Meeting ni LAM sa Smartmatic president binuking ni Atty. Chong ‘SMARTMAGIC’ SA 2022 POLLS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG lumakas ang panawagan na imbestigahan ang May 9, 2022 elections dahil sa panibagong impormasyon na isiniwalat ni Atty. Glenn Chong, dating kinatawan ng Biliran sa Kongreso, na nagpapahiwatig ng iregularidad. Ilang linggo umano bago ang May 9, 2022 elections ay nakipagkita si First Lady Liza Araneta Marcos (LAM) kay Smartmatic President Roger Piñate. Sa isang press conference noong Miyerkoles (Setyembre 13), inakusahan ni Chong ang Smartmatic ng paglabag sa kontrata sa Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng umano’y pakikipagkita sa isang kinatawan ng presidential…

Read More

RICE IMPORTERS TITIBA NG P12 BILLION

HINDI bababa sa labing dalawang bilyong piso ang maisusubi ng rice importers kapag itinuloy ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagtanggal ng taripa sa aangkatin nilang bigas. Ito ay ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano. Pista aniya ang mga rice importer na posibleng sabayan naman ng smugglers. “The government is set to incur an estimated P12 billion in foregone revenues from rice import tariffs if the DOF (Department of Finance) pushes through with their preposterous proposal,” ani Mariano. Layon…

Read More

Paratang samahan ng ebidensya TOPACIO KAY REMULLA: WARLORDS NA ‘PROTEKTOR’ NI TEVES PANGALANAN

(JOEL O. AMONGO) HINAMON ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na pangalanan nito ang sinabi niyang warlords na nagbibigay ng proteksyon sa kongresista. Sa isang pahayag, kinuwestyon ni Atty. Topacio ang deklarasyon ni Remulla na protektado si Teves ng ilang local warlords. “Which ‘warlords’ is he talking about? Who are these ‘warlords’? How do they even qualify as warlords? Mr. Remulla, could you please identify who these warlords are [and] where and why they are considered warlords?…

Read More

LIBONG VOLUNTEERS LUMAHOK SA COASTAL CLEAN-UP

SANIB-PWERSA sa paglilinis at pamumulot ng basura ang mga ahensya ng pamahalaan at libong volunteers kaugnay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day kahapon. Humigit-kumulang 4,000 volunteers, kabilang ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, ang lumahok sa paglilinis ng Dolomite Beach sa Maynila. Samantala, nasa 1,000 volunteers naman ang nakiisa sa aktibidad sa Estero de Sunog Apo sa Tondo habang pinangunahan naman ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang paglilinis sa beach area ng Baseco. Nakiisa rin ang Philippine Air Force 1st Air Force Wing Reserve sa pangunguna…

Read More

Sa kapabayaan ni BBM PINAS TOP RICE IMPORTER NA – FARMERS

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang grupo ng mga magsasaka na malaking krimen na nagawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paglalagay nito sa bansa bilang top rice importer kung saan nadaig na nito ang China. Sa report ng United States Department of Agriculture (USDA), aabot umano sa 3.8 million metric tons (MT) ang aangkating bigas ng Pilipinas sa marketing year 2023-2024 na mas mataas sa 3.5 million MT ng China. “Malaking krimen ito ni Marcos Jr. sa mamamayang Pilipino dahil sa kapabayaan na paunlarin ang lokal na industriya ng…

Read More

BBM PUMIYOK: MAHARLIKA FUND POSIBLENG BUMAGSAK

SIGURADO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mabibigo at tuluyang lalagapak ang Maharlika Investment Fund (MIF) kapag hinayaan at pinayagan ang mga politiko na mangasiwa nito. Marapat lamang, ayon sa Pangulo na patakbuhin ang MIF ng professional managers sa halip ng pamahalaan para alisin ang political decisions na maaaring mauwi sa pagkabigo. Sa pagsasalita sa 2023 Asia Summit sa Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pondo sa MIF “is not run by the government; it is run by professional fund managers.” “That was always the concept behind it… because…

Read More

VP SARA UMIIWAS MAPUSOY

MISTULANG umiiwas mapusoy si Vice President Sara Duterte kaya sa halip na sagutin nang diretso ang mga isyung kinakaharap nito tulad ng ilegal na paggastos ng confidential funds noong 2022 at maging ng tatlong milyong estudyante na hindi nakapag-enroll ngayong school year, ay ginagawan na lamang ng kwento ang mga kritiko nito. Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang nasabing pahayag dahil sa dami na umano ng sinabi ni Duterte sa labas ng Kongreso ay hindi pa rin nito sinasagot ang mga nabanggit na isyu. “Sa dami-dami na ng…

Read More

Negatibong epekto ng price cap ni BBM PALAY BAGSAK PRESYO NA

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T isang linggo pa lamang mula nang ipatupad ang Executive Order (EO) 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagtakda ng price cap sa bigas, ramdam na ng mga magsasaka ang negatibong epekto nito. Ito ang napag-alaman sa grupong Amihan at Bantay Bigas matapos makatanggap ang mga ito ng ulat mula sa mga magsasaka na bumaba na umano ng P3 hanggang P6 ang presyo ng bawat kilo ng palay. “Mula nang ipatupad ang price cap sa bigas, napaulat na ang pagbaba ng presyo ng palay na P3…

Read More

F1 INUNA KESA KRISIS SA BIGAS

MISTULANG binigyang-halaga pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panonood ng F1 race sa halip na unahin ang lumalalang krisis sa bigas sa bansa. “Nakuha pa ng Pangulo na magliwaliw at maglamyerda habang nasa gitna ng krisis ang bansa. Lalong napatunayan na wala siyang pakialam at pakiramdam para sa ordinaryong mamamayan na nahihirapan dahil sa mga taas-presyo. Ganito rin ang ginawa niya noong isang taon na patakas na pumunta sa Singapore habang sinalanta ng superbagyo ang mga magsasaka,” pahayag ni KMP chairman emeritus Rafael Mariano. Bumiyahe patungong Singapore si Marcos…

Read More