Kababaihan pumapalag na rin BONGBONG PABAYA AT WALANG PLANO SA MAGSASAKA

(BERNARD TAGUINOD) NAUUBUSAN na rin ng pasensya ang kababaihang magsasaka kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagpapabaya umano nito. Wala ring nakikita ang Amihan National Federation of Peasant Women na plano si Marcos, para sa food security ng bansa dahil patuloy itong umaasa sa importasyon para magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ang mga Pilipino. “Nananawagan ang Amihan na dapat magkaisa ang mamamayang Pilipino laban sa pagiging import-dependent ng bansa. Dapat batikusin ang NFA at DA laluna si Marcos Jr. bilang secretary na pabaya at walang planong…

Read More

Isang linggo bago ang deadline BILANG NG NAGPAREHISTRO NG SIM CARD MABABA PA RIN

MAHIGIT sa kalahati ng kabuuang bilang ng subscribers ng identity module (SIM) cards sa bansa ang hindi pa nagpaparehistro ng kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs), gayong isang linggo na lang ay April 26 deadline na. Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), makikita na 69,828,115 SIM cards ang nakarehistro na “as of 11:59 p.m.” noong Biyernes, Abril 14, 2023. “This translates to 41.32% of the 168,977,773 SIM cards across the country, higher than the 66,220,334 registered as of 11:59 p.m. on April 11, 2023,” ayon sa…

Read More

LONG TERM LIVELIHOOD PROGRAMS GIIT SA MGA APEKTADO NG OIL SPILL

MAHIGIT isang buwan matapos ang oil spill incident sa Mindoro Oriental, iginiit ni Senador Loren Legarda ang pangangailangan para sa long-term livelihood programs at capacity-building sa mga naapektuhan ng insidente. Sinabi ni Legarda na hindi lamang dapat temporary assistance ang maibigay sa mga komunidad na tinamaan ng oil spill bagkus dapat magkaroon ng long-term programs tulad ng mangrove rehabilitation at livelihood opportunities para sa microenterprises partikular para sa mga mangingisda. Hindi anya dapat maging problema ang pagpopondo dahil mayroong P20 billion para rito sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction…

Read More

SIMULATION NG PAGLILIKAS SA OFWs SA TAIWAN PINASASAMA SA BALIKATAN

INIREKOMENDA ni Senador Francis Tolentino na isama sa Balikatan Exercises ng bansa ang simulation ng evacuation ng mahigit 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan bilang precautionary measure sa sandaling lumala pa ang giriin nito at ng China. Sinabi ni Tolentino na dapat pag-aralan na ng pinuno ng Balikatan Gaming Exercise — Philippine side ang mga paraan kung paano ievacuate ang mga Pinoy gamit ang mga sasakyang pandagat mula Taiwan patungong Cagayan o Batanes bilang contingency measure. Naniniwala ang senador na ang sea evacuation ang pinakaposibleng paraan ng paglilikas upang…

Read More

MARCOS, REMULLA ‘WORST CABINET MEMBERS’ – SURVEY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG pagbabatayan ang sentimyento ng mga Pilipino, hindi kinagat ng publiko ang paandar ng tatlong prominenteng Kalihim na pirming laman ng balita sa dyaryo, radyo at telebisyon. Batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Publicus Asia, lagapak ang grado nina Secretary Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ) at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Pasok din sa Top Three Worst Cabinet Members ng administrasyong Marcos si Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr). Ayon sa Publicus Asia, pinakamarami…

Read More

BANTA NG CHINA DAPAT KONDENAHIN NI MARCOS JR. – SOLON

DAPAT kondenahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil malinaw na ito ay banta at hindi payo. Mungkahi ito ni House deputy minority leader France Catro matapos ang tinuran ni Huang na dapat tutulan ng Pilipinas ang Taiwan Independence kung may malasakit ito sa may 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan. “Hindi advise ang sinasabi ni Ambassador Huang kundi banta at pagdidikta sa Pilipinas. Marapat na kondenahin ito at ipatimo sa China na dapat nitong sundin ang 2016 arbitral…

Read More

UPDATED FILING NG EMPLOYERS SA BIR PINATITIYAK NG SOLON

PINAYUHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang mga empleyado na tiyaking ina-update ng kanilang employers ang income tax returns (ITR) sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ginawa ni House deputy minority leader Bernadette Herrera ang payo kahapon kaugnay ng deadline ng BIR para sa paghahain ng annual income tax returns ngayong araw, Abril 17. Ayon sa mambabatas, walang babayarang buwis ang mga empleyado na hindi lalagpas sa P250,000 ang sahod sa buong taon kaya hindi na kailangang maghain ang mga ito ng kanilang ITR. “If your only source of income…

Read More

MARCOS JR. ADMIN KINASTIGO SA NAKAUMANG NA RICE IMPORTATION

(BERNARD TAGUINOD) BINANATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang panukalang 330,000 MT rice importation ng administrasyong Marcos Jr. na patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka habang lalong pinayayaman ang kartel. Ayon sa grupo, “great disservice to farmers and Filipinos” ang panukala ng National Food Authority (NFA). Sa isang pahayag, sinabi ni dating congressman Rafael Mariano, chairman emeritus ng KMP, kung meron mang tuwang-tuwa sa planong ito ng NFA at Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iyon ay ang mga rice cartel at hindi…

Read More

HIRIT NG PILIPINAS HINARANG NG ICC PROSECUTOR

HINILING ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan sa ICC Appeals Chamber na tanggihan ang apela ng Pilipinas sa desisyon na pahintulutan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa drug war killings sa Pilipinas. Sa 59 pahinang dokumento na may petsang Abril 4, sinabi ni Khan na nabigo ang gobyerno na magpakita ng anomang mali sa desisyon at nabigong tukuyin ang anomang mali na “materially affected” sa desisyon. “The Prosecution respectfully requests the Appeals Chamber to reject the Appeal and confirm the Pre-Trial Chamber’s authorization of the resumption of the…

Read More