HINDI pinagbigyan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag payagan ang mga biktima ng drug war na lumahok sa paglilitis. Gayundin ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na magkomento sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Papayagan naman ng Appeals Chamber ang Office of Public Counsel for Victims, na gumawa ng written observations sa gobyerno ng Pilipinas tungkol sa mga interes ng mga biktima. May kabuuang 90 aplikante ang pumirma sa apela na…
Read MoreCategory: NASYUNAL
KONGRESO BAKASYON NA
SIMULA na bukas, Marso 25, ang limang linggong bakasyon ng mga mambabatas sa kanilang plenary work. Noong Miyerkoles ng gabi ay tuluyang nag-adjourn ang session ng mababang kapulungan ng Kongreso subalit bukas lamang magsisimula ang kanilang pormal na session break na magtatagal hanggang Mayo 7. Babalik ang session ng Kongreso sa Mayo 8 kung saan isang buwan lamang magsesesyon ang mga ito at muling mag-aadjourn sa Hunyo 2, kasabay ng pagsasara ng 1st Regular Session ng 19th Congress. Bubuksan ang 2nd Regular Session sa July 24, 2023 kasabay ng ikalawang…
Read More33 OPISYAL NA DAWIT SA PHARMALLY SINUSPINDE
TATLUMPU’T tatlong opisyales ng gobyerno – kabilang si Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao – ang pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng di umano’y overpricing sa mga COVID-19 testing kits na binili ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation tatlong taon na ang nakalipas. Sa kalatas na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng sapat na dahilan para isailalim ng ‘preventive suspension’ si Lao at iba pang mga opisyales mula sa DBM at Department of Health. Bukod kay Lao,…
Read MoreHontiveros sa Malakanyang ASUKAL NG 3 PABORITONG TRADERS IBENTA RIN SA KADIWA
HINAMON ni Senador Risa Hontiveros ang Malakanyang na kunin at ibenta na rin sa Kadiwa stores sa murang halaga ang mga asukal na inangkat ng tatlong paboritong importers ng Department of Agriculture (DA). Kaugnay na rin ito sa pag-apruba ng administrasyon sa rekomendasyon na ibenta sa Kadiwa stores ang nakumpiskang 12,000 metric tons ng asukal sa halagang P70 kada kilo. Tinukoy ng senadora ang mga inangkat na asukal ng sugar traders na sinasabing paborito ng gobyerno na All Asian Countertrade, Edison Lee Marketing, at Sucden Philippines. Ipinunto ni Hontiveros na…
Read MoreSa pagpayag na ibenta smuggled sugar sa Kadiwa KMP: SMUGGLING KINUKUNSINTE NI BONGBONG
(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG pagpayag o pangungunsinte sa smuggling ang pagbibigay ng basbas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibenta sa Kadiwa centers ang mga nakumpiskang smuggled sugar. Reaksyon ito ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) matapos aprubahan ni Marcos Jr. ang pagbebenta ng smuggled sugar sa Kadiwa centers sa halagang P70 kada kilo. “Ang dapat gawin ng Pangulo, pigilan at sugpuin ang smuggling, hindi gawing legal ang pagbebenta ng mga kontrabandong asukal at iba pang produktong agricultural,” ani Danilo Ramos ng KMP. Hindi aniya dapat gamitin ni Marcos ang mga…
Read MoreMABAGAL NA PROSESO NG CLAIMS NG SSS PINAIIMBESTIGAHAN
ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo ang imbestigasyon sa reklamo ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims. Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 544, iginiit ni Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay perwisyo sa mga retirees, lalo pa sa mga umaasa sa kanilang mga benepisyo para pangtustos sa pang-araw-araw na gastusin. “It is the responsibility of the Senate to ensure that government agencies such as the SSS are efficient in providing services to…
Read MoreGawa ng mga ‘anay’ sa Palasyo PBBM SINUSUBUAN NG MALING INFO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY mga lumalason sa isip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya nababaligtad ang ilang kwento at napapasama ang ilang tao. Ito ang duda ng kampo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. Nagtataka ang kampo ng mambabatas dahil imbes tumugon ang Pangulo sa kanilang panawagan laban sa panggigipit ng ilang personalidad sa gobyerno ay tila napasama pa ito. Sa isang ambush interview kahapon sa Pangulo, sinabi nito na batay sa monitoring ng intelligence unit ng pamahalaan ay walang threat o banta sa buhay ng…
Read MoreLitrato kasama sina PBBM at Panganiban kumalat 3 SUGAR IMPORTERS TUBONG-LUGAW
(DANG SAMSON-GARCIA) IBINUNYAG ni Seandor Risa Hontiveros ang tinawag nitong ‘tubong-lugaw’ na maaaring kitain ng mga napiling importers ng asukal ng Department of Agriculture. Sa impormasyon ni Hontiveros, isang industrial user company ang humiling na kay Agriculture Usec. Domingo Panganiban kung maaari silang mag-import ng asukal sa Thailand para sa pansariling gamit. Gayunman, sa halip na makatulong para makatipid ang kumpanyang humingi ng tulong sa ahensya ay itinuro ni Panganiban ang kumpanya sa tatlong importers ng asukal kasama ang All Asian Countertrade”. Nang lumapit naman anya ang kumpanya sa All…
Read MoreKampo ng Army kinuwestyon ng solon MARTIAL LAW NA BA SA TONDO?
IKINABABAHALA ng isang mambabatas sa Kamara ang pagkampo ng mga sundalo sa Tondo partikular na sa Happyland at Aroma sa Barangay 105 at ang pangha-harass umano ng mga ito sa local leader ng Gabriela party-list. Dahil dito, naghain si Rep. Arlene Brosas ng resolusyon para paimbestigahan sa House committee on human rights ang pagkampo sa nasabing lugar ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army mula pa noong Marso 9, isang araw matapos isagawa ang Women’s Day Act sa Mendiola. “According to local community leaders, members of 11th IBPA have since…
Read More