EBIDENSYA NG ‘DAYAAN’ SA 2022 ELECTIONS NILANTAD SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) HAWAK na ng isang mambabatas at inilantad na sa Kamara ang ilang ebidensya ukol sa umano’y dayaan noong nakaraang national elections na pinanalunan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte. Sa kanyang interpelasyon sa budget deliberation ng Commission on Elections (Comelec), isiniwalat ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang ilang impormasyon kung saan mas nauna pang nag-transmit ang isang private IP address na 192.168.02 kaysa sa Vote Counting Machine (CVM) sa Metro Manila at Region 4-A. Inihalimbawa ni Manuel ang kaso ng VCM ng…

Read More

30-DAY BREAK SA MGA GURO DAPAT LANG – REP. NOGRALES

BILANG paggunita sa National Teachers’ Month ngayong buwan ng Setyembre, ikinatuwa ng chairman ng House Committee on Labor and Employment ang ginawang hakbang ng Department of Education na bawasan ang gawain ng mga guro (teachers’ workload). “We thank Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte and all other officials for this move. This is a timely intervention that will help ensure our teachers’ well-being,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Inanunsyo ni Duterte kamakailan na ang mga guro ay mag-e-enjoy sa 30-day break matapos ang school year, at sa…

Read More

Wala nang naniniwala sa P20 bigas MARCOS JR. LALONG IBINAON ANG SARILI – NETIZENS

bigas12

DAPAT nang tigilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangako na maibababa niya sa P20 ang kada kilo ng bigas dahil lalo lang niyang nilulubog ang kanyang sarili. Payo ito ng mga netizens bilang reaksyon sa pahayag ng Pangulo kamakalawa na may tsansa pang matupad niya ang kanyang campaign promise. Sa isang ambush interview sa Zamboanga City, sinabi ng Pangulo na maaari naman itong matamo sa oras na maging stable na ang agriculture sector at ang halaga ng agricultural production sa bansa. “May chance lagi ‘yan. Kung maayos natin ang…

Read More

Grupo ni Romualdez sa Kamara butata kay Diokno TAX SUSPENSION PAPOGI LANG NG MGA POLITIKO

BUTATA ang mga mambabatas sa Kamara na nagsusulong na alisin ang fuel taxes matapos itong tutulan ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil papabor lamang umano ito sa mayayaman. Para sa Department of Finance (DOF), isa itong “ill-advised and populist measure” na lubos na makaaapekto sa mahihirap. Nagbabala si Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa “popular” subalit nakasasamang plano ng mga politiko na alisin ang value-added tax (VAT) at excise taxes sa langis, binigyang-diin ang negatibong epekto na maibibigay nito sa ekonomiya. “Proposals to suspend VAT and excise…

Read More

Protesta ng iba’t ibang grupo tuloy KAMARA MALAMIG SA ‘DAYAAN’ SA 2022 POLLS

WALANG senyales na magsasagawa ng imbestigasyon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon ng dayaan noong nakaraang presidential election na pinanalunan nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. “Fifty-fifty,” tugon ni House deputy minority leader France Castro nang tanungin ng SAKSI Ngayon kung may pag-asang aksyunan ang kanilang resolusyon na imbestigahan ang umano’y dayaan. Noong Agosto 31, inihain ng Makabayan bloc na kinabibilangan ni Castro, ang House Resolution (HR) 1239 na binasa sa plenaryo ng Kamara noong Setyembre 4, 2023 at ipinasa sa House…

Read More

GOBYERNO HINIMOK PAGBAYARIN ANG CHINA SA PINSALANG DULOT SA WEST PH SEA

MULING isinusulong ni Senador Risa Hontiveros ang pagpapanagot at pagbabayad ng China sa pinsalang idinulot sa West Philippine Sea kasunod ng kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard nasira ang mga coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal dulot ng swarming ng Chinese maritime militia vessels. Inihain din ni Hontiveros ang Senate Resolution 804 na kumokondena sa malawakang coral harvesting sa isla kaya’t hinimok ang kaukulang kumite sa Senado na magsagawa ng pagsisiyasat hinggil dito. “We should seek payment for damages caused by China in the WPS. Aabot ng bilyon-bilyon ang…

Read More

TULUYANG PAG-BAN SA POGO SUPORTADO SA SENADO

NAKAKUHA na ng sapat na suporta sa Senado ang committee report ng Senate Committee on Ways and Means na nagrerekomenda ng tuluyang pagban at pagpapalayas sa mga Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng kumite, nakakuha na ng sapat na lagda mula sa mga senador ang kanilang Committee Report 136 na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. Una nang inilabas ni Gatchalian ang chairman’s report na naninindigang hindi sapat na matumbasan ang gastusin ng gobyerno sa pagresolba sa mga krimen ang anumang…

Read More

Protesta ng iba’t ibang grupo kasado sa Sept. 21 COMELEC, SMARTMATIC SISINGILIN SA ‘DAYAAN’

NANAWAGAN ang iba’t ibang grupo para suportahan ang malaking protesta na isasagawa bukas, Sept. 21 sa tapat ng Comelec main office sa Maynila kaugnay sa anila’y dayaan sa nagdaang 2022 elections. Ikinakalat sa social media ang poster na naglalaman ng paanyaya para sa programang gaganapin sa nasabing araw. Ang pagkilos ay kinabibilangan umano ng mga grupong : Concerned Retired Military & Police Officers, Concerned UP Vanguards, katuwang ang Clergy for the Moral Choice, Solidarity for Truth and Justice, Cordillera Indigenous Peoples at iba pa, na sumusuporta sa laban ng TNTRio.…

Read More

Lantad sa korupsyon at hindi pinag-isipan ni Marcos Jr. MAHARLIKA FUND KINALADKAD SA SC

(DANG SAMSON-GARCIA) BUKOD sa minadaling proseso, iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maituturing din na unconstitutional ang probisyon sa Maharlika Investment Fund Act na pinapayagang gamitin sa pondo ang dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito anya ang isa sa kanilang argumento sa inihaing petisyon sa Korte Suprema na naglalayong ideklarang unconstitutional ang Republic Act 11954 o ang Maharlika Investment Fund Act. Sinabi ni Pimentel na sinira ng batas ang independence ng BSP dahil inobliga itong maglagak ng investment fund sa Mahalika Investment Corporation. Kabilang din sa argumento…

Read More