ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ang pagtatalaga kay Ledesma ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post. Si Ledesma ay magsisilbi rin bilang miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth. Nobyembre 2022, itinalaga si Ledesma bilang acting PhilHealth chief. Si Ledesma ay naging pangulo at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Ang PhilHealth ay may mandato na pangasiwaan ang National…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PATOK NA ‘LOCAL BRANDS’ TINUKOY SA PAHAYAG 2023-Q2 SURVEY
SA pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc. at isinagawa sa pagitan ng nakaraang Hunyo 7 hanggang 12, 2023, inalam ang sentimyento at nagugustuhan ng mga Filipino consumer sa hanay ng iba’t ibang lokal na produkto. Lumalabas na sa 31 Filipino restaurant at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal (31%) at Chowking (20%). Pareho namang nakakuha ng tig-13% ang Chooks-to-Go at Red Ribbon, na sinusundan ng Goldilocks at Greenwich, na pareho ring mayroong 10% endearment ratings, at…
Read MoreLIFE VS SMUGGLERS TINIYAK NG KAMARA
TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipapasa ang panukalang batas na magpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa mga smuggler ng lahat ng uri ng agricultural products habang 17 taon naman sa mga miyembro ng cartel, hoarders at profiteers. Sa kasalukuyan, ay may 10 panukalang batas na pawang nagtutulak para amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 of Republic Act (RA) 10845 na nakabinbin sa House Committee on Agriculture and Foods. “As soon as the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, we will…
Read MoreUTOS NA AGRI-SMUGGLING PROBE NI BBM WALANG DEADLINE
HINDI binigyan ng taning ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iniutos na imbestigasyon ukol sa hoarding at agricultural smuggling. Sa halip, hahayaan niya ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na masusing imbestigahan ang napaulat na hoarding, smuggling, at price fixing sa agricultural products. “Hindi ako mahilig magbigay ng deadline. Siyempre gusto ko matapos nila nang maaga pero kailangan tapos, hindi hilaw,” ayon kay Pangulong Marcos. “Let them do their investigation. Wala namang particular, ang pinag-usapan, ang naging pagbasehan ‘yung naging problema sa maliwanag na nagho-hoarding,…
Read MoreKORUP TALAMAK SA MARCOS ADMIN
(BERNARD TAGUINOD) NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil mistulang nagiging normal at kalakaran na ang katiwalian sa gobyerno. Sa isang talumpati ni Magalong, nagbabala ito na lalong mababaon sa utang ang bansa dahil mangilan-ngilan lang sa Kongreso ang nagsasalita ukol sa financial leakage na kapag hindi naresolba ay hindi mababayaran ang P13.86 trillion na utang ngayon ng bansa. Bago aniya naging pangulo si Rodrigo Duterte ay P5.7 trillion lamang ang utang ng Pilipinas subalit pag-alis nito ay umabot na sa P13.86 trillion kaya bawat Pilipino,…
Read MorePH INFLATION NITONG HUNYO NAITALA SA 5.4%
BUMAGAL pa ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo. Sa katunayan, nakapagtala ito ng lowest rate sa loob ng 15 buwan. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang headline inflation ay bumagal ng 5.4% noong Hunyo mula sa 6.1% noong Mayo, lowest rate na naitala simula 4.9% noong Abril 2022. Noong Hunyo ng nakaraang taon, pumalo ang inflation sa 6.1%. Ang Core inflation, hindi kasama ang pabago-bagong presyo ng langis at food items ay…
Read MoreSa kabila ng pagkondena ng mga Pinoy at mundo PEKENG ADS NG DOT APRUB SA CEBU
(SAKSI NEWS TEAM) MISTULANG kinunsinte ng mga lingkod-bayan sa lalawigan ng Cebu ang kapalpakan ng kanilang kababayan na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco matapos silang maglabas ng nagkakaisang pahayag ng suporta para rito. Labing isang congressman at 47 alkalde ng Cebu ang sama-samang nagdeklara ng suporta kay Garcia-Frasco na kasalukuyang nasa gitna ng kontrobersiya kasunod ng insidente hinggil sa umano’y ‘plagiarism’ sa audio-visual presentation na ginawa ng advertising firm sa likod ng “Love the Philippines” tourism slogan. Sa manipesto ng suporta na nilagdaan ng local officials sa…
Read MoreVP SARA GIGISAHIN SA HINDI PAGSUNOD SA PROCUREMENT LAWS
TIYAK magigisa si Vice President Sara Duterte sa darating na budget hearing dahil sa paggastos sa pera ng bayan na hindi sinusunod ang batas. Ani House deputy minority leader France Castro, kailangang ihanda ni Duterte ang sarili sa mga pagbusising gagawin ng mga militanteng mambabatas kaugnay sa ibinuko ng Commission on Audit (COA) na shinorcut (shortcut) ng Office of the Vice President (OVP) ang pagbili ng mga kagamitan na ginamit sa mga Satellite Office ng bise presidente. “We are deeply concerned about the OVP’s alleged shortcuts in procurement processes. This…
Read MoreKahit pamangkin ni FL Liza PAUL SORIANO DAPAT IMBESTIGAHAN SA DOT VIDEO
(RUDY SIM) DAPAT imbestigahan ang kontrobersyal na campaign video ng Department of Tourism (DOT), ayon kay dating senador at DOT Secretary Richard Gordon. Sinegundahan naman ito ng mga netizen na naniniwalang dapat kasama sa imbestigahan ang direktor na si Paul Soriano na lumilitaw ngayon na nakialam sa paggawa ng video. Napuno ng hate comments ang social media matapos mabuking ang pandaraya sa “Love the Philippines” tourism campaign video na inilabas at pinondohan ng halos 50 milyon ng DOT. Isang vlogger ang nakasilip sa mga ‘pekeng’ video clip na nakasama sa…
Read More