TULUYAN nang iiwan ni outgoing Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr. ang kontrobersya sa likod ng P6.7 billion shabu puzzle na yumanig sa buong organisasyon dahil sa umano’y tangkang cover-up ngayong pinaghahandaan na ng heneral ang kanyang pagreretiro sa serbisyo sa darating na Lunes, Abril 24. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, kabilang sa mga paghahanda na ito ang iba’t ibang aktibidad na dinaluhan ng opisyal kung saan nagpapahayag din ito ng pasasalamat. Kung hindi palalawigin pa ang panunungkulan ni Azurin sa gitna ng mga katanungan kung…
Read MoreCategory: NASYUNAL
WAGE HIKE DEDMA SA MARCOS ADMIN
SA gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa merkado, nananatiling bulag, pipi at bingi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahugong na panawagan para sa dagdag-sahod na hirit ng mga manggagawang Pilipino. Para sa militanteng Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, inaamag na ang mga panukalang batas na inihain sa Kongreso para sa ‘across-the-board legislated wage hike. “Sa tindi ng kinakaharap na krisis ng ordinaryong mamamayan, hindi tamang manatiling bulag, pipi at bingi ang gobyerno sa kanilang panawagan para sa dagdag-sahod,” ani Brosas. Ayon sa mambabatas, lalo…
Read MoreBiniyayaan sa halip parusahan – Hontiveros PANGANIBAN BILANG SRA OIC INALMAHAN
(DANG SAMSON-GARCIA) INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang pagtatalaga kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban bilang Officer in charge sa Sugar Regulatory Administration. Sinabi ni Hontiveros na nakapagtatakang sa halip na parusahan ay tila nabigyan pa ng reward si Panganiban. Iginiit ng senador na dahil sa pagtatalaga ay natalo na naman ang interes at bulsa ng taumbayan dahil walang magandang kahahantungan ang appointment ni Panganiban sa SRA. Matatandaang si Panganiban ang naging sentro ng kontrobersya hinggil sa umano’y illegal importation ng asukal na sa halip na idemote o sampahan ng…
Read MorePBBM PINAMAMADALI NA PAMBANSANG PABAHAY
NAIS na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakita ng mga natapos ng housing units na itinatayo sa ilalim ng housing project ng kanyang administrasyon na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program o 4PH. Sinabi ng Chief Executive, kanya nang inaawitan si Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jerry Acuzar hinggil dito. Winika ng Pangulo kay Acuzar na sana ay dalhin naman siya sa housing project ng pamahalaan na doon ay makikitang may naitayo nang mga unit ng 4PH pabahay. Sinabi pa ng Pangulo na sa…
Read MoreTEVES UUWI ‘PAG TAPOS NA CIRCUS NI REMULLA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TULUYAN nang binasag ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang pananahimik matapos di umano siyang busalan ng Senado sa pagdinig kaugnay ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Sa isang online press conference, hayagang sinabi ni Teves na hindi pwedeng hindi siya babalik sa Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna aniyang tiyakin na wala na ang maliwanag na banta sa kanyang buhay. Katunayan aniya, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para igiit ang kanyang karapatan. Teves, Terorista? Tinawanan lang din ni Teves…
Read MoreFREE TRADE DEAL SA PINAS TABLADO MUNA SA US
HINDI kasama ang bilateral free trade agreement (FTA) sa pagitan ng PIlipinas at gobyerno ng Estados Unidos sa negotiating table dahil mas nakatuon ang pansin ng administrasyong Biden sa Indo-Pacific Economic Framework (IPEF) initiative nito. “In terms of a more ‘traditional’ FTA, we’re not currently negotiating any such agreements with trading partners in particular because we do not see that traditional [FTA] being appropriate for the types of challenges and opportunities that we’re facing right now,” ayon kay US Trade Representative Ambassador Katherine Tai sa isang panayam sa Makati City.…
Read MoreALL-OUT WAR PINAKAKASA VS. E-SABONG
DAPAT ituring ng mga awtoridad na malaking hamon ang pahayag ni suspended Cong. Arnolfo Teves na hindi maipatitigil ang operasyon ng online sabong. Ito ang binigyang-diin ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na maglunsad ng all-out war laban sa e-sabong. Lumitaw kasi sa pagdinig ng komite na hindi lang mga pulis kung hindi maging mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation ang tinatakot at hinaharass ng kampo umano ni Teves kapag pinakialaman ang operasyon…
Read MoreOBRERO NAIINIP NA SA WAGE INCREASE
(BERNARD TAGUINOD) KAILANGAN na ang legislated across-the-board wage increase dahil hindi na kayang hintayin ng mga obrero ang aksyon ng mga regional wage board sa hinihingi nilang umento sa sahod. “Workers can no longer afford to wait for the regional wage boards to act,” pahayag ni House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa kanyang House Bill (HB) 7871 o Wage Recovery Act of 2023. Base sa nasabing panukala, nais ng mambabatas na dagdagan ng P150 ang minimum wage sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa. Mas mababa ito sa…
Read MoreKontra at pabor sa Kaliwa Dam magsasalpukan BARIKADA NG DUMAGAT SA SIERRA MADRE
LUMIKHA na ng pagkakahati sa mga katutubong Dumagat ang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa kabundukang bahagi ng lalawigan ng Quezon at Rizal na pinangangambahang mauwi sa alitan. Ayon sa ulat, nagbabarikada ang mga katutubong Dumagat-Remontado sa Tinipak river sa itaas ng Sierra Madre sa bahagi ng mga nasabing lalawigan upang hadlangan ang gagawin namang ritwal ng mga katutubong pumapabor sa pagtatayo ng binabalak na dam. Ayon kay Marcelino Tena, leader ng tribung Dumagat at tagapagsalita ng mga tutol sa pagtatayo ng Kaliwa dam, hindi naaayon sa kultura ng kanilang tribo…
Read More