HINDI na nakapalag si dating Senior Citizens Party-list Representative Godofredo Arquiza nang arestuhin ng mga pulis sa Quezon City Hall of Justice kahapon ng umaga. Base sa ulat sa Quezon City Police District, dakong alas-11:30 nang isilbi kay Arquiza ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Trese Dionco Wenceslao, ng Cabanatuan City RTC Branch 28. Ang utos na pag-aresto kay Arquiza ay base sa kinahaharap nitong kasong paglabag sa Section 155 ng RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Nagtakda ang korte ng P18,000 piyansa para sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Kaya tinangkang i-cover up? KONEKSYON NG NINJA COP NA SI MAYO MALAWAK
HINDI lamang ang tinaguriang ninja cop na si dismissed MSgt. Rodolfo Mayo Jr., ang tinangkang i-cover up ng mas nakatataas sa kanya kundi ang iba pang pulis na sangkot sa ilegal na droga. Ito ang nabatid kay House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers kasunod ng direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa 10 high ranking officers ng Philippine National Police (PNP) na sinasabing sangkot sa tangkang cover-up. “Indeed there is much truth of a massive attempt to exonerate Sgt.…
Read MoreTAAS-PASAHE SA LRT INAWAT NI PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay. Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo at masusing pag-aaralan ang economic repercussions ng pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero sa tatlong major rail lines. “In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers…
Read MoreSECTORAL MEETING SUMENTRO SA RIGHTSIZING
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kahapon ng umaga. Tumutok ang isinagawang cluster meeting sa rightsizing program ng pamahalaan. Kasama sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DBM Director John Aries Macaspac. Kasama rin sina Secretary Mark Llandro Mendoza ng Presidential Adviser Legislative Affairs at head ng Presidential Legislative Liaison Office at Assistant Secretary Rose Virginie B. Iñigo ng Presidential Legislative Liaison Office. Sa meeting ay binigyan ng update…
Read More300K EKTARYANG LUPAIN TARGET SA IRIGASYON
LAYON ng administrasyong Marcos Jr. na mabigyan ng irigasyon ang 300,000 ektaryang lupain. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership. Ani Guillen, dito na papasok ang Public Private Partnership (PPP) na aniya’y makapagpapabilis sa inaasam na lawak ng lupaing mabigyan ng irigasyon. Aniya, nasa 20,000 ektarya lamang kada taon ang nagagawang i-turn over at nais nilang lampasan ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Para kay Guillen, ang PPP…
Read MoreDEADLY FERRY FIRE SA BASILAN PINASISILIP SA KAMARA
PAIIMBESTIGAHAN sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 na ikinamatay ng mahigit 30 pasahero noong Marso 29, sa bahagi ng Basilan. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, nakatakda itong maghain ng resolusyon para paimbestigahan sa mga kaukulang komite sa Kamara ang puno’t dulo ng sunog habang naglalayag ang ferry mula Zamboanga City patungong Sulu. “Nais nating malaman kung ano ba ang pinagmulan ng trahedyang ito. Saan nagsimula ang sunog? Sino o ano ang responsable? Bakit hindi naagapan? Bakit kulang sa response ang mga kawani…
Read MoreGOBYERNO PINAGHAHANDA SA PAGSIRIT NG PRESYO NG LANGIS
PINAGHAHANDA ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno sa posibilidad ng pagtaas ng presyo ng langis kasunod ang paggalaw sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng desisyon ng Saudi Arabia at iba pang OPEC + oil producers na bawasan ang produksyon ng 1.16 million barrels kada araw. “Nakakalungkot ang pangyayaring ito, at dapat agad na gumawa ang gobyerno ng mga aksyon na magpapagaan sa posibleng dagok sa ekonomiya ng bansa, lalo na’t inaasahan ang epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin,” sabi ni Gatchalian. Iginiit ni Gatchalian, vice-chairperson ng Senate committee on…
Read MoreOVERBOOKING, OFFLOADING NG CEBU PAC SISIYASATIN
PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Nancy Binay ang reklamo ng overbooking na nagreresulta sa offloading gayundin ang online booking glitches laban sa Cebu Pacific. Sinabi ni Binay na maghahain siya ng resolution para hilingin sa Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo ng mga pasahero ng airline company na na-offload nang walang malinaw na dahilan. Iginiit ng senador na hindi katanggap-tanggap na matapos isakripisyo ng isang pamilya kasama ang mga bata ang kanilang tulog, sumabak sa trapik at apat na oras bago ang flight ay nasa airport na subalit hindi pinayagang…
Read MoreGrupo ng retired pulis, sundalo sa Marcos Jr. admin: PENSYON NAMIN ‘WAG PAKIALAMAN
(JESSE KABEL RUIZ) ILANG araw bago pa man sumapit ang taunang paggunita ng Araw ng Kagitingan, inalmahan ng mga retiradong pulis at sundalo ang panukalang ‘Pension Reforms’ na isinusulong ni Finance Sec. Benjamin Diokno at inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bukod sa mga unipormadong tapos na ang panahon ng serbisyo, kabilang sa mga diskumpyado sa ‘reporma’ ni Diokno ang mga aktibong pulis at sundalo – partikular ang hanay ng mga may mababang ranggo. Gayunpaman, may ilang aktibong opisyal ng pulis at militar ang nagpahayag ng suporta sa isinusulong na…
Read More