MISMONG ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dumudungis sa sarili para lamang maprotektahan si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte sa ‘ilegal’ na paggastos sa pera ng bayan. Ganito inilarawan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang ginawang pagharang ng House committee on appropriations sa pangunguna ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, sa Makabayan bloc na matanong ang bise presidente hinggil sa P125 milyong confidential fund na ginastos nito sa huling 19 araw ng taong 2022 kahit walang nakalaang ganitong pondo sa kanyang tanggapan. Magugunita na mismong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Ayuda sa rice retailers kinuwestiyon ng senador PRICE CONTROL SA BIGAS PAPOGI LANG NI BBM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PAPOGI lang ang price cap na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi ito sagot sa namamayaning rice cartel at smuggler. Ayon sa grupong KAMPILAN o Kasamahan ng Maralitang Pilipino, pahihirapan lang ng price control ni Marcos ang maliliit na retailer na nagtitinda ng bigas. Gayundin ang mga magsasaka dahil posibleng bumagsak ang presyo ng palay. Malulugi ang maliliit na negosyante at magsasaka kaya lalong mawawalan ng supply ng bigas. Binanggit pa ng grupo, itinalaga ni Pangulong Marcos ang sarili bilang Department of Agriculture Secretary.…
Read MoreDOJ ‘galaw-galaw’ MAY-ARI NG SIMS NA GINAMIT SA PANLOLOKO SAMPOLAN
HINIMOK ni Senate committee on public services Chairperson Grace Poe ang mga ahensya ng gobyerno partikular ang Department of Justice na sampolan ng implementasyon ng SIM Registration Law ang mga may-ari ng 27,000 SIMS na narekober sa isang POGO hub sa Pasay City. Sinabi ni Poe na dapat matukoy ng mga telco kung kani-kanino nakarehistro ang mga SIM na narekober at ginagamit sa pang-iiscam. Sa ganitong paraan ay magsisilbing deterrent ang batas sa mga nagbabalak pang ibenta ang kanilang identity at gamitin sa pagrerehistro ng mga SIM na ginagamit ng…
Read MoreCHR BINIGYAN LANG NG BARYANG CONFI FUND
KUMPARA sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), barya lang ang ibinigay na confidential fund sa Commission on Human Rights (CHR) gayung mas kailangan nito ng pondo sa imbestigasyon sa human rights violations sa bansa. Sa pagdinig ng Kamara sa budget ng CHR, inamin ni Chairman Richard Palpal-Latoc na P1 milyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa kanilang confidential funds. “Among the mandates of the Commission is to investigate human rights violations involved civil and political rights and as investigative…
Read More‘MISLEADING NARRATIVES’ SA WPS BINASURA NI BBM
HAYAGANG binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang para sa kanya’y “misleading narratives” na ulat na ang agawan sa South China Sea ay dahil sa labanan sa pagitan ng Estados Unidos at China. “The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely to the lens of strategic competition between two powerful countries,” ayon kay Pangulong Marcos sa intervention sa idinaos na 43rd ASEAN Summit Retreat Session. “This not only denies us our independence, our agency, but it also disregards our own legitimate interests,”…
Read MoreP1.3-M KADA ARAW GASTOS SA SEGURIDAD NI VP SARA AT PAMILYA
GUMUGUGOL ang Filipino taxpayers ng mahigit P1.3 million araw-araw para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte at kanyang pamilya. Ito ay sa gitna ng naghihirap na mamamayan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon kay House deputy minority leader France Castro. Inihayag ito ni Castro bilang reaksyon sa sinabi ni Duterte sa Senado na ang P500 million confidential fund sa susunod na taon ay gagamitin umano sa “safe, secure and successful implementations of programs, activities and projects [PAPs] and engagements of the Office of the Vice President”.…
Read MoreDOTr AMINADONG MAY TRANSPORT CRISIS SA PINAS
HINDI lamang sa sektor ng edukasyon sa bansa ang may krisis kundi maging sa transportasyon. Ito ang inamin ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan sa pagdinig ng House committee on appropriation sa budget ng ahensya sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P214.296 billion. “In certain ranking (sa budget), we rank very low and if that is the basis, yes (may transport crisis),” sagot ni Batan nang tanungin ni Deputy Minority Leader France Castro kung naniniwala ang ahensya na may transport crisis sa bansa. Ayon sa opisyales,…
Read MoreRetirement benefits kapag ‘di ibinalik CIVIL CASE PA VS ROAD RAGE EX-COP
POSIBLENG sampahan pa ng civil case si road rage ex-cop Wilfredo Gonzales, oras na hindi nito isoli ang nakuha niyang retirement benefits matapos ipag-utos ng Philippine National Police na bawiin ang nakuhang benepisyo ng retiradong pulis. Kahapon inihayag ng PNP na ipinababawi na ang tinanggap na retirement benefits ni Gonzales. Ayon kay P/BGen. Niño David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, dapat ibalik ni Gonzales ang mahigit P500,000 na tinanggap nitong benepisyo mula 2016 hanggang 2018. Nabatid na simula nang ma-dismiss si Gonzales sa serbisyo noong 2018…
Read MorePagbaha magpapatuloy pa 515K KATAO APEKTADO NG BAGYO – NDRRMC
UMAKYAT na sa 140,101 pamilya o katumbas ng mahigit 515,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Goring, Bagyong Hanna at habagat sa bansa na posibleng lumobo pa dahil sa patuloy na mga pagbaha sa ilang mga lalawigan. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon sa datos ng NDRRMC, ang nasabing bilang ng mga apektadong residente ay mula sa 1,756 na mga barangay sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. Nasa 915 pamilya o mahigit 3,200…
Read More