(SAKSI NGAYON NEWS TEAM? PUPUNTA sa Germany ang dalawang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magdeposito umano ng limpak-limpak na salapi. Ito ang usap-usapan ngayon matapos sabay na magpa-book ng ticket ang dalawang hindi pinangalanang opisyal sa PCSO upang magtungo sa naturang bansa. Duda ng mga ‘Marites,’ magdedeposit umano ang dalawang opisyal ng multi-million dollar na mula sa katas ng pekeng panalo sa lotto ng PCSO — bagay na dapat sagutin ng naturang government owned and controlled corporations kung totoo ito o hindi. Matatandaan na naging topic na…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SARI-SARI STORE OWNERS MAY AYUDA RIN
IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash assistance para sa mga sari-sari store owner na apektado ng price ceiling sa bigas. Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre 25 hanggang 29. Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of Trade and Industry (DTI) para tukuyin ang mga benepisyaryo. Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DSWD na magbigay ng cash assistance sa maliliit na rice retailers na apektado ng mandatong…
Read MoreForward Negosyo sa Montalban TULONG PANGKABUHAYAN NI REP. NOGRALES PATULOY
MULING namahagi ng tulong pangkabuhayan si Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles sa kanyang nasasakupan sa bayan ng Montalban. Ayon sa mambabatas, laganap pa rin ang kawalan ng trabaho at kabuhayan kaya patuloy niyang isinusulong na mabigyan ng paraang kumita ang kanyang mga kababayan. Layunin ng programa ni Nograles na mabigyan ng puhunan ang benepisyaryo na kapus-palad upang makapagsimula ito ng maliit na negosyo. Sa ganitong paraan aniya ay unti-unti niyang matutulungan na umangat ang kabuhayan ng mga taga-Montalban gayundin sa pagbangon ng ekonomiya. Muling namahagi si Nograles ng Forward…
Read MoreTaumbayan nagising sa higit isang taon na kapalpakan MARCOS-DUTERTE PABULUSOK NA
BAGAMA’T higit isang taon pa lamang sa kapangyarihan, dumarami na ang nagigising laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Ganito inilarawan ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang resulta ng survey ng PUBLiCUS Asia kung saan dumaudos na ang trust at approval rating ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa. “Yes dumadami na ang nagigising,” pahayag ni Colmenares dahil mula sa 62% na approval rating ni Marcos ay naging 55% na lamang ito sa ikatlong bahagi ng taon o mula Hulyo hanggang…
Read MoreNahuli puro kontrabando walang ulo ng sindikato POLITICAL WILL VS SMUGGLERS HAMON KAY BBM
PATULOY na namamayagpag ang mga smuggler at cartel sa mga produktong agrikultura lalo na sa bigas dahil walang political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na habulin, kasuhan at ipakulong ang mga ito. Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), puro lamang pitik ang ginagawa ng gobyerno sa mga sindikatong ito na pumapatay sa mga lokal na magsasaka at nagpapahirap sa consumers. “Government should muster enough political will and sincerity to genuinely address the rampant smuggling of agricultural products, particularly rice, sugar, and vegetables, and bring to justice…
Read MoreMARCOS KUMAMBYO SA PLANONG FISHING BAN
BINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naunang ulat na tinitingnan na niya ang pagpapatupad ng fishing ban at iba pang restriksyon sa ilang lugar partikular na sa mga lugar na inilaan para sa fish breeding at propagation para tugunan ang overfishing. Sa kanyang pagdalo sa launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Nabua, Camarines Sur, ipinaliwanag ni Marcos na hindi lang maganda ang pagkapaliwanag niya kaya lumabas na tila nais niya ng fishing ban. “Kung minsan kailangan ‘wag uubusin yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya yun…
Read MoreButata sa WPS issue ROBIN MAG-RESEARCH KA MUNA – TRILLANES
BUTATA si Senador Robinhood Padilla nang magpatutsada si dating senador Sonny Trillanes IV na dapat isangguni ng una sa kanyang mga staff ang mahahalagang bagay bago magkomento. Kasabay nito, hiniling ni Trillanes sa Senate media na itanong kay Padilla kung ano ang naging basehan nito sa pagsasabing natalo ang bansa sa Scarborough sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Nagbanggit ang dating senador ng ilang facts hinggil dito: 1. Wala aniyang Chinese ship sa loob ng Scarborough shoal: 2. Walang Chinese reclamation o base sa Scarborough shoal.…
Read MoreKULONG, MULTA SA NAMEMEKE SA SIM REGISTRATION WA EPEK
“PUNISHABLE by law” ang pag-upload ng mga larawan ng hayop at pagbibigay ng pekeng impormasyon sa subscriber identity module (SIM) registration. “Technically speaking po, may violation ‘yun which is fineable… So ‘pag nalaman namin kung sino ‘yung nagregister at ni-report din sa amin, we can use the SIM card registration law to go after that person,” ito ang inihayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Dy sa isang panayam. Ito ay dahil tila walang epekto ang mga nakasaad na parusa sa SIM reg law dahil nagagawa…
Read MoreAyaw ipabusisi? MARCOS ATAT NA, 2024 BUDGET SINERTIPIKAHANG URGENT
MISTULANG ayaw ipabusisi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.768 trillion kaya sinertipikahan na niya ito bilang urgent bill. Ito ang tanging dahilan na nakikita ng Makabayan bloc sa Kamara sa certification na inilabas ni Marcos noong Miyerkoles, September 20. “May urgency ba? Next year pa naman kailangan ang 2024 budget. Maski naman icertify ito ngayon di pa naman magagamit agad-agad. Ang magagawa lang ng certification ay ratsadahin ang debates na maikli na nga in the first place para mapagtakpan ang di tamang…
Read More