DMW PINABIBIGYAN NG CONFI FUND VS RECRUITERS, SCAMMERS

IGINIIT ni Senador Raffy Tulfo na dapat pagkalooban ng confidential fund ang Department of Migrant Workers o DMW upang magamit sa pagtugis sa mga illegal recruiter at scammers. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang budget ng DMW, binigyang-diin ni Tulfo na kung ikukumpara sa ilang ahensya ng gobyerno na nabibigyan ng confidential fund, mas kailangan ng DMW ng naturang pondo dahil marami silang operasyon na dapat gawin. Iginiit ng senador na maraming mga OFW ang nabibiktima ng mga illegal recruiter, scammers at maging ng mga sindikato ng…

Read More

PPCRV sinita ng TNTrio PUBLIKO HUWAG LINLANGIN SA 2022 POLLS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT umakto ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang tagapagbantay ng electoral processes sa halip linlangin ang publiko. Ganito pinuna ng TNTrio ang poll watcher organization dahil taliwas anila ang ginawa ng mga ito sa nakaraang 2022 elections. “PPCRV is supposed to be the watchdog of our electoral processes. By making a statement that deceived the voting public they are supposed to protect, does not speak well of PPCRV,” bahagi ng post ng TNTrio sa kanilang FB page. Reaksyon ito ng grupo sa naunang…

Read More

Suporta ng taumbayan hiningi ng grupo ng kasundaluhan KATOTOHANAN SA HALALAN 2022

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN ang grupo ng mga sundalo sa mga Pilipino na magsama-sama at suportahan ang anila’y laban ng TNTrio upang lumabas ang katotohanan sa halalan noong 2022. Sa nilagdaan nilang “Manifesto for Truth and Justice”, nanawagan ang grupo na magkaisa bilang iisang boses na naghahangad ng katotohanan at hustisya. Ang manifesto ay nilagdaan ng mahigit isandaang retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines kabilang sina ret. MGen. Glenn Rabonza ng Philippine Army, ret. MGen. Reynaldo Reyes ng PAF, Capt. David Santiago ng PAF at mga miyembro…

Read More

UNIFORMED PERSONNEL PAGBABAWALANG MAG-TIKTOK

tiktok

PINAG-AARALAN ng National Security Council (NSC) ang posibilidad na i-ban ang social media platform gaya ng TikTok sa uniformed personnel ng gobyerno. Layon nito na maiwasan ang posibleng ‘data leak.’ “What I can do is to raise this with the National Security Adviser [Eduardo Año] if it would be proper for us to do so kasi alam mo naman dito sa Pilipinas… sabihin curtailment of the freedom of expression, curtailment of the freedom of speech,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa Saturday News Forum sa Quezon City.…

Read More

DEPED KINASTIGO SA ‘PAGLILINIS SA KALAT’ NG MGA MARCOS

KINASTIGO ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro ang plano ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte na tanggalin ang pangalang “Marcos” sa diktaduryang Marcos sa mga libro. Ayon sa mambabatas, isa na naman itong pagtatangka ng Marcos-Duterte administration na linisin ang pangalan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., sa pinaka madilim na kasaysayan ng bansa noong dekada 70. “The decision to remove “Marcos” from the term ‘Diktadurang Marcos’ is a clear revision of history and an insult to the countless…

Read More

PINALOBONG CIF NI DU30 PINAGPATULOY NI BBM

PINALOBO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Confidential and Intelligence Funds (CIFs) na ipinagpatuloy naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kasabay ng paghahayag sa nasabing usapin, ibinahagi ng koalisyong Makabayan ang planong kuwestiyonin sa Korte Suprema ang P125 million na inilipat ni Marcos sa Office of the Vice President (OVP) noong 2022 na ginastos naman ni Vice President Sara Duterte sa loob lamang ng 19 araw. Sa webinar ng nasabing grupo, nagsimulang lumobo ang CIF sa unang national budget ng dating Pangulo at imbes na bawasan ni Marcos ay…

Read More

REP. STELLA QUIMBO MAHIYA KA SA TAUMBAYAN – NETIZENS

KINASTIGO ng mga netizen si Marikina Rep. Stella Quimbo dahil sa inasal nito sa nakaraang pagdinig sa Kongreso patungkol sa proposed budgets ng Office of the President (OP) at Office of the Vice President (OVP). Sinisi nila ang mambabatas, bukod kay Rep. Sandro Marcos, na dahilan kaya napigilan ang kanilang mga kasamahan na mabusisi ang ang confidential and intelligence funds (CIF) ng dalawang mataas na tanggapan. Sa kanyang pagdepensa sa parliamentary courtesy na ibinigay ng House appropriations committee sa tanggapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte…

Read More

GASTOS NG PINAS SA EDCA SITES PINADEDETALYE

PINAGSUSUMITE ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ng detalye kung magkano ang ginagastos ng mga Pilipino sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa ngayon. Ayon sa mambabatas, bukod sa libre ang mga lupain na ginagamit ng United States Armed Forces ay ang mga Pilipino ang nagbabayad sa kanilang tubig at kuryente subalit dahil sensitibo ang nasabing isyu ay hiniling ni Teodoro na isiwalat na lang niya ito sa executive session. Dismayado rin si Manuel dahil tila hindi alam…

Read More

5-YR RICE IMPORTATION SA VIETNAM WELCOME KAY BBM

WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Vietnam na five-year rice importation arrangement. Para sa Pangulo makatutulong ito na patatagin ang suplay ng bigas at presyo sa Pilipinas sa gitna ng kasalukuyang pabago-bago sa suplay ng nasabing produkto. Ipinanukala ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos ang paglikha ng five-year rice supply agreement ukol sa ‘Vietnam exporting rice to the Philippines.’ Sa bilateral meeting sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, sinabi ni Pham…

Read More