Remulla butata! LAHAT NG TESTIGO LABAN KAY TEVES UMURONG NA

(RUDY SIM) LUMILINAW na ngayon na talagang idinawit lang si Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pagpatay kay Governor Roel Degamo matapos bawiin ng sampung suspek ang kanilang naunang sinumpaang salaysay. Sa preliminary hearing nitong Lunes sa Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng teleconference ay kinumpirma ng mga suspek na dating sundalo na sina Winrich Isturis, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, Eulogio at Louie Gonyong na walang kinalaman si Teves sa tinaguriang Pamplona massacre noong nakalipas na Marso 4. Dahil dito, sinabi ng legal team ng…

Read More

Police brutality at pang-aabuso, reklamo ng may-ari PNP PINALALAYAS NA SA NI-RAID NA POGO HUB

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINALALAYAS na ng Vargas Law Office ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na patuloy umuokupa sa sinalakay nilang POGO hub noon pang nakalipas na Lunes, June 26, sa Las Piñas City. Sa sulat na ipinadala kina PNP chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Brig. Gen. Sidney Hernia ng PNP-Anti Cybercrime Group at Mag. Gen. Jon Arnaldo, ng PNP Directorate for Intelligence, sinabi ni Atty. Ananias Christian G. Vargas na marami nang pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng…

Read More

Adviser at ‘presidential inaanak’ protektado? MARCOS NGANGA KAY PAUL SORIANO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NGANGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang inaanak at pamangkin ni First Lady Liza na si direk Paul Soriano. Trending kahapon sa social media si Soriano matapos madiin na siyang dahilan ng sablay na promotional video na nilabas ng Department of Tourism (DOT). Tinanggal na sa social media platform ang video matapos umani ng mga batikos nang ibuking ng isang vlogger na kinuha lang sa ibang website ang ilang video clip na ginamit. Sa Facebook post ni Sass Sasot, binuking…

Read More

Hawak ng kongresista, gabinete ni BBM HUMAN TRAFFICKING, GAMBLING TALAMAK SA POGO SA CAVITE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TALAMAK ang “human trafficking” at illegal games sa POGO sa dating Island Cove sa Cavite pero hindi ginagalaw ng mga awtoridad. Isiniwalat ito sa SAKSI Ngayon ng isang impormante na humiling huwag banggitin ang kanyang pangalan. Aniya, mas dapat unahin ng mga awtoridad na salakayin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nasabing lalawigan dahil bukod sa human trafficking ay may nagaganap ding ilegal na mga pasugalan na pinagmumulan ng krimen na kadalasang kinasasangkutan ng mga Tsino. Pagbubunyag pa ng impormante, isang kongresista, miyembro ng gabinete…

Read More

PINOY NABUDOL SA DOT SLOGAN

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG nabudol ang mga Pilipino sa tourism campaign ng Department of Tourism (DOT) na ginastusan ng halos 50 milyong piso. Ganito inilarawan ni House deputy minority leader France Castro ang kontrobersyal na tourism campaign ng DOT mula sa slogan hanggang sa promotional video. “Hindi pwede ang ganyan na nambubudol ng mamamayan, dapat maging ang DOT ay maimbestigahan dahil nasasayang ang pera ng taumbayan dito at nakakahiya pa sa international community,” ani Castro. Sinabi ng mambabatas, na mistulang nagsayang lang ng pera ang DOT dahil ang ginamit na materyal…

Read More

POLICE VISIBILITY SA SONA PAIIGTINGIN

PAIIGTINGIN ang ‘police visibility’ bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga idedeploy ay mga tauhan ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Ayon kay Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), magpapakalat ang MPD at NCRPO ng halos 23,000 pulis para matiyak ang seguridad sa SONA na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa darating na Hulyo 24. Maglalagay ito ng isang mobile command center at magpapalipad ng drone. “Inaasahan na natin…

Read More

OBRERO PATULOY NA MAGDURUSA SA MARCOS ADMIN

WALANG nakikitang pagbabago sa buhay ng mga manggagawang Pilipino lalo na sa pribadong sektor sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Deklarasyon ito ni dating Congressman Renato Magtubo ng Partido ng Manggagawa (PM) kaugnay ng P40 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR). “The P40 increase in the NCR minimum wage ordered by the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) mirrors the state of poverty workers endured exactly one year after and will continue to suffer under the Marcos Jr. administration,” ani Magtubo.…

Read More

MAHARLIKA POSIBLENG MITSA NG REBOLUSYON

(BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG maging mitsa ng rebolusyon ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) na pilit isinusubo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sambayanang Pilipino. Ganito ang basa ni retired Col. Hector Tarrazona, Financial and Management Consultant, AIM Scholar, AIM MDM 1991 at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1968 hinggil sa Facebook (FP) post ng PMA Class 1967. “We are gearing towards a revolution.” This was an FB post yesterday of my 1967 PMA upper class. I take this comment very seriously!,” ani Tarrazona. Paglilinaw ng dating…

Read More

MAG-ASAWANG MAYOR AT VM NG LOBO PINASASAGOT NG OMB

SA isang kalatas na may petsang Hunyo 19, 2023, inutusan ng Opisina ng Ombudsman ang mag-asawang mayor at vice mayor ng Lobo, Batangas na sina Lota Manalo at Gaudioso Manalo na sagutin ang reklamo ng isang korporasyon hinggil sa diumano’y paglabag nito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Anti-Red tape Act. Ayon sa reklamo, ang mag-asawang Manalo, kasabwat si Municipal Treasurer Leandro M. Canuel, ay patuloy na tumatangging aksyunan ang aplikasyon para sa renewal ng business permit ng kompanyang nagngangalang Efren Ramirez Construction Corporation na kailangan sa patuloy nitong…

Read More