng Pangulo sa biyahe nito sa iba’t ibang bansa noong 2022. Sa pagtatanong ni Manuel, inamin ni House deputy majority leader Erwin Tulfo na naglaan ang Kongreso ng P314,372,000 para sa travel expenses ni Marcos sa ilalim ng 2022 General Appropriations…

Read More

TRABAHO PARA SA BAYAN BILL PIRMADO NA

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles upang maging ganap na batas ang “Trabaho Para sa Bayan Act.” Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.” Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness” ng mga manggagawang Pilipino para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders. Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary…

Read More

CHA-CHA BINUHAY NI ROMUALDEZ

SA gitna ng matumal na pagpasok ng mga dayuhang puhunan sa kabila ng sangkaterbang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., binuhay ni House Speaker Martin Romualdez ang Charter change (Cha-cha). Sa Philippine Constitution Association (Philconsa) Day and Senate Night sa Fairmont Raffles Hotel Ballroom, Makati City na inisyatibo ng Manila Overseas Press Club (MOPC) and Philconsa noong Martes ng gabi, sinabi ni Romualdez na kailangan ng bansa ang Cha-cha upang amyendahan ang mga economic provision ng 1987 Constitution. “In summary, our Constitution, as noble and well-intentioned as it is,…

Read More

‘KAMAY NA BAKAL’ NI BBM LUSAW SA SMUGGLERS

SMUGGLED RICE-5

(CHRISTIAN DALE) HINDI kinagat ng publiko ang pahayag ng Malakanyang na gagamitan na ng buong pwersa ng pamahalaan ang ilegal na operasyon ng mga rice smuggler sa bansa. Komento sa social media, maniniwala lang ang publiko na seryoso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na puksain ang mga smuggler kung may mahuhuli at maparurusahan sa mga ito. “Labas mo muna yung mga smugglers na nagtatago pati mga kakilala nyong protektor ng mga smugglers bago magpapogi gamit ang smuggled na bigas BONGBONG MARCOS Kundi, nagpapaka Robin Hood lang kayo. Parang ninakawan…

Read More

PANUKALA PARA SA MAAGANG CASH GIFT SA SENIOR CITIZEN, LUSOT NA SA SENADO

LUSOT na sa 3rd and final reading sa Senado ang panukalang magbibigay ng maagang cash gift sa mga senior citizen. Sa botong 20 ang senador na pabor, walang tutol at walang nag-abstain, inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang Senate Bill 2028 na naglalayong maibigay ang benepisyo bago pa man makaabot sa 100 years old isang Pinoy para mapakinabangan pa nila ito. Sa sandaling maging bata, makatatanggap ng P10,000 na cash gift kapag tumuntong na sa 80 years old ang isang indibidwal habang P20,000 pagsapit ng 90 years old. Bukod pa…

Read More

DIOKNO, BALISACAN NILAGLAG SA ZERO TARIFF SA IMPORTED RICE

NILAGLAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dalawa sa kanyang economic managers na sina Finance Secretary Benjamin Diokno at National Economic Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan sa usapin ng zero tariff sa imported rice. Sa budget deliberation ng Department of Agriculture (DA) kung saan kalihim si Marcos, sinabi ng departamento sa pamamagitan ni Isabela Rep. Tonypet Albano na kinontra ng Pangulo ang mungkahi nina Diokno at Balisacan. “The Department of Agriculture and the President do not support,” ani Albano nang tanungin ni Camarines Norte Rep. Gabriela Bordado Jr.,…

Read More

MARCOS DUMISTANSYA SA ‘PARTNERSHIP’ NI SARA SA CHINA

MISTULANG nilaglag na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanyang Bise Presidente na si Sara Duterte pagdating sa isyu ng China na nangangamkam sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa interpelasyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa deliberation sa budget ng Office of the President, tinalakay nito ang relasyon ni Duterte sa China sa gitna ng girian ng dalawang bansa sa pinag-aagawang teritoryo. “Bahagi po ng message ng Vice President sa China on its 74th founding anniversary and I quote: We hope that our…

Read More

P125-M CONFI FUND NI VP SARA, 11 ARAW LANG GINASTOS

HINDI 19 araw kundi 11 araw lamang ginastos ni Vice President Sara Duterte ang P125 million confidential funds na ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong December 2022 para sa Office of the Vice President (OVP). Ito ang inamin ng Commission on Audit (COA) sa pamamagitan ni House appropriations committee vice chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na siyang sponsor sa budget ng nasabing komisyon. “Madame Speaker, ang totoo po ay nagulat din po ako noong mabasa ko ang mga balita na nagastos po sa loob ng…

Read More