CIVIL NUCLEAR DEAL NG PH AT US PINAPLANTSA

TINITINGNAN ng Estados Unidos na lumikha ng civil nuclear cooperation deal sa Pilipinas habang isinusulong ng Southeast Asian country na bawasan ang greenhouse gas emissions. “The US will be providing technical assistance and regulatory guidance to support the growth of the Philippines’ civil nuclear energy program,” ayon kay US Secretary of State Antony Blinken sa press conference sa Washington, noong Miyerkoles. “We’re looking to grow our cooperation through a 123 Agreement on civil nuclear cooperation which will make it easier for us to share technical knowledge as well as nuclear…

Read More

PRESYO NG BIGAS LALONG TATAAS

(BERNARD TAGUINOD) HINDI matatapos sa pinakahuling pagtaas ng presyo ng bigas na sinimulan na ng rice traders kapag tumaas pa ang halaga nito sa world market. Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, walang ipinagkaiba ang Rice Tariffication Law sa Oil Deregulation Law na tumataas ang presyo ng langis sa lokal na merkado kapag tumaas ang halaga nito sa world market. “Yung pag-liberalize sa bigas ay walang ipinagkaiba sa pag-liberalize sa industriya ng langis na kapag tumataas (ang presyo) sa world market, otomatik na tataas yung presyo nito sa lokal.…

Read More

SOLON: PINAS BINENTA NI BONGBONG SA US

(BERNARD TAGUINOD) NAIBENTA na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Pilipinas sa Estados Unidos. Ganito ang paglalarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa inilabas na joint statement ng pamahalaang Amerika at Pilipinas sa gitna ng ikatlong US-Philippines 2+2 Ministerial Dialogue. Base aniya sa joint statement ng dalawang bansa, magbibigay ang Amerika ng $100 million o P5.4 billion bago matapos ang taon para sa infrastructure investment sa limang dating Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites at para sa operasyon ng bagong apat na EDCA sites. Ang nasabing dialogue na…

Read More

CASHLESS PAYMENT GAGAMITIN NA RIN SA PALENGKE, TRICYCLE

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code. Ayon sa PCO, makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito na tinaguriang “Paleng-QR Ph Plus” ang Land Bank of the Philippines. Sakop din ng ginagawa ngayong pag-aaral ang ipatupad din ang cashless payment sa local transport drivers. Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior…

Read More

KRISIS SA EDUKASYON UNAHIN KAYSA ROTC – SOLON

MAS dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagtugon sa learning losses dulot ng COVID-19 pandemic kaysa tutukan ang pagtalakay sa panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa kolehiyo. Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros sa gitna anya ng krisis pang-ekonomiya at edukasyon na nararanasan ng bansa. Nilinaw ng mambabatas na hindi siya tutol sa ROTC na hanggang ngayon naman anya ay buhay sa ilalim ng National Service Training Program. Gayunman, kung gagawin anyang mandatory ang ROTC ay malilimitahan nito ang opsyon ng mga estudyante sa pagpapakita…

Read More

Kapag sumablay BBM admin sa pensyon ng sundalo MAS MALAKING GULO NAKAAMBA

(BERNARD TAGUINOD) KUNG hindi agad malalapatan ng tama at angkop na solusyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin ng pensyon sa hanay ng mga sundalo, hindi malayong sumiklab ang mas malaking gulo. Paglalarawan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, nakaamba ang aniya’y ‘law and order breakdown’ bunsod ng posibleng pagsapi ng retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kalaban ng gobyerno. Ayon kay Alvarez, higit na kailangan ang agarang pagkilos at tiyakin muna ng pamahalaan na hindi maaapektuhan ang pensyon ng…

Read More

TENSYON SA TAIWAN STRAIT BINABANTAYAN NG PINAS

MAHIGPIT na binabantayan ng Pilipinas ang mga kaganapan sa tumataas na tensyon sa Taiwan Strait. Kaugnay ito ng isinagawang three-day war games ng China sa paligid ng Taiwan. Sa isinagawang Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum, araw ng Martes, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang labanan ay maituturing na “disaster” lalo na sa Pilipinas dahil malapit ito sa isla. inulit ni Manalo na ang anomang uri ng pagpapaigting sa tensyon, lalo na sa military conflict, ay maglalagay sa panganib sa mahigit 100,000 Pilipino na nagtatrabaho…

Read More

Sa pagkakasangkot ng high-ranking PNP officials P6.7-B DRUG HAUL PINABUBUSISI SA SENADO

(DANG SAMSON-GARCIA) PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagkakasangkot ng ilang high-ranking official ng Philippine National Police (PNP) sa P6.7 billion drug bust sa lungsod ng Maynila noong isang taon. Sa kanyang Senate Resolution No.564, nais ni Revilla na magsagawa ng investigation in aid of legislation sa pagkakaaresto kay Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., sa drug buy-bust operation. Ikinadismaya ng senador ang impormasyon na tinangka pang itago ang pag-aresto kay Mayo. Ito ay nang isapubliko ni DILG Secretary Benhur Abalos ang CCTV footage kung saan makikita ang ilang…

Read More

PINOY NILILIGAW NI BBM SA EDCA

(BERNARD TAGUINOD) KUNG hindi binibigyan ng maling impormasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nililigaw nito ang mga Pilipino Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Ito ang pahayag ni House deputy minority leader France Castro matapos sabihin ni Marcos na ang karagdagang EDCA sites sa bansa ay hindi gagamitin ng Amerika sa kanilang offensive action. Mistulang nilektyuran ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list si Marcos hinggil sa nilalaman ng military agreement na ito sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para magkaroon ng ideya ang Pangulo kung ano…

Read More