BBM wala pa ring solusyon PROBLEMA SA DA DINAAN SA WISH

WALA pa ring angkop na solusyon ang pamahalaan sa mga problema sa agrikultura, mahigit isang taon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA). Ito ang lumilitaw matapos mistulang idaan na lamang ni Marcos Jr. sa wish ang mga kinakaharap na problema ng ahensya. “Maging maayos na ang agrikultura,” ang wish ni Marcos Jr. sa pagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan nitong Miyerkoles, Setyembre 13. Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman…

Read More

AFP NAGHAHANDA NA PARA SA IBA’T IBANG POSIBILIDAD SA WEST PHILIPPINE SEA

NAGLALATAG na ng iba’t ibang hakbangin ang Armed Forces of the Philippines sa anumang posibilidad na mangyari sa West Philippine Sea. Kasama na rito ang posibilidad na mauwi sa armadong pag-atake ang resupply mission ng Sandatahang Lakas sa West Philippine Sea. Kinumpirma ito ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations Navy Captain Peter Jempsun de Guzman sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense tungkol sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea. Ayon kay de Guzman, naghahanda na sila ng mga nararapat na contingency plans para sa…

Read More

28 AHENSYA NG GOBYERNO HUMIHIRIT NG CONFI FUND

money123

MAS maraming ahensya ng gobyerno ang humihirit ngayon ng confidential funds sa ilalim ng kanilang panukalang budget para sa 2024. Ayon sa ulat, may 28 ahensiya ang pormal na humirit ng confidential funds sa kanilang 2024 budget, tumaas ito mula sa 21 tanggapan na humiling para sa nasabing appropriation noong 2016. Nauna rito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kabuuang halaga ng “confidential at intelligence funds” sa iba’t ibang ahensya sa panukalang 2024 budget ay P10.14 billion, kabilang na rito ang P4.5 billion para sa Office…

Read More

Pagpuna, pagsita sa kapalpakan bawal na? BBM SINULSULAN PARA SIPAIN SI MAGNO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LUMILITAW na may nagsulsol kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sibakik si dating Department of Finance undersecretary Cielo Magno. Ito ay matapos aminin ni Magno sa programang The Chiefs ng One News na utos ng Malakanyang ang pagsibak sa kanya at hindi kagustuhan ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Ayon kay Magno, noong July pa kinausap ng Malakanyang si Diokno para alisin siya sa pwesto. Kinausap aniya ni Diokno si Marcos at ipinaliwanag na nakatutulong siya sa pagreporma sa DOF. Kaya nakumbinsi aniya ang Pangulo at…

Read More

CHINA LALONG MAGIGING AGRESIBO SA WPS – EXPERT

INAASAHAN na ng isang international security expert na lalong palalakasin at paiigtingin ng China ang pagkilos nito sa South China Sea. Layon ng magiging pagkilos ng China ang makontrol ang malaking bahagi ng pinagtatalunang katubigan. Sinabi ni international studies professor Renato de Castro na “It’s simply a matter of time when the Chinese would later escalate the game”. Malinaw aniyang layunin ng China na kontrolin ang mahigit sa 85% ng South China Sea. Aniya, wala siyang ideya kung paano paiigtingin ng China ang pagkilos nito subalit ang kamakailan lamang na…

Read More

RICE INDUSTRY ‘PAPATAYIN’ NI BBM SA ZERO TARIFF SA IMPORTED RICE

KUNG ngayon ay naghihingalo ang industriya ng bigas sa bansa, matutuluyan na ito sa plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na huwag nang pagbayarin ng taripa ang rice importers. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ang panukala ng Department of Finance (DOF) na huwag nang singilin ng 35 percent na taripa ang rice importers upang bumaba ang presyo ng bigas sa bansa. “Itong panukala ang tuluyan nang papatay sa local rice industry. Lalong mababaon ang rice farmers kung tatanggalin ang taripa sa bigas, lalo na ngayong papasok…

Read More

MAKABAYAN MAY ‘ALAS’ VS CONFI FUNDS NG OVP

saraduterte12

KUMPARA kay Vice President Sara Duterte, may resibo ang oposisyon partikular na ang Makabayan bloc sa P125 milyong confidential funds noong 2022 na ginastos niya sa loob lamang ng 19 araw. Ito ang iginiit ni ACT party-list Rep. France Castro matapos sabihin ni Duterte na bunga lang ng maruming imahinasyon nila ni Sen. Risa Hontiveros na illegal ang confidential funds na natanggap nito mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “We have only ever spoken facts about the P125 million Confidential Fund that Vice President Sara Duterte received and spent…

Read More

P5.4-B ‘DI NAKOLEKTA NG PCSO SA STL OPERATORS

UMAABOT sa P5.4 billion ang hindi nakolekta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga operator ng Small Town Lottery (STL) noong nakaraang taon. Ito ang natuklasan ng mga mambabatas sa Kamara sa pagdinig sa budget ng PCSO sa susunod na taon. Sa pagtatanong ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino, inamin ni PCSO Assistant General Manager Atty. Lauro Patiag na umabot sa nasabing halaga ang collectibles sa STL operators noong 2022. Ayon kay Patiag, ang nasabing halaga ay hindi nakolekta sa mga STL agents o operators na pinatigil na ang…

Read More

Palpak na EO sinong nag-utos? MARCOS JR. LAGLAG SA ECONOMIC TEAM

(CHRISTIAN DALE) PALAISIPAN ngayon kung kaninong ideya ang pagpapatupad ng Marcos administration ng price ceiling sa bigas matapos aminin mismo ng kanyang economic team na hindi sila kinonsulta sa nasabing usapin. Pag-amin ni Finance Secretary Benjamin Diokno, hepe ng economic manager ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi man lang nagpasintabi at kinonsulta ang economic team ng administrasyon sa implementasyon ng Executive Order No. 39. Inalala ng Kalihim na ang economic managers, ang mga Kalihim ng DoF at Department of Budget and Management (DBM) at maging ng National Economic and…

Read More