ISYU NG DECORUM SA SENADO, NA-EXAGGERATE

NANINIWALA si Senador Sonny Angara na na-exaggerate o napalaki lamang ang usapin ng decorum sa Senado. Sinabi ni Angara na sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang dahilan upang magpatawag pa ng pagpupulong sa mga senador para paalalahanan ang bawat isa kaugnay sa tamang gawi at pananalita sa Senado. Sa isyu anya ng ingay sa session hall, ipinaliwanag ng senador na kadalasan kasing maraming bisita ang bawat mambabatas at hindi maiwasang ientertain ang mga ito sa gallery sa session hall. Ang nakikita pa ni Angara ay mabait lang si Senate…

Read More

Smuggling, hoarding inamin BBM NAGTURO SA PAGSIRIT NG PRESYO NG SIBUYAS

(CHRISTIAN DALE) AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ng hoarding at smuggling ng agricultural products partikular ang sibuyas sa unang bahagi pa lang ng kanyang administrasyon. Isinisisi nito sa hoarding o pag-iimbak ng mga negosyante ang pagsirit ng presyo ng sibuyas. Sa isang panayam sa sidelines ng 125th anniversary ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Pangulong Marcos na itinago at hindi ipinagamit ng mga sindikato ang cold storage sa ibang producers. “I think maliwanag na maliwanag na sa ating lahat na ‘yung pagtaas ng presyo by 87%…

Read More

Nanalo ka dahil sa disinformation – netizens MARCOS SUPALPAL SA IBINIDANG LABAN VS. FAKE NEWS

(CHRISTIAN DALE) SA halip umani ng papuri, sinupalpal ng netizens si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang sabihin nitong lalabanan ng kanyang administrasyon ang mga maling impormasyon. Aniya, walang lugar sa makabagong lipunan ang ‘fake news”. Gayunman, sinagot ito ng mga netizen na siya ang numero unong nakinabang sa fake news noong nakalipas na eleksyon. ‘YOU WON THE ELECTIONS THROUGH DISINFORMATION’, komento ng netizen na may Twitter handle na iMPACT Leadership. Isa pang netizen ang nagpatutsada kung kilala raw ba ni Marcos Jr. sina: Thinking Pinoy, Sasot, SMNI, Tonying, Maharlika, Jam…

Read More

WATER-IMPOUNDING FACILITIES SUPORTADO NI REP. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na magkaroon ng water-impounding facilities malapit sa Metro Manila. Ayon kay Nograles, suportado niya si Pangulong Marcos sa naturang programa para maiwasan ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan at masiguro ang suplay ng tubig sa Luzon sa panahon ng El Niño. Gayunman, mas mainam pa rin aniya kung maging pangunahin ang pagpapanatili sa mga kabundukan sa bansa. “Maganda namang idea ang mga water-impounding facilities. These could boost our flood…

Read More

UNANG KASO NG OMICRON FE 1 NAITALA NG DOH

MAYROON nang unang kaso ng Omicron Subvariant na FE.1 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng DOH, ang FE.1 ay isang sub lineage ng XBB, na idinagdag sa listahan ng tinututukang variant ng European Center for Disease Prevention and Control noong June 1. Sa ngayon, ang FE.1 ay na-detect sa 35 bansa o hurisdiksyon sa 6 na kontinente. Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 2,215 na iba pang kaso ng omicron subvariant sa bansa. Kaugnay nito, sinabi sa ulat ng…

Read More

Mass exodus ng law enforcers nakaamba BBM ADMIN TAGILID

POSIBLENG humantong sa pagkaubos ng law enforcers ang ipinapanukalang bagong Military at Uniformed Personnel pension system sa sandaling maagang magretiro ang mga ito. Kapag nagkataon, malalagay sa alanganin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gayundin ang seguridad ng bansa. Babala ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, posibleng magkaroon ng security, defense at law and order collapse sa bansa kung hindi sasang-ayon ang mga military at uniformed personnel sa panukalang bagong pension system. Muling kinumpirma ni dela Rosa na marami nang law enforcers ang nagsabi sa kanya na handa nang…

Read More

Anomalya sa Marcos admin sumisirit ROMUALDEZ ININGUSO SA DSWD SCAM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INAKUSAHAN ng ilang supplier na scam ang bidding na nagaganap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) partikular ang bilyong halaga ng hygiene kits na kailangan para ipamahagi sa mga biktima ng Bulkang Mayon. Pinalagan ng ilang supplier ang mistula anilang palabas na bidding dahil hindi sila binigyan ng sapat na panahon para maka-comply sa requirements. Ayon sa mga nagrereklamo, alas-5:44 ng hapon noong Miyerkoles, Hunyo 14, nang padalhan sila ng email ni Jasmin M. Asilo, Procurement Officer na nasa ilalim ni DSWD Usec for…

Read More

Sa kabila ng ‘di masawatang smuggling at anomalya MARCOS JR. KAPIT-TUKO SA DA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG kapit-tuko sa pwesto bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng anunsyo nitong hindi niya bibitiwan ang ahensya. Ito ay sa kabila ng mga bumabalot ng kontrobersya sa ahensya tulad ng hindi masupil na smuggling at anomalya. Sa ambush interview sa Pangulo sa Malanday, Valenzuela, sinabi nito na pagtiyagaan na muna siya sa ahensya hangga’t hindi pa naayos nang mabuti ang sistema. Ilalagay muna umano niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa DA bago siya bumaba bilang kalihim.…

Read More

KRITISISMO SA ‘DECORUM’ SA SENADO BAHAGI NG DEMOKRASYA – JINGGOY

TALIWAS sa negatibong reaksyon ni Senador Robin Padilla, tanggap naman ni Senador Jinggoy Estrada na ang mga kritisismo kaugnay sa bagong komposisyon ng Senado ay mahalagang bahagi ng proseso ng demokrasya sa bansa. Ito ay kasunod ng naging puna ni dating Senate President Franklin Drilon sa sinasabing kawalan na ng decorum sa Mataas na Kapulungan. “Constructive feedback is an essential part of our democratic process and the lack of decorum in our chamber has been a cause for concern. As public servants entrusted with the responsibility of representing our constituents,…

Read More