‘SECRET MEETING’ NI ZUBIRI KINONTRA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) KINONTRA ni House committee on constitutional amendment chairman Rep. Rufus Rodriguez ang ideya ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gawing executive session ang pulong ng dalawang kapulungan sa usapin ng Charter change o Cha-cha. “I am against any executive session or secret meeting on this matter. Let us be transparent: we are discussing the fundamental law of the land, not just a proposed piece of legislation. Let us not hide our discussions from the public,” ani Rodriguez. Hindi nagustuhan ni Rodriguez ang pagharang ni Zubiri na makadalo…

Read More

BARANGAY ASSEMBLY PINAGAGAMIT PARA SA BIDA PROGRAM

PINAGAGAMIT sa mga opisyal ng 42,046 barangay sa bansa ang barangay assembly para makakuha ng suporta sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtuon sa “demand reduction at rehabilitasyon ng komunidad.” Ani Abalos, kailangan samantalahin ang mga barangay assembly na itinakda ngayong buwan para komprehensibong maipaliwanag ang programa sa kanilang constituents at gawin ng mga tagapagtaguyod ng BIDA.…

Read More

DEATH PENALTY TARGET IBALIK PARA SA NINJA COPS

SA hangaring tuluyang wakasan ang tinaguriang kanser sa lipunan, target ng Kamara ibalik ang parusang kamatayan sa mga ninja cops na di umano’y dahilan sa patuloy na paglaganap ng droga sa mga lansangan. Sa rekomendasyon ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, isa aniya sa dahilan kung bakit hindi nauubos ang ipinagbabawal na gamot ang mga tiwaling operatibang nagpapabenta di umano ng mga epektos na nasamsam sa operasyon. Para kay Barbers, malinaw na patuloy pa rin ang pamamayagpag ng aniya’y mga…

Read More

Wala pang basbas ni PBBM INDEPENDENT BODY VS. DUTERTE DRUG WAR

WALA pang basbas mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi pa maisumite ng tanggapan ni Solicitor General Menardo Guevarra ang panukalang paglikha ng independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa drug campaign ng Duterte administration. Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang panukala kabilang na ang draft ng executive order (EO) na naglalayong bumuo ng independent panel noong nakaraang taon. “The OSG has crafted the details of a proposed independent commission a long time ago, including…

Read More

HIGIT 400 PANG BILANGGO LAYA NA

LUMAYA kahapon ang panibagong 401 bilanggo mula sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor). Nagdaos ng programa para sa maramihang pagpapalaya ng preso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso. Kabilang sa mga dumalo sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at BuCor chief Gregorio Catapang Jr. Sa CIW ay umaabot sa 39 babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang lumaya. Nasa 163 PDLs naman ang lumaya mula sa New Bilibid Prisons; 99 sa Davao Prison…

Read More

Pagbaba ng bigas sa P25/K bomalabs NANANAGINIP SI BONGBONG

(BERNARD TAGUINOD) “BAKA nasa panaginip lang ng Pangulo.” Reaksyon ito ng grupo ni dating congressman at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano ukol sa ipinagmamalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nabibili na ang mga bigas sa Kadiwa sa halagang P25 kada kilo. Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas at AMIHAN National Federation of Peasant Women, walang katotohanan na nagbebenta ang mga Kadiwa ng bigas sa naturang halaga at kung meron man ay mas mahal ang pasahe bago makarating sa mga lugar na meron nito.…

Read More

LGUs, PNP OFFICIALS PADRINO NG HI-TECH JUETENG SA MINDORO

DISMAYADO ang samahang sibiko, non-government organizations, simbahan lalong-lalo na ang mga bwisit na bwisit na mga residente sa pagiging inutil diumano ng kanilang LGUs na sugpuin ang operasyon ng hi-tech jueteng sa Oriental Mindoro. Bukod sa ‘untouchable’ illegal numbers game, maraming malalaking kaso at iba pang uri ng kriminalidad sa nasabing lalawigan ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano malutas-lutas. Ayon sa ilang source, simula nang maitalaga si Police Regional Office 4B MIMAROPA Regional Director PBGen. Sidney Hernia ay hindi man lang nahinto ang talamak na hi-tech jueteng corporation…

Read More

Solon: Pwede namang maiwasan kung… PUTIN PINAAARESTO NA NG ICC, DUTERTE NEXT

MAIIWASANG maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasabwat nito kung seseryosohin ang pag-iimbestiga at pagpapanagot sa mga ito sa war on drugs. Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro dahil posibleng magaya si Duterte at mga kasabwat nito sa war on drugs kay Russian President Vladimir Putin na inisyuhan na ng arrest warrant ng ICC dahil sa pag-deport sa may 7,000 Ukrainian children sa Russia na itinuturing na isang uri ng war crime. “Now there is a chance…

Read More

SUPLAY NG ISDA SAPAT SA KABILA NG OIL SPILL – BFAR

KUMPIYANSA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi magkakaroon ng pangmalawakang kakulangan sa suplay ng isda dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro. Sa katunayan, sapat anila ang suplay ng isda para ngayong Mahal na Araw. Ayon sa ahensya, ang fishing grounds sa bansa ay muling nagbukas matapos ang periodic closure nito kung saan pinapayagan na ma-reproduce ang fish species. Iyon nga lamang, ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, maaaring magresulta ng mababang fish output ang oil spill sa Oriental Mindoro at kalapit-lalawigan kasunod ng patuloy na…

Read More