DIOKNO AYAW PAAWAT SA PAGTAPYAS SA TARIPA SA RICE IMPORTS

PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports. Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang tinitingnan bilang bahagi ng “comprehensive strategy” para tapyasan ang presyo ng bigas at tugunan ang potensiyal na kakapusan dahil sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon. “As discussions are underway, the Department of Finance maintains its support for an appropriate policy response that promotes the greatest good for the greatest number of Filipinos,” ayon…

Read More

Taumbayan walang pakinabang sa byahe abroad BBM BINOBOLA LANG NG FOREIGN INVESTORS – NETIZENS

NANINIWALA ang publiko na inuuto o binobola lang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga nangangako sa kanya ng investment sa kanyang mga binibisitang bansa. Base ito sa mga reaksyon sa post ng academic at opinion columnist na si Richard Heydarian sa X. Post ni Heydarian: DTI: MARCOS Jr secured ₱3.48 trillion in “pledges” over the past year; BSP: Total Foreign Direct INVESTMENTS actually DECLINED by 34 percent over the past year.. Anyare!??? Kaugnay ito ng bilyon-bilyong investment na ibinibida ni Marcos Jr. tuwing uuwi ito mula sa pagbyahe sa…

Read More

PANG-AABUSO NG ‘KULTO’ SA SURIGAO INILANTAD SA SENADO

IBINUNYAG ni Senador Risa Hontiveros na mahigit sa isang libong kabataan ang nasa kamay ng anya’y mapanlinlang, malupit, at mapang-abusong kulto sa Socorro, Surigao del Norte. Sa kanyang privilege speech, hinimok ni Hontiveros ang mga awtoridad na agad itong aksyunan dahil ang mga bata ay nagiging biktima na ng rape, sexual violence, child abuse, forced marriage na kagagawan ng isang kulto na kinilala nitong People’s Organization na ang pangalan ay Socorro Bayanihan Services. Sinabi ng senadora na batay sa mga taga-Socorro, kasama ang mismong Mayor ng munisipalidad, nagsimula ang kulto…

Read More

DIVORCE BILL INAPRUBAHAN NA NG SENATE PANEL

LUSOT na sa committee level ang consolidated bill na nagpapalawak sa batayan ng dissolution of marriage. Nakapaloob sa Senate Bill 2443 kung saan nakapaloob ang probisyon na pinapahintulutan ang absolute divorce sa bansa. Ang committee report ay inilabas ng Senate committee on women, children, family relation and gender equality na inakda nina Senator Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos. Bukod sa limang author, lumagda sa committee report sina Senators JV Ejercito, Grace Poe, Koko Pimentel III at Senate President Pro Tempore Loren Legarda Nakapaloob sa…

Read More

Matapos manood ng F1, concert naman BBM PURO ‘GOODTIME’ – NETIZENS

bbm

BINATIKOS ng netizens ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nakatakdang maghandog ng konsyerto ang Palasyo ng Malacañang sa mga guro sa darating na Oktubre 1, 2023. Ito na ang ikatlong gaganaping Konsyerto sa Palasyo (KSP). Sa Facebook post ng PCO, inimbitahan nito ang publiko na makisaya sa “Konsyerto sa Palasyo para sa Mahal Nating mga Guro” ngayong selebrasyon ng National Teachers’ Month. Mapapanood umano nang live ang naturang programa sa official Facebook page ng KSP at iba pang State-run social media platforms. Ang kauna-unahang KSP ay isinagawa noong…

Read More

Tinablan sa mga batikos? BIYAHE ABROAD IDINIPENSA NG MAG-ASAWANG MARCOS

DINEPENSAHAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza ang madalas nilang pagbyahe sa labas ng bansa. Ang katwiran ng Pangulo, kailangan ng Pilipinas ang maraming investments para palakasin ang ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya. Tinatayang may 16 foreign trips na ang nagawa ng Pangulo simula Hunyo 2022. Ang pahayag pa rin na ito ng Punong Ehekutibo ay matapos na ipahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bumagsak ang foreign direct investment ng 20.4% hanggang $3.91 billion sa first half ng 2023 kumpara sa $4.91 billion sa kaparehong…

Read More

Electoral reforms tinalikuran – Atty. Chong SUPPORTERS NILAGLAG NI BBM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) WALA nang maaasahang electoral reforms sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mistulang pag-abandona sa mga sumuporta sa kanya. Ayon kay Atty. Glen Chong, matapos nilang ipaglaban noon ni Marcos Jr. na magkaroon ng electoral reform sa bansa ay nawala na ito sa agenda ngayong nanalo na ang Pangulo. Sa vlog ni Maharlika noong nakalipas na Hunyo, unang inilabas ni Chong, dating kinatawan sa Kongreso ng lalawigan ng Biliran, ang kanyang himutok sa tila pagtalikod ni Marcos Jr. sa kanilang ipinaglaban. Simula 2010…

Read More

SA PANONOOD LANG NG F1 MABILIS SI BBM – SOLON

PINATUTSADAHAN ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mabilis lang ito kapag inimbitahang manood ng F1 sa Singapore pero mabagal umaksyon kapag kapakanan na ng sambayanang Pilipino na ang pag-uusapan. Pahayag ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaugnay ng panibagong oil price increase na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, September 19, kaya aabot na sa P70 ang halaga ng bawat litro ng diesel. Ayon sa mambabatas, matagal na silang nanawagan kay Marcos na maglabas ng sertipikasyon para ipasa agad ang mga panukalang batas…

Read More

Pinagbibitiw sa kapalpakan DIOKNO AYAW BUMABA SA PWESTO

DEDMA si Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa puwesto. Nauna rito, umapela ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na magbitiw sa puwesto sina Diokno at Balisacan matapos nilang ipanukala na tapyasan ang tariff rate sa rice imports bilang tugon sa sumirit na presyo ng mga pangunahing pagkain. Si Diokno, kasama ng Pangulo sa Singapore, ay piniling huwag patulan ang panawagan sa kanila ni Balisacan na umalis sa puwesto. Nauna…

Read More