(BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa House committee on ways and means ang panukalang batas na palawigin ng dalawang taon pa ang estate tax amnesty. Gayunman, malabong mapabilang sa mga makikinabang dito ang pamilya Marcos. Nang tanungin kasi ni ACT party-list Rep. France Castro ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung makikinabang dito ang pamilya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sinabi ng ahensya na hindi base sa Republic Act (RA) 11213 o “Tax Amnesty Act of 2019”. Nakasaad kasi anila sa Section 9 na “The Estate Tax Amnesty under…
Read MoreCategory: NASYUNAL
DIVORCE IREGALO SA MGA OBRERO NA HINDI HAPPILY MARRIED
NAIS ng isang dating lider ng Kamara na ipasa ang divorce bill ngayong Labor Day bilang regalo sa mga manggagawa at iba pa na hindi matagumpay at masaya ang kanilang pag-aasawa. Ayon kay dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez, hindi lamang karapatan sa paggawa ng mga manggagawa ang dapat kilalanin kundi maging ang karapatan ng mga ito na makalaya sa aniya’y “unhappy, abusive, and toxic marriages”. “Divorce is a reality for many Filipino families, and it is time for us to acknowledge that reality and…
Read MoreEPEKTO NG EL NIÑO PINAGHAHANDAAN
PINAIGTING ng pamahalaan ang pagsisikap nito na i-convert ang inaasahan ng bansa na water supply mula sa underground water sa surface water. Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa panayam sa kanya ni dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang pangangailangan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kakailanganing paghahanda para tugunan ang nagbabadyang dry spell o El Niño phenomenon. “Kasi tubig ang pinag-uusapan, marami talagang elemento na kailangan isama diyan sa usapan na ‘yan. But we are slowly converting our dependence of water supply from…
Read MoreKuryenteng pangako, napako OCC MINDORO NGANGA KAY PBBM
(BERNARD TAGUINOD) “FULFILL your campaign promise”. Ito ang panawagan ni House deputy minority leader France Castro kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng problema sa kuryente sa Occidental Mindoro. Ayon sa ulat, nagbabanta na ang kaguluhan sa nasabing lalawigan dahil sa hanggang 20 oras na power outage kada araw. Isinailalim na ng Sangguniang Panlalawigan ang buong probinsya sa state of calamity. Noong 2022 presidential campaign, personal na pinangakuan umano ni Marcos ang nasabing lalawigan na aayusin niya ang problema sa kanilang kuryente subalit mas lumala ang sitwasyon ng mga…
Read More“MIDNIGHT DEAL” PROJECT NI ARROYO NABUHAY SA KAMARA
BINUHAY sa mababang kapulungan ng Kongreso ang P8.7 billion Laguna Lake Rehabilitation Project, na umano’y isa sa ‘midnight”deal ni dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Sa pangunguna ni Laguna Rep. Dan Fernandez, chairman ng Technical Working Group (TWG) ng House committee on ecology, sinimulan na ang deliberasyon sa kanyang House Resolution (HR) 376 na muling tingnan at ikonsidera ang nasabing proyekto. Magugunita na bago bumaba bilang pangulo si Arroyo noong 2010 ay inaprubahan nito ang nasabing proyekto kung saan ang kontrata ay ibinigay sa Belgian Company…
Read MoreF2F CLASSES SUSPINDEHIN KUNG DI KAYA SOBRANG INIT
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na suspendihin muna ang face-to-face classes kung hindi na komportable at protektado ang kalusugan ng mga mag-aaral, mga guro at school personnel sa gitna ng nararanasan na napakainit na panahon. Idinagdag ni Pimentel na ilan pa sa maaaring gawin ay iwasan muna ang outdoor activities ng mga estudyante at tiyakin na maayos ang bentilasyon sa mga silid-aralan. Dapat anyang may mga electric fan at may espasyo sa pagitan ng mga estudyante para hindi overcrowded o hindi siksikan. Kung sadyang hindi kakayanin ang init,…
Read MoreAZURIN EXIT NA SA PNP O EXTENDED?
MAIIWAN ang responsabilidad sa paglilinis ng PNP organization laban sa mga tinaguriang ninja cops at mga opisyal na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa pagreretiro ngayong Lunes ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. Gayunman, blangko pa kung sino ang hahalili kay Azurin. Ayon kay Azurin, hindi pa niya alam kung sino ang hihirangin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na kahalili nito. Nabatid na nakapagsumite na ang National Police Commission (Napolcom) ng shortlist ng mga posibleng ipalit kay Azurin bilang pinuno ng PNP. Kung…
Read MoreAnong ginagawa ni BBM at ng DA? – Farmers PRESYO NG PAGKAIN LALONG SUMIRIT
(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG dedma ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano, lumabas sa kanilang market monitoring imbes na bumaba ang presyo ng mga pagkain ay tumataas ito. Bukod aniya sa bigas na tumaas ng P5 ang kada kilo ay pataas din nang pataas ang presyo ng mga gulay, karne ng baboy, manok at mga isda subalit hindi ito pinapansin ng DA. “Ang DA ang…
Read MoreMay pa-concert sa Palasyo habang naghihirap mga Pilipino NETIZENS DISMAYADO KAY MARCOS JR.
BUMABALIK lang sa kung ano ang nakaugalian. Ganito ang sentimyento ng publiko base sa mga komento na mababasa sa social media partikular sa Twitter kaugnay ng series of concert na ikinasa ng Marcos Jr. admin. Nagtataka ang marami kung bakit ngayong napakaraming problema ng mga Pilipino ay nauna pang maisip ng Malakanyang ang magpa-concert. Nariyan ang problema sa mataas na bilihin, mahal na presyo ng langis, bigas, mababang sahod at marami pang kalbaryo ng mga ordinaryong mamamayan na hindi pa nasosolusyunan. Isa pa ang dinaranas ngayong kawalan ng kuryente sa…
Read More