MAKATATANGGAP ng mahigit anim na milyong piso ang pamilya ng mga maaaksidente ng commercial vehicles kapag naipasa ang isang panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso. Mula sa kasalukuyang P100,000, nais ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee na gawing P6.7 million ang makokolektang indemnity claims ng pamilya ng mga biktima ng aksidente sa Compulsory Third Party Liability Insurance (CTPLI). Ginawa ng mambabatas ang panukala bago ang freak accident noong Miyerkoles sa EDSA kung saan isang rider ang napugutan ng ulo at sinundan ng aksidente sa Balaoan, La Union at Quezon…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PAGBABA NG IQ NG PINOY ISINISI SA FAKE NEWS
MALAKI ang epekto ng mga fake news at disinformation sa pagbaba ng intellectual quotient (IQ) ng tao lalo na ang mga kabataan. Reaksyon ito ng dating guro at kinatawan ng ACT party-list na si Rep. France Castro kaugnay sa ulat ng Britain-based Reuters Institute na hindi na sa mainstream media kumukuha ng impormasyon ang mga tao kundi sa TikTok influencers at celebrities. “This shift has led to a rise in the dissemination of fake news and disinformation, which, in turn, contributes to the erosion of critical thinking and the lowering…
Read MoreDNA SA DEGAMO CRIME SCENE PLANTED- TEVES
DUDA ang kampo ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na planted ang dugo na ginamit bilang sample sa DNA na kinuha sa mga suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Kasabay nito, muling binanatan ni Teves ang mga pasaring ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi sinipot ng Teves legal team ang unang araw ng pagdinig ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa murder complaints sa nasabing kaso. Ayon kay Teves, tila sinadya umano ng DOJ na hindi padalhan ang…
Read MorePAGKAKAPATAY SA AMIR NG DAULAH ISLAMIYAH TAGUMPAY VS. TERORISMO
PARA sa Armed Forces of the Philippines (AFP) – Western Command, tagumpay ang pagkakapatay ng tropa ng pamahalaan sa hinirang na Amir ng Daulah Islamiyah sa buong East Asia at pinuno ng Islamic States of Iraq and Syria sa (ISIS) sa Pilipinas kamakalawa sa Marawi City, Lanao del Sur. Napatay sa operasyon sina Abu Zacaria at Joharie Sandap, alyas Mursid, sub-leader ng grupo. Ayon kay AFP Western Command Commander Lt. Gen. Roy Galido, ang engkwentro ay resulta ng pinagsanib na law enforcement operations ng AFP, Philippine National Police (PNP) at…
Read MorePANGUNGULELAT NG PINAS SA EXPORT SECTOR TINALAKAY
NANANATILING huli o nangungulelat ang export sector ng bansa sa Asian neighbors. Bunsod nito, inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga plano ng kanyang administrasyon para sa Philippine export sector sa susunod na anim na taon. Sa International Trade Forum sa Taguig City, pinangunahan nina Pangulong Marcos at Trade Secretary Alfredo Pascual ang unveiling ceremony ng Philippine Export Development Plan (PEDP) for 2023 to 2028, naglalayong gawin ang Pilipinas bilang “agile export powerhouse in key industries” at isang “leading exporter of high-value products and services” bago matapos ang termino…
Read MoreLGUs HINIMOK TAAL VOLCANO ISLAND GAWING OFF-LIMITS
HINIMOK ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang LGUs sa paligid ng Taal Lake at Taal Volcano na mahigpit na bantayan at gawing off limits sa mamamayan ang volcano island. Ito ay matapos bisitahin ng mga opisyal ng PDRRMO, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ang mismong isla ng bulkan. Noong Miyerkoles, nagsagawa ng inspeksyon ang naturang departamento kasama ang mga tauhan ng Office of Civil Defense IV-A, Philippine Coast Guard, Batangas PNP, at at mga kinatawan mula sa tanggapan ng Taal Volcano Protected Landscape sa Taal volcano island at…
Read MoreVolume ng iniimport pataas nang pataas RICE SUFFICIENCY PROGRAM NI BONGBONG PEKE – FARMERS
(BERNARD TAGUINOD) TINAWAG ng isang grupo ng magsasaka na peke ang rice sufficiency program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil imbes na bumaba ang aangkating bigas sa susunod na taon ay lalo itong tumaas. Ginawa ni Cathy Estavillo, Secretary General ng Amihan and Bantay Bigas Spokesperson, ang nasabing pahayag kasunod ng report ng United States Department of Agriculture (USDA) na aangkat ang Pilipinas ng 3.8 million metric tons na bigas sa susunod na taon na mas mataas kumpara sa 3.6 million MT ngayong taon. “Ayaw aminin ni Marcos Jr.…
Read MoreUAE PINASALAMATAN NI PBBM SA TULONG SA MAYON VICTIMS
PERSONAL na pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang United Arab Emirates (UAE) sa suporta para sa Pilipinas at napapanahong pagtulong sa mga pamilyang apektado ng nag-aalborotong Mayon Volcano sa Albay province. “Thank you very much. I cannot go further without thanking the UAE for the very timely assistance that you provided the victims of the explosion of our volcano,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi na nag-courtesy visit sa kanya sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Martes. Bago pa…
Read More50 PULIS KINASUHAN SA 990KG SHABU HAUL
SINAMPAHAN na ng kaso ang 50 tauhan ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang dalawang opisyal na inirekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin ang kanilang courtesy resignation. Ayon sa National Police Commission (Napolcom) sa isang pulong balitaan, kasong kriminal ang isinampa sa 50 pulis kaugnay sa kontrobersyal na 990kg biggest drug haul sa kasaysayan ng PNP. Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Alberto Bernardo, ang dalawang opisyal ay hindi nakita sa CCTV footage na inilabas noon ngunit sangkot naman sa conspiracy na may kaugnayan sa…
Read More