(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BIGLANG tumigil ang operasyon ng Bingo ng Bayan cum jueteng sa lalawigan ng Oriental Mindoro magmula noong Sabado na hinihinalang dahil sa takot ng mga opisyal ng pulisya na masampolan sa one strike policy ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa impormasyon ng SAKSI Ngayon, nagulat ang mga mananaya nang walang pumasyal na kabo para magpataya ng jueteng. Nauna nang iniulat ng pahayagang ito na gumaganda ang kubransa ng jueteng sa bagong pangalan na Bingo ng Bayan sa bayan ng Victoria, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
CHACHA TAMPOK SA PAGBUBUKAS NG KONGRESO
SA muling pagbubukas ng 19th Congress, agad na bumida sa Kamara ang panukalang Carter Change (ChaCha) – partikular sa pagpapalit ng anyo ng gobyerno. Para kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi ang matabang na pagtanggap ng Senado ang pipigil sa kanila na ituloy ang isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution. “Charter Change is not just a political issue, it’s a moral imperative! We owe it to our children and future generations to create a better, more prosperous Philippines,” ayon sa mambabatas na kumakatawan sa Davao del Norte. Aniya, tanging…
Read MorePANUKALANG SUBSIDIYA SA MGA MAGSASAKA TINULUGAN NG KAMARA
KINALAMPAG ng hanay ng mga magbubukid ang Kamara na huwag tulugan ang panukalang subsidiya para sa sektor na kinabibilangan ng mga nagbubungkal ng lupa at maging yaong mga pumapalaot sa karagatan para mangisda. Partikular na tinukoy ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang panukalang batas na isinusulong ng mga militanteng kongresistang naglalayong bahagian ng P15,000 subsidiya ang mga Pilipinong magsasaka at mangingisda. Hamon ng Danilo Ramos na tumatayong KMP chairman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sertipikahang ‘urgent’ ang House Bill 406 (P15K production subsidy) bilang pagkilala sa sektor ng…
Read MoreQUOTA, BATA-BATA SA PNP TABLADO – ACORDA
PARA maibalik ang tiwalang nabahiran ng mga utak-sindikato at tiwaling pulis, nanindigan ang hepe ng pambansang pulisya na hindi uubra ang quota system at bata-bata hangga’t siya ang namumuno ng Philippine National Police (PNP). Pagtitiyak ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., walang palakasan system na paiiralin sa loob ng organisasyon pagdating sa promosyon ng mga kabaro. Payo ni Acorda sa mga nagnanais umangat ang ranggo, magtrabaho ng buong sigasig, husay at katapatan para umani ng meritong aniya’y gagamiting batayan sa promosyon. Aniya, lubhang mahalaga ang kredibilidad ng mga pulis…
Read MoreILANG CABSEC NO SHOW SA SUGAR FIASCO HEARING
KINUWESTYON ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Francis Tolentino ang kabiguan ng ilang cabinet secretary na dumalo sa pagdinig kaugnay sa isyu ng sugar order 6 para sa importasyon ng 400,000 metric tons ng asukal. Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig, pinuna na ni Tolentino ang absence nina NEDA Secretary Arsenio Balisacan, DTI Secretary Alfredo Pascual, Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban at dating Sugar Regulatory Administrator David John Thaddeus Alba. Ipinaliwanag naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang tatlong cabinet secretary ay pawang nasa official mission sa iba’t ibang mga…
Read MoreExtreme heat index basehan ng direktiba ni Mayor Joy KLASE SA QC PINAIGSI BILANG PROTEKSYON SA MGA ESTUDYANTE
(JOEL AMONGO) SA hangaring tiyakin ligtas ang mga mag-aaral sa gitna ng peligrong dala ng sukdulang init na dala ng panahon, nagpasya ang Quezon City government na agad ipatupad ang mga pagbabago sa learning modality sa mga paaralang nakabase sa naturang lungsod. Sa kumpas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, inatasan din ang iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod na tugunan ang mga pangangailangan ng mga paaralan bilang proteksyon sa hanay ng mga guro. Ayon kay Belmonte, higit na angkop na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataang inilarawan ng alkalde…
Read MoreSOLON: PANALO NI BBM BUNGA NG DISINFORMATION
PRODUKTO ng disinformation campaign hinggil sa umano’y “golden age” noong panahon ng Martial law ang naging daan kaya nanalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang presidential election. Sagot ito ni Albay Rep. Edcel Lagman sa pahayag ni Marcos Jr., sa isang interview sa United States (US) kamakalawa, na hindi na bumenta ang mga isyu noong panahon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. dahil ang iniisip ng mga tao ay kinabukasan at hindi ang nakaraan. “His victory was principally the result of years of massive…
Read MoreKONGRESO BALIK-TRABAHO
MATAPOS ang mahigit isang buwang bakasyon, balik-trabaho ngayong Lunes, Mayo 8, ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Kasabay nito, inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na dinagdagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang priority bills na kailangang ipasa ng Kongreso kasama na ang Maharlika Investment Fund (MIF). “President Marcos approved eleven bills designed to address key issues on public health, job creation, and further stimulate economic growth as part of his administration’s priority legislation (LEDAC). These measures will be the focus of our legislative efforts when Congress resumes session this…
Read MoreSIMBAHAN, AWTORIDAD NASISI SA PATAYAN SA NEGROS ORIENTAL
(JOEL O. AMONGO) ISINISI sa kapabayaan ng mga lider ng simbahan at mga awtoridad ang mga insidente ng patayan sa Negros Oriental sa mga nakalipas na panahon. Lumutang ito sa Balitaan sa Tinapayan sa Maynila, kung saan napag-usapan ng mga panelista na kinabibilangan nina Atty. Ariel Jawid, John Rena, director ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Manila Police District Public Information Officer Major Philipp Ines, ang kaso ng 50 katao na biktima ng pamamaslang sa nasabing lalawigan. Ayon kay Atty. Jawid, ang mungkahi at panawagan niya sa mga…
Read More