MUTUAL DEFENSE TREATY PAAAMYENDAHAN

NAIS ni Senador Francis Tolentino na maglabas ng Sense of the Senate upang hikayatin ang Executive Department na amyendahan at palakasin ang Mutual Defense Treaty. Sa kanyang Senate Resolution 584, nais ni Tolentino na dagdagan ng probisyon ang MDT na tutukoy ng malinaw na sakop ng kasunduan at pagtutulungan ang West Philippine Sea at iba pang teritoryo na may sovereign rights ang Pilipinas. Alinsunod din sa resolution, nais ng senador na mailagay sa kasunduan ang kaukulang kompensasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga lokal na pamahalaan na magho-host ng…

Read More

INTEL FUND NI VP SARA LALONG LOMOBO

LALONG lumaki ang intelligence at confidential funds na hahawakan ni Vice President Sara Duterte matapos siyang italaga bilang co-vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). “As co-vice chair of the NTF-ELCAC and under the pretext of whole-of-nation approach and supposedly for peace and security, it is likely that she will have discretion on the confidential and intelligence funds of other agencies under the NTF-ELCAC,” pahayag ni House deputy minority leader France Castro. Ngayong taon ay umaabot sa P650 million ang intelligence at confidential funds…

Read More

RIGODON SA GABINETE NI MARCOS JR. KASADO

(CHRISTIAN DALE) TIYAK na ang pagbabagong-bihis sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatapos ng appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa. Ang pagtatapos ng appointment ban ay nitong Mayo 9, 2023. Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng ilang indibidwal sa ilang posisyon na hindi na sakop ng prohibisyon. “Marami. Talagang gagamitin mo ‘yung one year. Asahan niyo ‘yun. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na yung OJT ng lahat ng tao. We’ve…

Read More

P150 LEGISLATED WAGE HIKE BILL APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

APPROVED in principle na ang panukalang P150 legislated wage hike bill o ang Senate Bill 2022 na inihain ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri. Sa pagtatapos ng una at huling hearing ng Senate Committee on Labor, nagkasundo ang mga senador na bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang sistema ng pagkakaloob ng dagdag sahod para sa pribadong sektor. Partikular dito ang ibibigay na dagdag sahod o ang graduated wage increase scheme sa mga manggagawa ng mga Micro Small and Medium Enterprises. Sinabi ni Zubiri na inaasahan nilang mailalabas…

Read More

FERTILIZER SCAM NAGBABADYANG MAULIT

NANGANGAMOY part 2 ang fertilizer scam na nangyari noong panahon ni dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Kahapon ay pinaalalahanan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang Department of Agriculture (DA) sa planong pagbili ng BioFertilizer sa halagang P2.5 billion na walang kasiguraduhan na makatutulong sa mga magsasaka. “I would like us, the Philippines, to be careful in the expenditure of these kinds of monies to purchase something which is not sure to benefit our farmers,” ani Cojuangco sa privilege speech ukol sa Memorandum Order 32 ng…

Read More

PAGSASAPINAL NG COC SA SCS ITUTULAK NI BBM

HIHIKAYATIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang mga kapwa-Southeast Asian leaders sa 42nd ASEAN Summit na maghanap ng paraan para isulong ang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS). Layon nito na pagaanin ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan. “So yes, I will bring it up again because when we talk about – when we talk about the issues on the West Philippine Sea, South China Sea, hindi magkakalma ‘yan hanggang mayroon na tayong Code of Conduct,” ayon kay Pangulong Marcos nang tanungin kung muli…

Read More

Hamon kay BBM 14M PAMILYA IAHON SA HIRAP

HINAMON ng isang mambabatas sa Kamara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na iahon sa hirap ang may 14 milyong pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang hamon matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot sa 14 milyong pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap. “Hindi pwedeng ibangko na lamang ang mga batas na nagsusulong ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa. Hindi pwedeng magbulag-bulagan ang gobyerno sa matagal nang panawagan…

Read More

VP SARA HINDI NA SOLONG CARETAKER SA PAG-ALIS NI PBBM PATUNGONG INDONESIA

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng caretaker committee para magsilbing tagapangalaga ng bansa habang siya ay nasa Indonesia para magpartisipa sa 42nd ASEAN Summit. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, si Vice President Sara Duterte ang magsisilbing chairperson ng komite. Ang mga miyembro naman ay sina Bersamin at DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga. Bago lumipad patungong Indonesia ang Pangulo ay pinirmahan nito ang administrative order para rito. Sinasabing, ito ang unang pagkakataon na bumuo ng komite ang Chief Executive sa kanyang paglabas ng bansa o ang magtalaga ng tatlong…

Read More

SOLON: WALANG SHORTAGE SA NURSE, BINABARAT LANG

HINDI totoo na may shortage sa nurse sa Pilipinas dahil sobra-sobra ang bilang ng mga ito sa pangangailangan ng bansa. Ayaw lang nilang magtrabaho sa mga ospital dahil binabarat sila. Ito ang nilalaman ng privilege speech ni ACT party-list Rep. France Castro kaugnay ng kanyang panukala na gawing P50,000 ang entry salary level ng mga nurse lalo na sa pribadong pagamutan. Ayon sa mambabatas, base sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) noong December 2021, umaabot sa 509,000 ang lisensyadong nurse sa bansa na sobra-sobra sa 305,708 na kailangan. “Wala…

Read More